Chapter Three
NATAPOS ang lahat sa Llano High. Hindi ko nagawang umamin sa'yo kahit na sa huling pagkakataon. Kahit na ilang beses akong napingot ni Insan nong graduation natin ay hindi niya pa rin ako nakumbinsi na lumapit sa'yo. She even punched me that day. Hindi rin ako nakaligtas sa sermon nila Ate Jacky.
"Basta walang sisihan, ah? Nagawa na namin ang lahat para sa'yo," si Insan habang sumisinghot pa rin.
Napanood ko ang madramang pagpapaalam niyo sa isa't isa kanina sa labas ng gym. Nag-iyakan kayong apat na para bang hindi na kayo magkikita pa. Hindi ko maiwasang mainggit.
Paano ako, Phoebe?
Marahan kong pinilig ang ulo kasabay ng pag-angat ng sulok ng labi ko. I know you wouldn't care.
"Maghahanap na lang ako ng iba," biro ko kay Insan.
Sumimangot siya. Nasuntok niya ulit ako at namura pa pero binalewala ko lang 'yon.
Naging mabilis ang oras nong nag-college na tayo. Nasa iisang university lang tayo at ang nakakagulat ay pareho nating kinuha ang BSEd (Bachelor in Secondary Education). Social Studies ang major mo samantalang Mathematics ang akin.
Tadhana? Hindi ko alam, pero dapat wala na kong pakialam dahil sinusubukan na kitang kalimutan. Kahit na mahirap.
"Nakauwi ka na ba?"
"Uh, hindi pa. Dumaan muna ako sa SM. Nautusan ako ni Mama," sagot ni Kyla sa kabilang linya. Girlfriend ko nga pala. Lagpas isang taon na rin kami.
Ngumuso ako. "Sana sinama mo ko."
"Don't worry, mabilis lang ako."
Buong akala ko ay wala kaming problema. Na ayos lang kaming dalawa pero nagkamali ako. Nakipag-break siya sa'kin sa mismong second anniversary namin. Aniya, hindi niya raw ako maramdaman. Shit lang.
"Anong sa'yo, hijo?"
Dinampot ko ang isang bilao ng biko para ibigay sa Lola mo. Nakasalubong ko siya sa street namin, naglalako ng kakanin.
Paano ko nalaman na siya ang Lola mo? Simple lang.
Siya ang madalas na kumukuha ng report card mo noong high school pa lang tayo. Siya rin ang uma-attend ng PTA meeting kaya hindi malabong makilala ko siya.
"Kamusta ang kolehiyo? Mahirap ba? Pansin kong madalas kang wala sa bahay niyo," sambit niya habang sinusuklian ako.
"Napansin niyo po pala 'yon."
Ngumiti siya. "Oo naman. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa mo. Na binigyan mo ko ng bulaklak at chocolates. Napakabait mo, hijo."
Lumapad ang ngiti ko dahil sa papuri niya. Dapat para sa'yo ang mga 'yon pero dahil sa gagong Gervacio ay naudlot ang plano ko. Mabuti na lang at nakasalubong ko ang Lola mo sa harap ng botika nong hapon na 'yon. Para ko na ring nabigyan ang Lola ko na nasa Baguio. Sa tingin ko ay magkaedad lang silang dalawa.
"May nobya ka na ba?"
Umiling agad ako. "Wala na po."
"Talaga? Irereto sana kita sa apo ko. Maganda 'yon at mabait. Magkakasundo kayo."
Mahina akong natawa. Narinig mo 'yon, Phoebe? Nakuha ko na ang loob ng Lola mo. Ikaw kaya? Kailan kita makukuha?
Simula nong araw na 'yon ay dumalas ang pagkikita namin ng Lola mo. She really reminds me of my Lola. Parehas silang masiyahin at magaan kausap.
Ikaw ang paborito naming pag-usapan. Minsan ay umaabot pa kami ng isang oras sa gitna ng kalsada kaya tumutulong na rin ako sa pag-alok ng paninda niya. O di kaya ako na ang pumapakyaw.
"Ikaw pala, Alonte!" si Gervacio na biglang sumulpot mula sa kung saan.
Hindi ako bumaling sa kan'ya. Diretso lang ang lakad ko patungo sa unang subject ko ngayong araw. Sumabay naman siya.
"Balita ko, wala na kayo ni Kyla?"
Tumango lang ako, wala pa ring pakialam. Ilang taon na ang lumipas pero may lihim pa rin akong galit sa kan'ya.
"Panay ang chat non sa'kin, hindi lang ako nagre-reply. Tumatawag din. Nagtataka nga ko kung paano niya nakuha ang number ko."
Walang kibo akong pumasok sa loob ng classroom namin. Napamura, nong natanaw kita malapit sa electric fan. Abala ka sa pagbabasa ng libro.
Shit!
Bago pa ko maunahan ni Gervacio ay nagmadali na akong lumapit sa'yo. Kabado akong naupo sa tabi mo. Shit! Hindi naman ako ganito pagdating kay Kyla.. hindi ako ganito.
Humugot ako nang malalim na hininga. Pasimple akong sumulyap sa'yo at nakita kong nakatuon pa rin ang buong atensyon mo sa librong binabasa.
Shit. Mataas ang pangarap ko sa buhay pero sa puntong 'to, parang ang sarap maging libro.
"Good morning," bati ng matandang prof natin.
Habang nag-aattendance ay patuloy ka pa rin sa pagbabasa. Maya't maya ang sulyap mo sa professor natin kaya napapangiti ako nang kusa.
Ibang klase ka, Phoebe. Kahit anong gawin ko, sa'yo pa rin ako bumabalik.
Nong natawag ang pangalan ni Gervacio ay occupied ka pa rin. Pero nang marinig mo ang boses niya ay nakita ko ang gulat mong reaksyon. Nabitiwan mo pa ang libro kaya mabilis ko 'yong dinampot para sa'yo.
"Salamat," bulong mo pagkatapos kong ilahad sa'yo ang libro.
Sa isip-isip ko ay napamura ako. Napapamura dahil sa ideyang hindi ka pa rin nakakamove on sa kan'ya! Na hanggang ngayon ay mahal mo pa rin siya! Shit!
Kaya naman hindi na ko nagulat nong nadatnan ko kayong nag-uusap kinabukasan ng araw na 'yon.
"Oh, dito ka ba nakaupo?" si Gervacio na hindi mabura ang ngiti.
Tumango lang ako. Bago pa siya umalis ay ginulo niya muna ang buhok mo. Umigting ang panga ko habang nilalapag ang aking backpack sa upuan.
Nagseselos, kahit wala akong karapatan.
BINABASA MO ANG
Wistful
RomanceSiguro nga imposible, pero nangarap pa rin si Markus Alonte ng isang Phoebe Herrera. He's been loving her for more than a decade now but he remained invisible only in her eyes. Kahit na bumalik na ito mula sa Canada ay hindi pa rin niya nasabi at hi...