Epilogue

69 4 1
                                    

Epilogue

Noong nagkita kami ni Jerro sa mismong kasal niya, akala ko meron pang kaunting kirot, pero wala. Wala akong naramdaman kundi ginhawa.

Totoong naging masaya ako para sa kanila ni Caroline. At habang nangangarap ako ng gising ay napasulyap ako sa gawi mo. Our gazes met and I felt something odd... again. Noong una, panatag ang loob ko sa iyo pero kalaunan ay may umusbong na kaba. Hanggang sa isang umaga, habang kausap mo ko sa faculty ay naamin kong mahal na kita. I enjoyed loving you in silence for months. Siguro dahil alam kong ikaw na.

"Bakit hindi pa rin siya nagigising?" I asked while holding your hand.

Nakadapa ka sa hospital bed dahil sa malaking paso mo sa likod. Ang sabi ng doctor ay maayos ka na pero hindi pa rin ako mapakali dahil ilang oras ka nang walang malay.

"Baka puyat lang, Phoebe. Ang mabuti pa, magpahinga ka na rin. Kami na muna ni Christian ang magbabantay," sambit ni Rosy.

Napabuntong hininga ako. Nasa loob din ng kwarto ang Tita mo samantalang ang Tito mo ang nag-asikaso ng bayarin. Alas diez na ng gabi at kanina pa naapula ang sunog sa apartment. Nabalitaan nila Auntie ang nangyari kaya halos mangiyak-ngiyak siya habang niyayakap ako. Ganoon din si Mama sa kabilang linya.

"Sige na, Phoebe. Baka pagalitan kami ni Markus kapag nalaman niyang pinapabayaan ka namin," si Ate Jacky na hinaplos pa ang buhok ko.

I shook my head, "Baka hanapin niya ko. Mamaya na lang."

Nagkatinginan muna silang apat bago nila ako pinagbigyan sa gusto ko. Madaling araw nong nagising ako bigla. I opened my eyes and found you watching me closely. Doon ko lang namalayan na magkatabi na tayo sa maliit na kama. Agad na bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan kita.

"Akala ko mawawala ka rin sa akin," mahinang usal mo habang pinupunasan ang pisngi ko gamit ang iyong mga daliri.

Your parents died in fire kaya hindi ko lubos maisip kung paano mo 'yon nagawa. Sinugal mo ang buhay mo para sa akin. Nagka-injury ka pa.

"Sorry, mahal." Napahikbi ako. Kinulong mo naman ako sa iyong mga braso.

"I should have let you stay. Hindi ko alam kung anong magiging buhay ko kapag nawala ka."

Lalo akong napaiyak. Hindi ko ma-imagine kung gaano ka natakot kanina. Palaging sinasabi ni Sir Ariel na obvious na may gusto ka sa akin kaya sinasadya niyang pagselosin ka. But I didn't expect na ganito mo ko mamahalin.

"Pakasalan mo na ko, mahal. Sa susunod na buwan. Sa simbahan. May ipon na ko."

Napatingin ako sa seryoso mong mga mata, nagugulat dahil sa linya mo. Naghuhuramentado rin ang aking puso. Are you really proposing? Bumangon ako mula sa pagkakahiga dahil hindi na ko makahinga nang maayos. Ganoon din ang ginawa mo.

Hinawakan mo ang aking kaliwang kamay at hinaplos ang isang daliri. "Bumili ako ng sing-sing nong nakaraang buwan. Alam kong maaga pa," you chuckled and glanced at the wall clock. "Alas dos pa nga lang, oh."

Natawa rin ako habang patuloy pa ring lumuluha. Tulog ang mga kasama mong pasyente sa malawak na kwarto, maliwanag ang sinag ng buwan mula sa bintana kaya nahuli ko ang kislap ng luha sa gilid ng iyong mata.

"Pero, mahal," patuloy mo. Hinawakan mo na rin ang isa kong kamay habang hindi mo inaalis ang paningin sa aking mga mata. "Sigurado na ko. Matagal na. Nagkaroon lang ako ng lakas ng loob ngayon dahil ayaw kong mangyari ulit 'yong nangyari kanina."

Huminga ka nang malalim. "Hindi ko na kayang pauwiin ka sa ibang bahay, mahal."

July 26, noong nagpakasal na tayo sa simbahan. Panay ang luha mo noong oras na 'yon. Kahit din naman ako. Si Rosy ang napiling maid of honor samantalang si Francis ang best man. Dumalo din si Mama at Martin. Maging ang grandparents mo na galing pa sa Baguio. Napagkamalan pa kong buntis dahil sa agaran nating pagpapakasal.

We invited our close friends, co-teachers, students, relatives, and even Jerro.

"Akalain mo nga naman, kung sino pa 'yong matagal naging single, 'yon pa ang nauna," si Cath na hanggang ngayon ay emosyonal pa rin.

"Hindi pa rin nga ko makapaniwala. Ang saya ko para sayo, Phoebe," si Pola na sumisinghot na.

Nayakap ko silang dalawa habang ikaw ay abala sa pakikipag-usap sa boys.

"Kung gaano kabagal manligaw, ganoon naman kabilis nag-propose. Ibang klase talaga si Insan. Hindi tulad ng iba diyan," ismid ni Rosy sa katabing si Christian. Mukhang alam na kung sino ang susunod.

Napangiti ako. Nasa iisang table sila noong reception. Sayang nga dahil wala si Janelle pero babawi na lang daw siya sa binyag ng magiging anak natin.

"Good bye, class."

Isa pa rin ako sa mga nagtuturo sa Llano High at masasabi kong masaya ang bawat araw dahil kasama ko kayo ni baby Neon.

Ilang taon na ba ang lumipas? Tatlo?

Tama. Tatlong taon na pero hindi ka pa rin nagbabago.

Tumayo ang mga estudyante ko para magpaalam at magpasalamat. Napangiti ako habang nag-aayos ng mga gamit sa mesa. Nagsipag-ingayan na sila, sumigaw ang class president para sitahin 'yong mga tumatakas na cleaners ngayong Monday. May naririnig pa kong practice, siomai, punta sa bahay ni ganito, pa-xerox muna, mga normal na scenario kapag uwian na.

Kaya sa loob-loob ay natatawa na lang ako. Parang kami lang noon. For sure, ganoon din kayo.

Napahinto ako sa ginagawa noong may kumatok sa pinto kahit na bukas na ito. There, I found you. Nanukso ang mga naiwan na estudyante sa classroom nang pumasok ka sa loob. Palagi naman.

"Hi, Ma'am Alonte," nakangiting bati mo. Kinuha mo ang bag ko sa balikat at ang mga librong nasa mesa.

"Napadaan ka, Professor Alonte. Wala ka bang klase sa UP?" I spoke in a formal way.

Lumapad ang ngiti mo kaya napapangiti na rin ako.

"May date kami ng asawa ko. Naalala mo ba?"

I laughed a bit and held your hand. Nagpatianod ka naman palabas ng classroom. Nakasalubong pa natin si Ma'am Delos Santos sa hallway habang naglalakad. She only gave us a smile. We smiled in return.

Sino ba namang mag-aakala na 'yong babaeng dumaan sa classroom ng Faith at 'yong lalaking napasulyap sa bintana ay magkakatuluyan pala?

Magtatagal at habang buhay na.

WistfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon