Chapter Four

68 3 1
                                    

Chapter Four

NANLUMO ako noong nahagip ko ang balitang nanliligaw na siya sa'yo. Paanong hindi? Eh, mahal mo ang gagong 'yon! Mahal mo pa rin!

Shit! May mga nanligaw din naman sa'yo pero hindi ako ganito kaapektado. Kampante kasi ako na hindi mo sasagutin. Pero ngayon? Sigurado na ko na magiging kayo. Na si Gervacio ang unang magiging boyfriend mo.

At anong ginawa ni Janelle? Tanda mo pa ba? Ginawa niya kong substitute ni Gervacio! Shit lang!

Nakipag-away pa ko kay Janelle non dahil nagmamadali akong umuwi. May duty pa ko sa Mcdo bilang service crew.

"Sandali lang naman!" sabay hatak niya sa'kin palapit sa'yo.

Nagpatianod na lang ako kahit nangangatog ang binti dahil sa pambihirang kaba. Napatingin ako sa'yo ngunit agad ding umiwas nong nagtama ang paningin natin. Shit! Nakikita mo na ba ko?

"Markus babe naman, eh. Favor lang."

Hindi ako nagsalita. Patuloy akong nagmumura sa isipan ko.

"Alam ko 'yang iniisip mo, Phoebe, ah? Tropa ko lang 'to." Nagitla ako nang inakbayan ako bigla ni Janelle. Nakatayo siya sa unang baitang ng bleacher kaya naabot niya ko.

"Okay. Ganito 'yan, ah? Sampolan kita," si Janelle na kumindat pa sa'yo. Natawa ka roon kaya hindi ko napigilang sumulyap sa'yo.

Habang inuutusan ako ni Janelle ay doon ko lang napagtanto kung para saan ang presensya ko. Kung para kanino mo 'to gagawin. Kung anong mangyayari mamaya.

Sasagutin mo na siya at wala akong magagawa.

"Oh, ikaw naman."

Akala ko ako pa rin ang kausap ni Janelle pero nang bumaling siya sa'yo ay natigilan na lang ako. Tinulak ka pa niya papunta sa'kin. Mabuti at hindi ka nasubsob!

"Bilis na. Practice natin, para hindi ka na mailang kay Jerro mamaya," ani Janelle na ngumingisi. Alam kong sinasadya niya 'to.

"Ikaw babe, ah? Minsan lang ako humingi ng favor, kaya magtino ka."

Shit! Alam niyang may gusto ako sa'yo! Alam niya dahil nong minsang nalasing ako ay ikaw ang bukambibig ko. Classmate kami nong elem, nasa iisang barkada, kaya medyo close kami.

"Shit," mahinang usal ko habang sabay tayong naglalakad.

Literal na huminto ang lahat sa akin nang hawakan mo ang kamay ko. Ngumiti ka pa na para bang mahal mo rin ako.

"Oo na. Tayo na," marahang sambit mo.

Imbes na matuwa ay nasaktan ako. Alam kong hindi para sa'kin ang mga salitang 'yon. Alam kong kailanman hindi ka magiging akin. Shit. Ang saklap.

Nong araw na 'yon mismo ay naging kayo na ni Gervacio. Hindi na ko tumuloy sa Mcdo dahil niyaya ako ni Janelle na uminom ng alak. Tinawagan niya rin sila Panganiban para damayan ako. The more, the merrier daw.

"Sagutin mo nga ko, par. Bakit ang dali mong niligawan si Kyla? Pero kay Phoebe, umuurong ka?" seryosong tanong ni Umayao.

Hindi ko masagot 'yon kaya nilagok ko ang hawak na beer. Bakit nga ba? Bakit imbes na sumugal sa'yo ay naghanap ako ng iba?

"Hindi ko alam. Iba si Phoebe, eh." Tanging nasabi ko sa kanila.

Ang gago ko ba? Sorry na agad. Tumatak lang sa isipan ko 'yong katagang, 'Hindi kita deserve.'

Sa totoo lang, hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Kay Phoebe 'yan, ah? Paano napunta sa'yo?" si Insan na naupo sa harap ko. Nasa hapag kami para mag-almusal. Kaming dalawa lang dahil madaling araw pa lang.

"Napulot ko sa library. Hindi ko alam kung paano isauli," sabay higop ko ng kape.

Bukod sa busy ka kay Gervacio ngayong kayo na ay busy din ako sa Mcdo. Kailangan kong kumayog para sa pag-aaral ko. Hindi pwedeng nakaasa na lang ako palagi kina Tito.

"Tanga ka ba? Parang ibibigay mo lang, hindi ka naman manliligaw. T'saka mahalaga 'yan kay Phoebe. Regalo 'yan ng Papa niya sa kan'ya."

Napatango ako. Nilapag ko ang bracelet malapit sa kan'ya. "Ikaw na lang."

Umiling naman siya, halatang dismayado. "Ako ba ang nakalupot?" may bakas ng sarkasmo ang tinig niya.

Pagkatapos ay iniwan niya na ko sa hapag. Napabuntong hininga ako.

Kung kailan ako nagkaroon ng lakas ng loob na ibigay sa'yo ang bracelet mo ay doon ka pa umalis.

Doon ka pa nawala.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" frustrated kong tanong kay Janelle.

Nasa labas kami ng university, naghihintay siya ng sundo samantalang ako ay nanghihinang nakaupo sa shed. Ngayon ko lang nalaman na break na kayo ni Gervacio, na umalis ka na ng bansa. Wala ring nabanggit sa'kin si Insan. Shit! Huling-huli ako sa balita.

"Kahit naman sabihin ko, wala ka pa rin namang gagawin," sagot niya habang ngumunguya ng kwek-kwek.

Nagtiim-bagang ako. "Pero may pakialam ako sa kan'ya."

"Aanhin namin ang concern mo, Markus? Ang mabuti pa, mag-move on ka na lang dahil 'yon ang gagawin ni Phoebe sa Canada."

Move on? Kalokohan. Ilang taon ko nang ginagawa 'yan pero ni isang sentimentro ay hindi ako makausad. Napabuntong hininga ako.

"Kailan siya babalik?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi namin alam kung babalik pa."

Mas lalo akong nanghina. Nakita kong seryoso si Gervacio sa'yo kaya nakampante akong hindi ka masasaktan. Na magiging masaya ka lang sa piling niya. Hindi ko naman inasahan na gagawin ka lang pala niyang panakip butas. Kung alam ko lang, hindi na sana ako umiwas.

Shit! Sana naging matapang ako para agawin ka.

WistfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon