"I'll marry her,sir"saad ni Adreil dahilan kaya hindi niya naituloy ang sasabihin sa ama.
"Adreil,you don't know what you're talking"Sabi niyang napa-angat ng tingin sa binata na ngayon ay sinasalubong ang mabagsik na tingin ng kanyang ama.
"Kung ganun' ayos na ang lahat"sambit ng kanyang ama saka ito bumaling sa mga magulang ng binata.
"Pero,dad—''sinubukan parin niyang kunin ang pansin ng kanyang ama pero hindi na siya nito tinapunan ng tingin.
Kinausap na nito ang mga magulang ni Adreil habang siya ay nakikinig na lang sa mga ito.
"I want to talk about this again,Caleb"saad nito habang nakatingin sa daddy ni Adreil.
"We will visit your house one of these days,Nicolai"masiglang sagot ng ama ni Adreil at doon natapos ang usapan ng mga magulang nila.
Sumulyap siya kay Adreil at nakatingin ito sa kanya,binigyan niya ito ng masamang tingin.Hindi niya alam kung bakit ito pumayag sa gusto ng daddy niya.
Ayaw niyang magpakasal kung napipilitan lang ang binata sa kanya.Oo nga at mag boyfriend-girlfriend na sila,pero masyado pang maaga para mapunta agad sa kasal.
Gusto niyang kausapin si Adreil pero 'di niya alam kung paano.
"Dad,can I go out?"lakas loob niyang paalam sa kanyang daddy.
"Saan ka pupunta?"malamig na saad nito at hindi siya tinatapunan man lang ng tingin.
Hanggang ngayon ay masama parin ang loob ng kanyang daddy sa kanya dahil sa paglilihim niya sa relasyon nila ni Adreil.
"Kina Ari lang po,dad"pagsisinungaling niya habang nakatayo lang sa harapan ng ama at ito naman ay nakatungo lang sa papeles na binabasa,nasa office sila ng kanyang ama sa kanilang bahay.
"Si Ari na lang ang papuntahin mo dito"sabi nito at tinapunan lang siya ng saglit na tingin at binalik din nito agad ang atensyon sa binabasa.
Nanlulumo siyang tumalikod,ayaw naman niyang tumakas at baka mas lalo lang magagalit ang daddy niya sa kanya.
Wala siyang choice kundi ang tawagan ang kaibigan para papuntahin sa bahay nila.
"Oh!bakit ka nakasimangot dyan?dahil ba hindi ako si Adreil?"sabi ni Ari habang naka-upo sa ibabaw ng kama niya at siya ay nakatulala lang sa television pero wala doon ang atensyon niya.
Nang tinawagan niya kanina si Ari ay mabilis itong nakarating sa kanila.
"Ari,I really want to talk to Adreil.Ayokong mapilitan lang siya saakin"sabi niyang humarap sa kaibigan.
"Bakit 'di mo na lang tawagan?"suggestion nito habang kumakain ng popcorn at ang atensyon ay sa pinapanood nila.
"I tried it once,Ari,but he keep on ignoring me"malungkot niyang wika.
Tinatawagan niya ang binata,but everytime she opened the topic about their wedding he kept on telling her that he has something to do and then turn off the phone immediately.
Halata namang iniiwasan siya ng binata.Galit ba ito sa kanya kasi wala siyang ginawa para pigilan ang kanyang ama sa kagustuhan nito?
Kaya nga siya gumagawa ng paraan,kaya nga gusto niya itong makausap.
"ADREIL ,do something.Pigilan mo sila."Sabi niya sa binata habang nasa garden sila ng kanilang bahay.Ngayong araw bumisita ang pamilya nito sa kanila.
Nandito sila ngayon sa garden, nagpaalam siya na gusto nilang mag-usap at pumayag naman ang daddy niya.
Humarap ito sa kanya.Nakaupo sila na magkatabi sa dalawang upuan.