Crystal Love (Stone Series #1)

23 1 0
                                    

Author: Galaxy_Amethyst
Judge: averanneee
Overall: 91%

— Prologue [18]

     Maganda yung pagkakasulat ng prologue, makakakuha talaga agad ng atensyon ng readers. Nabitin lang ako dun sa part na dapat fight scene na, kasi pinutol. Pero okay naman yung pagkaka-cut ng scene. Sa pagpasok naman ng bagong scene wala namang problema. Nagustuhan ko naman yung last part kasi may tanong na maiiwan sayo like ‘sino sya at bakit n'ya ginawa yun’. Maayos yung pagkaka-narrate, hindi ka malilito sa nangyayari kahit pa may pagbabago sa scene na naganap. Good job!

— Plot [37]

    Marami na akong nabasang stories about heiress, agawan ng position or rank since yun talaga yung madalas na plot when it comes to action stories. Pero masasabi ko parin na may uniqueness yung plot mo at makikita mo agad 'yun.

      In terms of characters naman, natutuwa ako kasi kahit action yung genre makikitaan mo parin ng humor yung mga characters. Solid din yung bond nila sa isa't isa, kaya okay na okay sa akin. Medyo nalito lang ako sa gender ng ilan sa kanila since pwedeng panlalaki yung name ng iba, pero at the end nalaman ko din na ‘all girls’ sila. Sa point of views naman, hindi nakakalito yung pagpapalit. Okay na okay din yung hindi lagi nagpapalit ng POV, mas lalo kasing nakakalito 'yun.

      Sa transition naman ng scenes minsan nabibilisan ako sa nangyayari pero kahit ganun detalyado parin naman. Malinis naman yung transition, hindi ka malilito sa kung ano na 'yung nangyayari.

— Bookcover [18]

     Simple lang yung bookcover pero masasabi mong may dating. Masasabi din na about heiress yung story since may crown and throne. Bagay na bagay din para sa story kaya okay na okay sa akin.

— Q and A [18]

     Lahat naman nagbibigay ng effort sa mga bagay na ginagawa nila, gaano man 'to kalaki o kaliit, pero minsan kasi hindi 'to sapat. Hindi lang kasi dapat effort yung makikita sayo pati na din dapat yung dedication mo. May time kasi na nag-effort ka nga pero wala namang dedication na makikita. Gusto ko naman yung tiwala mo sa sarili mo at akda mo, pinakita lang nito sa akin na mahalaga sayo ang ginagawa mo. Good luck!

📎Critique is a somewhat formal word that typically refers to a careful judgment in which someone gives an opinion about something. AS YOUR ATE AND KUYA and AS AN ADMIN binigay lang namin ang OPINYON namin at SUGGESTION para story niyo, wag sana kayong magtanim ng sama ng loob dahil it was just our opinion. LAGI MONG TATANDAAN NA YOU'RE A GREAT WRITER! WE'ALL THE ADMINS ARE PROUD OF YOU kase nakasali ka saamen at sa awards na ito! wag kang matakot magsulat ng marami pang work ha! YOU'RE A STAR BABY! SHINE♡

WHriters Award [Closed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon