Chapter Two

66 4 3
                                    

Chapter Two

MABUTI na lang at hindi naman ako binuko ng pinsan ko. Nagkaroon lang siya ng pang-blackmail sa'kin. Ayos na 'yon dahil ayokong masira niya ang diskarte ko sa'yo.

Kaso ang problema, wala akong diskarte. Shit! Sa lahat ng nagustuhan kong babae, sa'yo lang ako naging ganito. Parang ang hirap mo kasing abutin kahit na nasa kabilang classroom ka lang.

"Bakit kasi ayaw mong magpatulong sa'kin? Libre naman ang talent fee ko," si Insan na nakangisi na naman.

Umiling ako at humilata sa kama habang hawak ko pa rin ang class picture niyo. Pinakita sa'kin ni Rosy para inggitin ako. May picture na raw kayong magkasama pero tayo, wala pa.

"Wala akong pag-asa," mahinang usal ko.

Tumawa naman siya nang malakas habang nakahilig sa pinto ng kwarto ko. "Paano mo nasabi? Wala ka pa ngang ginagawa!"

Sabihin na lang natin na nandoon ako sa likuran niyo nong oras na 'yon. Napanood ko kayong dalawa sa ilalim ng malakas ng ulan.

"Kung okay lang sana sa'yo, pwedeng pasukob?"

Bumagal ang lakad ko nang marinig ko 'yon. Ako sana 'yon, eh. Kung hindi lang ako naunahan ni Gervacio. Shit! Wala rin akong payong.

Humugot ako nang malalim na hininga dahil hindi pa rin humuhupa ang hingal ko. Tumakbo na ko't lahat-lahat para lang makarating ako sa'yo agad pero sa huli, wala akong napala.

Wala pa rin.

"Walang problema," marahang sagot mo.

Shit. May problema 'yon sa'kin dahil seloso ako. Kaya ang ginawa ko, imbes na sumunod ay hinayaan ko lang kayong umalis.

Anong laban ko sa lalaking gusto mo? You don't even know my existence. Wala akong pwesto sa buhay mo.

"Positive, Insan. May gusto siya kay Jerro. Inamin niya sa'kin kanina sa gym."

Umakto akong hindi naapektuhan sa narinig habang binabantayan ni Insan ang reaksyon ko.

"Matagal ko nang alam," walang emosyon na deklara ko.

Sinuntok niya naman ako sa balikat. "Ang bagal mo kasi! Torpe pa!"

Kung hindi lang siya naawat ni Christian non ay nabugbog na niya ko sa sala.

"Hayaan mo siya, Rosy. Siya rin naman ang kawawa kung hindi pa siya kikilos." Ngumisi pa si Christian.

"Yeah right. Magsisisi ka, Alonte." 

Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa sofa. Dinungaw naman kami ni Ate Jacky mula sa second floor ng bahay. Mukhang kanina pa siya nakikinig sa usapan namin.

"Do you know Law of Inertia? Nothing happens until something moves." Ngumiti siya. "Take that from Sir. Isaac Newton."

Shit. Lahat ng kasama ko sa bahay ay pinapayuhan ako. Maging sila Tito at Tita. They really wanted me to pursue you. Bukambibig nila 'yon sa hapag kaya minsan, nakakahiya na.

Kulang na lang ay hanapin nila ang bahay mo para matulungan ako sa'yo.

Pero hindi na kailangan. Ngayong Valentines ay nagdesisyon na kong magparamdam sa'yo. Bibigyan kita ng bulaklak at chocolates. Kahit kaibigan muna, ayos lang. Manliligaw pa rin ako.

Kabado akong humakbang palabas ng classroom namin. Tinutukso pa ko ng barkada ko non habang ginugulo ang buhok ko. Meron pang tumapik nang malakas sa likod ko. Mga gago talaga.

"Sino ba kasi 'yan, par?" si Panganiban na napapakamot sa ulo.

"Maganda ba? Sexy? Anong section?" sabay harang ni Ploteña sa pintuan. Ganoon din ang ginawa nila Umayao.

Bumaling ako sa kanilang apat. Ngumisi at, "Tumabi kayo. Naghihintay si Mrs. Alonte." 

Namura nila ako dahil doon. Tumawa lang ako pero seryoso ako sa pagiging Mrs. Alonte mo.

Kung papalarin man.

Malapit na ko sa classroom niyo non nang may bumangga sa'king babae sa hallway. Ikaw 'yon.

"S--Sorry," sabay lakad mo nang mabilis.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan kitang lumalayo. Bumagsak ang mga mata ko sa bitbit na roses at chocolates. Napabuntong hininga.

What happened to you? Mukhang hindi ko na kailangan ng sagot mula kay Insan dahil nahanap ko na sa loob ng classroom niyo. I saw Gervacio grinning with Ashley Gregorio.

Kumuyom ang palad ko sa napagtanto. Nasaktan ka ba niya? Gaano kasakit? Umiiyak ka na ba? Saan? Shit!

Wala akong magawa.

"Umiyak si Phoebe kanina sa CR. Halata sa mata niya. Kasalanan mo 'to, eh."

Sumulyap ako sa pinsan ko. "Paanong ako? Ako ba si Gervacio?"

Pauwi na kami ngayon sa bahay. Hindi natuloy ang plano ko dahil sa gagong Gervacio na 'yon.

"Tanga mo, Insan. Kung noon ka pa nanligaw, hindi sana siya masasaktan ngayon!" aniya.

Napabuntong hininga ako. Hindi tayo sigurado diyan. Gusto mo siya--hindi pala. Mahal mo na siya kaya masasaktan ka pa rin.

Napahinto ako sa paglalakad nang humarang siya sa harap ko. "Ang laki mong duwag! Takot kang mabasted kaya hindi ka sumusubok! What if magustuhan ka rin niya? What if--"

"What if hindi?" agap ko.

Dismayado siyang umiling.
"Kung gan'yan ang mindset mo. I don't think, deserve mo si Phoebe."

Para niya kong sinapak sa mukha nong oras na 'yon. Knock out agad dahil hindi man lang ako lumaban. Shit. Masakit marinig 'yong mga salitang 'yon.

I don't deserve you? Shit. Tama siya roon pero hindi rin deserve ni Gervacio ang gaya mo. Hindi ka dapat pinapaiyak.

Kaya noong nagyaya sila ng basketball, hindi na ko nagdalawang isip na sumali. Makakalaban namin ang Rizal kaya ganado ako sa laro. Gigil din, dahil may lihim akong galit sa lalaking mahal mo.

"Ano bang problema mo?!" si Gervacio, matapos kong masiko ang panga niya. Tinulak niya pa ko kaya pumagitan na sila Panganiban.

"Easy, par. Walang pikunan," kalmadong sambit ni Umayao.

Napangisi ako. "Paisa nga, par. Isang suntok lang. Tapos hahayaan kitang sapakin ako ng dalawang beses."

Naguluhan silang lahat sa sinabi ko. Kumunot ang noo nila. Tiningnan pa nila ako na para bang nasisiraan na ko ng bait. Siguro nga, hibang na ko.

Pero wala akong balak na umatras sa hamon ko. Kaya ang ginawa ko, sinuntok ko bigla ang mukha ni Gervacio. Napamura ang mga kasama ko. May ilang pang humawak sa suot kong damit.

"Tang-ina mo, Alonte!" si Gervacio habang pinupunasan ang dugo mula sa pumutok na labi. Bakas ang galit sa mga mata niya.

Lumapad ang ngisi ko. "Nasaan na 'yong akin?"

Umulan ng mura sa buong court nong binangasan din ako ni Gervacio. Naka-dalawa siya. Akala ko nga, hindi siya hihinto pero naawat niya ang sarili.

Sayang. Willing pa naman ako magpabugbog. Baka sakaling magising na ako sa katotohanan na hindi ka talaga para sa akin.

WistfulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon