Chapter Five

67 4 0
                                    

Chapter Five

"AYOKO na, Markus. I'm sorry pero hindi ko makita ang future na kasama ka," mahinang sambit ni Diana habang nakatungo.

Bumuntong hininga ako. Nasa loob kami ng coffee shop ngayon. Akala ko, na-miss na niya ko pero hindi pala.

"Okay. Malaya ka na."

Hindi na siya nagsayang pa ng oras, umalis na agad siya sa harap ko. Na para bang hindi naging kami ng isang taon. Napahilig ako sa upuan.

Nagsinungaling siya, Phoebe. May iba na siya kaya atat na siyang makipaghiwalay sa'kin. Nahuli ko siya isang beses sa loob ng sasakyan ng boss niya, hindi tinted kaya nakita ko kung paano sila nag-sex.

Nagalit ako. Nasaktan, pero hindi ako sumugod. Hinayaan ko lang silang dalawa nong gabing 'yon sa parking lot. Oo, alam kong tanga ako. Lalo na pagdating sa'yo.

"Nandito ka na pala, Sir Markus!" sabay hila ni Ma'am Sonia sa'kin papasok sa loob ng faculty.

Doon ay nadatnan ko ang mga kasama ko na nagkakasiyahan. May mga pagkain sa mesa nila, maingay, at may pinagkakaguluhan. After six long years, I saw you again.

Nakatayo ka malapit sa bintana, nakatawa habang kausap sila Ma'am Soliven. Napakurap ako. Napamura nang mahina habang hinihigit ako ni Ma'am Sonia palapit sa'yo.

Nang bumaling ka sa'min ay nakalimutan ko nang huminga. Shit! Mas lalo kang gumanda!

"Ma'am Phoebe, si Sir Markus nga pala. Grade 10 din ang hawak niya," si Ma'am Sonia na abot tenga ang ngiti.

Natahimik ang paligid dahil nakatuon ang atensyon ng lahat sa ating dalawa.

Ngumiti ka. "Hi, I'm Phoebe Herrera. Ako 'yong bagong teacher dito," sabay lahad mo ng kanang kamay.

Nangangatog man ay sinubukan kong maging normal. Agad kong tinanggap ang kamay mo. Ngumiti din ako pabalik. "Markus Alonte."

Then, we shook our hands. Bumitaw ka habang nakangiti pa rin. Samantalang ako ay namamangha at kabado pa rin. Shit! You're really back!

"Hindi ba galing ka din sa Llano High, Sir Markus?"

Tumango ako kay Ma'am Sonia. Pansin ko naman ang gulat mong reaksyon. Dinig ko rin ang side comments ng mga kasama natin sa faculty.

"Really? Doon din ako galing, eh. Pero hindi ka pamilyar sa'kin," saad mo.

Magsasalita na sana ako nang akbayan ako bigla ni Sir Sabido. Nakangisi siya.

"May boyfriend ka na ba, Ma'am Phoebe?"

Natikom ko ang bibig. Lahat kami ay nakaabang sa magiging sagot mo. Simula nang umalis ka ng bansa ay wala na kong balita sa'yo. Wala rin akong kwento na natanggap galing sa pinsan ko. Sigurado akong wala ka pang asawa dahil wala kang suot na sing-sing. Hindi ka rin engaged.

"Sa ganda ni Ma'am Phoebe, imposibleng wala!" singit ni Ma'am Bernadeth.

Humalakhak ka. "Wala po akong boyfriend. Family first."

Parang gusto ko ring matawa nang marinig ko 'yon. Shit. Nakahinga ako nang maluwag. Tinapik naman ako sa likod ni Sir Sabido.

"Si Sir Markus din, wala nang girlfriend," anunsyo ni Sir Sabido.

Napuno ng singhap ang buong faculty. Nabulunan pa si Ma'am Soliven.

"Hiwalay na kayo ni Diana? Kailan pa?" si Ma'am Sonia ang unang nakabawi.

"Kagabi lang."

Pansin kong umawang ang labi mo sa sinabi ko. Okay lang ako, Phoebe. Okay na ko.

"Sayang, Sir Markus. Akala namin sa simbahan na ang ending niyo," si Ma'am Bernadeth habang umiinom ng softdrinks.

That was five months ago. Naging magkatrabaho nga tayo sa St. Andrew High pero hindi tayo naging magkaibigan. Civil lang tayo sa isa't isa. Ang nakakaselos pa ay 'yong palagi kayong magkasama ni Sir Romero. Nagbubulungan pa kayo! Kaya hindi ako makalapit kahit na gustong-gusto ko!

Shit.

Umalis ako mula sa pagkakasandal ko sa pader at nagsimulang maglakad ulit. Nilagpasan ko ang classroom mo habang ang isang kamay ko ay nasa loob ng bulsa ng slacks ko. Hawak ko ang bracelet mo na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naisasauli. 

Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad sa hallway ng fourth floor.

Sa huli ay bumalik ako sa faculty dahil nakalimutan ko ang laptop ko. Nandoon ang power point na hinanda ko para sa discussion. Agad kong nahanap ang laptop sa mesa ko. Kinuha ko 'yon, at ambang aalis na nang napatingin ako sa mesa mo.

Muli kong kinapa ang bracelet mo sa bulsa ko. Napapabuntong hininga. Balak ko sanang ibigay sa'yo 'to ng personal pero hanggang ngayon wala pa rin akong lakas ng loob.

Siguro dahil nasanay na ko sa ganito. 'Yong papanoorin lang kita mula sa malayo. Mapait akong ngumiti habang maingat kong nilalapag ang bracelet sa ibabaw ng mesa mo.

Alam kong maguguluhan ka kung paano 'yon napunta sa mesa mo. Pero bahala na.

Muntik na kong mapamura nang biglang bumukas ang pinto ng faculty. Nagmadali akong bumalik sa pwesto ko. Dumoble ang kaba nong ikaw ang pumasok. Nagkatinginan tayo. Shit. Hindi ako makangiti.

"Uh, may klase ka na?" kaswal na tanong mo.

Tumango lang ako dahil hindi rin ako makapagsalita. Walang kibo akong lumabas ng faculty. Doon lang din guminhawa ang pakiramdam ko.

"May date ka na ba sa Sabado?" si Ma'am Sonia.

Tapos na ang meeting natin kaya nagsilabasan na ang iba sa conference room. Abala naman ako sa pagliligpit ng projector. Napag-usapan kanina 'yong schedule ng final exam ng Grade 10, at 'yong kailangan nating ipasa bago matapos ang academic year. Pati na rin 'yong JS prom.

Tumikhim ako. "Required ba 'yon, Ma'am?"

"Bakit hindi mo yayain si Ma'am Phoebe? Wala namang masama."

Napasulyap ako sa gawi mo. Seryoso kang nagsusuklay ngayon ng buhok. May lakad ka?

Pinilig ko ang ulo. "Date niya na yata si Sir Romero."

Maayos kong sinilid ang projector sa lagayan nito habang nakamasid pa rin sa'yo. Ang ganda ng epekto sa'yo ng Canada. Naging confident ka at palaban. Ibang-iba sa aura mo noon.

Nabigla na lang ako nang tawagin ka ni Ma'am Sonia. Nakuha namin ang atensyon mo. Nakatayo ka na at handang umalis nong bumaling ka sa'min.

"May date ka na raw ba sa Sabado? Pinapatanong ni Sir Markus."

Halos mabitawan ko ang dalang projector dahil doon. Ngiting-ngiti naman si Ma'am Sonia na para bang hindi niya ko pinahamak.

Pansin kong nag-alangan kang sumagot. Isang beses ka pang sumulyap sa'kin. "Uh, meron na po. Si Sir Ariel po."

Kahit pala inasahan ko na ang bagay na 'yon, nanlumo pa rin ako.

"Pero si Ma'am Bernadeth po, naghahanap," dugtong mo sabay sulyap ulit sa'kin.

Napatango ako, saka ngumiti para maitago ang dismaya. "Si Ma'am Bernadeth na lang kung ganoon."

Tumango ka rin. Bago ko pa mabasa ang laman ng isip mo ay umiwas ka na. You immediately looked away from me.

WistfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon