Chapter Nine

63 4 0
                                    

Chapter Nine

PINAYAGAN mo kong manligaw but you decided to keep us a secret. You want us private at sino naman ako para umangal? Hindi naman problema 'yon dahil may sinusunod tayong protocol bilang teacher sa school. Pero syempre, minsan, hindi ko maiwasang alagaan ka sa harap ng iba.

"Tubig, oh. Mukhang dehydrated ka na," sabay lapag ko ng malamig na mineral water sa mesa mo.

Abala kayo sa pag-uusap nila Ma'am Sonia pero sumingit pa rin ako. Pupunasan ko sana ang pawis sa noo mo kaya lang napigilan ko pa ang sarili. Kung bakit ba naman nasira ang air-con sa loob ng faculty, 'di sana kumportable ka ngayon.

"Nasaan 'yong amin, Sir Markus? Bakit may special treament?" ani Ma'am Soliven.

Our eyes met and then, you awkwardly smiled at them.

"Walang ganoon, Ma'am. Nakiusap lang po ako kay Markus na ibili ako ng tubig. Kung gusto niyo po, sa inyo na lang."

Hindi 'yon ang unang beses na nalagay tayo sa alanganin. Maraming beses na. Minsan, sa harap pa ng mga estudyante. At aaminin ko na may mga pagkakataong nagtatampo ako kapag dini-deny mo ko. But I should understand our set-up. Manliligaw mo pa lang ako. Maging sila Insan ay wala pang alam kahit ilang buwan na ang lumipas.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Kasalukuyan akong nakahiga sa kama habang kausap kita sa kabilang linya. Alas onse na ng gabi at halos isang oras na rin tayong magka-usap. Hindi sa nagrereklamo ako but staying up late is unhealthy for your body. I don't want you to get sick.

"Ayaw ko pa. May gusto pa kong malaman."

"Ano 'yon?"

Dinig ko ang buntong hininga mo. "Do I deserve you? I mean, masyado kang... sobra."

I smiled. "Can you please elaborate that? Anong sobra? Sobrang nagmamahal? Ano?"

You heaved a sigh again. "Para kasing hindi na totoo, Markus. Na nakakatakot kasi paano kung... paano--"

"I love you," I cut you off. "Huwag ka nang mag-overthink, please."

Pero dapat pala, nakinig ako. I should have let you speak your thoughts that night. 'Di sana, naayos ko agad ang magiging problema natin.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong mo habang nagsusuot ng helmet.

Nakasakay na ko sa motor habang ikaw ay nakatayo pa rin.

I grinned. "Sa langit."

Nagulat ako nong bigla mo kong hinampas sa braso. "Seryoso kasi! Magtataka 'yon si Auntie kapag sinabi kong hindi ko alam kung saan ako pupunta. Tatawag 'yon mamaya."

"Ako na lang sasagot."

Actually, nagpaalam muna ako sa Auntie mo kagabi bago kita niyaya kaya sigurado akong hindi na 'yon maghahanap. You sighed in defeat and settled yourself. Nang hindi ako nakuntento ay kinuha ko ang dalawang kamay mo at niyakap ko nang maayos sa bewang ko.

"There. Better."

Napa-aray na lang ako nong bigla mo kong sinuntok sa tiyan. Hindi ko alam na sadista ka palang babae. Pero hindi mo naman tinanggal kaya umabot hanggang tenga ang ngiti ko.

We spent our regular holiday sa Intramuros. You're very fond of anything historical kaya doon kita dinala. Nayakap mo pa ko bigla dahil sa sobrang tuwa.

"Matagal ko nang gustong pumasyal dito kaya lang wala akong mahanap na kasama. Puro sila busy. Kaya salamat, Markus!" Your smile was priceless.

Lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa buhay ay natabunan dahil sa ngiti mong 'yon. Because I know, I was the reason of it and you made me proud of myself for making you that happy. I want you happy.

WistfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon