He's Just My Mission

17 0 0
                                    

Author: Miss__moon07
Judge: averanneee
Overall: 92.5

— Prologue [18]

     The prologue is really good, well written kumbaga. Makukuha talaga yung atensyon mo. Prologue palang masasabi mo na, worth it basahin at pagpuyatan. Yung way din ng pagkaka-describe ng battle scene is really good, pulido. Bawat kilos ng character maayos na na-explain at nai-deliver.  Hindi ka din malilito sa nangyayari kasi focus talaga sa iisang scene lang. Good job!
   
— Plot [37.5]

    Yung uniqueness ng story mapapansin mo agad kahit ilang chapters palang, which is really good. Sobrang okay din sa akin nung idea na gawing iba naman yung bida. Kapag kasi sinabi mong action, gangsters and mafias agad yung maiisip. Wala din ako masyadong nababasa na agents ang bida kaya sobrang okay sa akin.
   
     Yung transition ng scene napaka-smooth, hindi ka malilito sa kung anong nangyayari kasi hindi ganun kabilis yung pagbabago, makakasabay ka talaga sa nangyayari sa story.
    
       In terms of point of view naman, hindi ka malilito kung kaninong POV na since hindi ganun karami yung characters and each characters have a unique characteristic din. Yung pagkakaputol ng POV ng characters ay ayos ganun din yung pagpasok ng POV ng bagong character. Sa way naman ng pagkaka-describe ng characters sobrang na-amaze ako. Ang pulido at ang ganda ng pagkaka-describe, wala talaga akong masabi.
  
— Bookcover [19]

     Simple pero may dating. Hindi ka magdadalawang isip na action story dahil bagay na bagay yung cover. For me, parang sinisigaw na din ng cover kung ano yung mangyayari sa story, which is sobrang okay. Nakakadagdag din ng excitement yung cover, mahihikayat ka din talagang basahin.

— Q and A [18]

     I like how brave you are, kasi nalaban mo yung doubt mo sa sarili mo. And I want you to know na  kahit konti palang yung nagagawa mo o naibibigay mo sa mambabasa, hindi ibig sabihin nun wala kanang pag-asang manalo. Sa sagot mo nakikita ko yung dedication mo at masasabi ko na mahal mo yung ginagawa mo. Good luck!

📎Critique is a somewhat formal word that typically refers to a careful judgment in which someone gives an opinion about something. AS YOUR ATE AND KUYA and AS AN ADMIN binigay lang namin ang OPINYON namin at SUGGESTION para story niyo, wag sana kayong magtanim ng sama ng loob dahil it was just our opinion. LAGI MONG TATANDAAN NA YOU'RE A GREAT WRITER! WE'ALL THE ADMINS ARE PROUD OF YOU kase nakasali ka saamen at sa awards na ito! wag kang matakot magsulat ng marami pang work ha! YOU'RE A STAR BABY! SHINE♡

WHriters Award [Closed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon