Chapter Six
DUMATING ang Sabado na preparado na ang lahat. Meron na kong date sa JS prom. Si Ma'am Bernadeth na hindi madala ang asawa dahil bawal ang outsider.
Maayos na nagsimula ang programa sa school grounds ng St. Andrew High. Nagkaroon ng turn over ceremony, seniors' last will and testament, candle lighting, cotillion...
At pasensya na kung hindi ko pa rin maalis ang paningin ko sa'yo hanggang ngayon. You look really good. Puti ang suot mong gown, simple ngunit elegante ang dating. Idagdag pa ang maamo mong mukha, kulot na buhok, at morenang balat. Shit. Parang anghel na pinababa mula sa langit para bigyan ng kulay ang mundo ko.
"Halatang-halata ka, Sir Markus," puna ni Ma'am Bernadeth habang sumasayaw kami, nakikisabay sa mga estudyanteng nakapalibot sa'min. Kanta ni Bryan White ang nakasalang sa speaker.
"Kung ako sa'yo, uunahan ko na si Sir Ariel. Mukhang close na silang dalawa. Baka nga, sila nang dalawa."
Napailing ako. "Hindi pa naman ata," sabay sulyap ko ulit sa gawi niyo.
Kasayaw mo ngayon si Sir Romero. Hawak niya ang bewang mo at nakakapit ka naman sa batok niya. Shit. Nagseselos ako, Phoebe. Kulang na lang ay maghalikan kayo.
Nagitla na lang ako nang hilahin ako ni Ma'am Bernadeth patungo sa inyo. Sumayaw kami malapit sa inyo kaya nanlamig ako bigla. Maya-maya pa ay nagsalita si Ma'am Bernadeth. Nahinto kayo sa pagbubulungan.
"Change partners naman," aniya.
Then the next thing I knew, you're now standing in front of me. Mapanuri ang mga mata mo habang pinagmamasdan ako. Nakalayo na sila Ma'am Bernadeth at Sir Romero.
Tumikhim ako. "Ayos lang?"
Nang tumango ka ay hindi na ko nag-isip pa. Marahan kong kinuha ang dalawang kamay mo para ipatong sa magkabilang balikat ko. Humawak din ako sa bewang mo, nag-iingat. Saktong nag-umpisa ang bagong kanta. Isang love song na sumikat nong high school pa lang tayo.
Thinking Out Loud.
Acoustic version kaya naging mahina at mabagal ang beat. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago kita isayaw. Nong oras na 'yon ay parang may nakuha ako, parang may natupad akong pangarap.
Naninibago din ako dahil nasa akin lang ang buong atensyon mo. Shit. Panaginip lang yata 'to.
"Happy birthday nga pala," mahinang sambit mo pero umabot pa rin sa pandinig ko.
Umawang ang labi ko roon. "Paano mo nalaman?"
"Uh, narinig kong may bumati sa'yo kanina. 'Yong president ng advisory class mo."
Shit. Are you real? Nagpigil ako ng ngiti. Pansin ko namang lumikot ang mga mata mo, hindi mo na magawang salubungin ang akin.
"Actually, bukas pa ang birthday ko. February 14." Regalo ko, ah? Gusto kong idugtong pero inawat ko ang sarili.
"E'di advance happy birthday."
Doon na ko humalakhak. Bumaling ang ilang estudyante sa'tin, maging sila Ma'am Soliven. 'Yong iba ay nanukso. Binigyan pa nila tayo ng spotlight kaya lalo kang nahiya. Nakatungo ka, kulang na lang ay sumubsob sa dibdib ko.
Umihip ang malamig na hangin. Nakadalawang kanta na tayo pero hindi pa rin tayo natapos. Sana nga hindi na matapos.
"Sir Markus?" untag mo.
"Hmm?"
Nag-angat ka ng tingin. "Salamat."
Kumunot ang noo ko. Hindi mo na ko hinayaan magtanong dahil agad mong pinakita sa'kin ang suot mong bracelet. Ngumiti ka.
BINABASA MO ANG
Wistful
RomanceSiguro nga imposible, pero nangarap pa rin si Markus Alonte ng isang Phoebe Herrera. He's been loving her for more than a decade now but he remained invisible only in her eyes. Kahit na bumalik na ito mula sa Canada ay hindi pa rin niya nasabi at hi...