Chapter Seven
"KASAL ni Gervacio bukas. Pupunta ka?" maingat kong tanong sa'yo.
Malapit nang matapos ang academic year kaya abala tayong lahat ngayon sa loob ng faculty. Ilang linggo na rin ang dumaan pero parang may hang over pa rin ako.
"Invited ako kaya pupunta ako. Ikaw ba? Naging classmate kayo 'di ba?"
Ilang segundo ko munang sinuri ang mukha mo bago sumagot. Tumango ako at, "Sabay na tayo para hindi ka na mag-commute."
Shit! Agad akong nag-iwas ng tingin. Sana lang ay hindi mo mahalata ang pagiging tensyonado ko. Magkaibigan na nga tayo pero mahal na mahal kita.
"Okay lang ba? May extra ka bang helmet?"
Mula sa monitor ng aking laptop ay sumulyap ulit ako sa'yo. Sinusubukan kong maging normal kahit ang hirap.
"Meron, Phoebe. Ano? Sunduin na lang kita?"
Pumayag ka sa gusto kong mangyari kaya malapad ang ngiti ko ngayon habang nagmamaneho. You're hugging me from the back. Hindi mahigpit pero sakto lang para hindi ka mahulog. Shit. Ako 'yong mas lalong nahuhulog.
Pagkarating natin sa labas ng simbahan ay agad kang kumalas at bumaba. Binigay mo na rin sa'kin ang helmet kaya sinabit ko 'yon sa handle kasama ng sinuot ko kanina. Ambang mauuna ka na sa loob nang hawakan ko ang braso mo.
"Wait," saad ko sabay ayos ng nagulo mong buhok dahil sa helmet.
Ramdam kong natigilan ka dahil sa ginawa ko kaya sinubukan kong ngumiti para hindi ka mailang. Napakurap ka.
"S--Salamat," sinabi mo 'yon nang hindi nakatingin sa'kin. Nagmadali ka ring sumugod sa loob ng simbahan. Na muntikan mo pang mabunggo 'yong isang flower girl.
Napapangiti na lang ako habang nakasunod sa'yo. Maraming invited sa kasal ng ex mo. Hula ko ay aabot ng isang daan. Sa labas pa lang ng simbahan, nakakita na ko ng mga pamilyar na mukha. Mga classmate namin nong Junior High na naging classmate mo nong Grade 10. Hanggang ngayon nanghihiyang pa rin ako kung bakit hindi umabot ang general average ko non. Haha.
"Phoebe?" gulat na usal ni Gervacio nang makita ka. Nagpaalam muna siya sa kausap bago ka yakapin nang mahigpit. Pasalamat siya, ikakasal na siya.
I heard you laughed. "Congratulations, Jerro!" walang bahid 'yon ng pait kaya bahagya akong nakahinga nang maluwag.
"Akala ko hindi ka makakapunta. Hindi ka nagsabi."
"Surprise nga kasi."
Kung hindi pa ko nahagip non ni Gervacio ay hindi pa kayo hihiwalay sa isa't isa. Ngumisi si Gervacio. "Nice. Nakarating ka, Alonte."
Napangisi ako pabalik. "Basta para sa'yo, Gervacio."
Humalakhak siya. Pansin ko namang pinapanood mo kami. Hindi pa rin napapawi ang ngiti mo kaya ang sarap mong pagmasdan.
"Kilala mo ba si Alonte, Phoebe?"
You nodded and even glanced my way. "Friends kami. Parehas din kaming nagtuturo sa SAH."
Halatang nabigla si Gervacio doon. Alam kong hindi niya 'yon inasahan. Alam ko rin na dapat ay bigyan ko kayo ng oras na makapag-usap, na kayong dalawa lang. Kaya naman pasimple kong kinuha ang bag mo. Mabigat 'yon dahil may laman 'yong regalo. Kasama 'yong akin.
"Usap muna kayo," marahan kong sambit.
"A--Ako na niyan, Markus."
I shook my head. "Doon muna ako sa may labas."
BINABASA MO ANG
Wistful
RomanceSiguro nga imposible, pero nangarap pa rin si Markus Alonte ng isang Phoebe Herrera. He's been loving her for more than a decade now but he remained invisible only in her eyes. Kahit na bumalik na ito mula sa Canada ay hindi pa rin niya nasabi at hi...