Chapter 28

50 4 0
                                    

Pagkatapos niyang mabili ang regalo niya para kay Ari ay bumalik din siya sa bahay nina Adreil.

Sinulyapan niya ang prutas na binili niya kanina,iniisip niya kung tama ba itong ginagawa niya.

She exhaled and then grabbed the basket of fruits and get out of her car.

Nag-doorbell siya at ilang sandali pa ay bumukas na iyon,ang babaeng kasambahay rin kanina ang nagbukas ng gate sa kanya.

"Pasok po kayo,maam"malaki ang pagkakangiti nito at pinasunod siya papasok.

Sumunod siya dito,inilibot niya ang paningin ng tuluyan na siyang nakapasok sa loob at mukhang walang tao.Nasaan kaya ang mga magulang ni Adreil?

"Nasa kwarto po si sir Adreil at umalis po ngayon ngayon lang sina maam"

Isinatinig nito ang katanungan niya sa isip.

"Ah,sige,akyatin ko lang po si Adreil"paalam niya sa kasambahay nina Adreil,alam naman nitong boyfriend niya ang binata.

Tumango lang ito bilang tugon sa kanya.Umakyat siya at kumatok muna ng tatlong beses at nang wala siyang marinig na sagot sa loob ay dahan-dahan niyang binuksan 'yon.

"Mommy,I said don't disturb me and I don't want to eat,all I want is to see my baby!"nakatalikod ito sa gawi ng pintuan kaya hindi nito alam na siya ang pumasok.

Sinara niya ang pinto at lumapit pa dito,natatakpan ang buong katawan nito,ulo lang ang nakalabas.

Nilapag niya ang prutas sa may table malapit sa kama nito saka siya umupo sa tabi nito.

"At bakit naman ayaw mong kumain?"sabi niyang malapit sa tenga nito.

Napabalikwas ito ng marinig ang tinig niya at napaupo ito ng tuwid.

"Freya?"kinusot pa nito ang mga mata.

Hindi siya umimik at tumitig lang dito
At tumayo na.
"Dinalhan kita ng prutas"kimi niyang saad at pinagmasdan itong nakatunganga lang sa kanya.
"I'll go ahead,okay ka rin naman pala"sabi niyang tumalikod na pero hindi pa niya nabubuksan ang pinto ay nasa harapan na niya ito.

"Babe,wag ka namang umalis agad"sabi nito saka siya niyakap ng mahigpit.

"Ano ba,ang baho mo"sabay tulak dito.Napaatras naman ito agad palayo sa kanya.

"Sorry,babe,teka lang maliligo muna ako"natataranta itong tumakbo sa banyo,pero bumalik din agad.May kinuha ito sa drawer.

Lumapit ito sa pintuan at ni-lock 'yon.

"Para siguradong hindi ka makakatakas"sabi nitong nakangisi saka tumuloy na sa banyo para maligo.

Napapailing na lang siya habang tumatawa.
Inayos niya ang kama habang hinihintay ang binatang matapos maligo.Natigilan siya ng makita ang isang litrato sa ibabaw ng kama.

Kinuha niya at pinakatitigan 'yon,tumibok ng mabilis ang puso niya ng makitang siya ang nasa litrato.

Ganoon ba siya ka miss ni Adreil?siya lang ba ang matigas dito?pinahid niya ang luhang pumatak sa pisngi niya.

Lumapit siya sa bedside table at pinatong doon ang litrato niya.
Ilang sandali pa siyang naghintay sa binata.Umupo siya sa kama ng marinig ang pagbukas ng bathroom door.

Lumabas itong nakabihis na at pinapatuyo nito ang buhok ng tuwalya,napansin niyang malinis narin ang balbas nito.

"Sorry,babe pinaghintay kita"saad nito habang sinusuklay ang buhok nito.

"Okay lang,atleast hindi kana mabaho"tudyo niya dito,hindi naman talaga ito mabaho,nag-iinarte lang sila ng anak nila.

Lumapit ito sa kanya saka yumakap,tinulak niya ito.

"Mabaho ka pa rin"sabi niyang napatakip ng ilong.

"Babe,naman!nakakasakit ka na ng damdamin,kakatapos ko lang maligo tapos mabaho parin?"nagtatampo nitong saad.

Tumawa siya sa reaction nito.Mas lalo itong napasimangot sa kanya.

Tumigil siya sa kakatawa at lumapit dito, "okay kana ba?"sabi niyang habang dinadama ang noo nito,hindi naman ito mainit.

"Okay na ako,lalo at nandito kana"sabi nitong sabay kindat sa kanya.

"Okay kana pala,pwedi na ba akong umalis?"

"Hindi!"tutol agad nito.

"At bakit?"Tinaasan niya ito ng kilay.

"Kasi miss mo ako,that's why you're here"nakangisi ito sa kanya at hinila siya paupo ulit sa kama.

"Kapal mo!nakonsensya lang ako kaya ako nandito 'no"defensive niyang saad.

"Nabasa mo ba texts ko?"

"Kaya nga ako nandito diba?kasi nabasa ko texts mo"sarkastiko niyang saad at inirapan pa ito.

"Musta naman ang baby ko?okay lang ba ang baby ko dito?"napakislot siya ng haplusin nito ang tiyan niya.

"Okay lang siya,umiinom ako ng vitamins para mas kumapit pa siya"wala sa sariling sagot niya sa binata.

"Kapag okay na ako,bili tayo ng gamit ni baby"excited nitong wika habang nakatingin sa kanya.

"Hindi pa pwedi, 'di pa natin alam ang gender niya"

"Pwedi naman 'yun,unisex lang ang bibilhin natin"kinuha nito ang kamay niya at pinaglaruan.

"Pagaling ka muna"mahinang wika niya at tiningnan ang ginagawa nito,nakatitig ito sa kamay niya particular sa daliri niya at hinahaplos-haplos 'yon.

"I missed seeing my ring on your finger"mahinang saad nito habang malungkot na nakatingin sa mga mata niya.

"Ah,hindi kapa ba nagugutom?"pag-iiba niya ng usapan.Ayaw na muna niyang pag-usapan ang tungkol dun',hindi pa siya handa.

"Bakit?nagugutom na ba ang baby ko?"Bigla naman nito pinasigla ang boses at tumingin sa kanya.

"Hindi pa naman,pero ikaw,baka nagugutom na.Sabi mo kasi kanina hindi kapa kumakain"tumayo na siya at hinila na ito patayo, "let's go,baka may pagkain sa baba"hinila niya ito palabas ng kwarto.

"Buksan mo!"Nandidilat na nilingon niya ito dahil naka-lock ang pinto.

Sinusian nito ang pinto at natatawang nagpatiuna sa kanya,pero bumalik din kaagad at ingat na ingat na inalalayan siyang bumaba.

"Ang oa mo"sabi niyang napapairap.
"I'm just making sure na hindi ka madudulas,delikado"seryosong sagot nito.

"Gusto mo bang kumain?"tanong nito nang nasa baba na sila,inalalayan siya nitong umupo.

"Ako ba ang may sakit?kung makaalalay ka e,parang ako ang may sakit"napakamot na lang ito sa ulo sa sinabi niya.

"Sungit mo naman,parang iniingatan lang"sabi nito saka siya iniwan sa sala at tinungo ang kusina.

"Don't worry about me,I'm not hungry!"sigaw niya sa binata bago pa man ito makapasok sa kusina.

"Si baby baka nagugutom na?"huminto ito at lumingon sa kanya.
"Sabi ko hindi ako nagugutom,kaya ibig sabihin ay hindi rin siya nagugutom"nakasimangot niyang sagot.

"Oh,wag kang sumimangot at baka paglabas ng anak natin ay kasing sungit mo"asar pa nito sa kanya at natatawang tuluyan nang tumalikod sa kanya.

Kahit naaasar ay pinilit parin ni Freya na pakalmahin ang sarili,baka magkatotoo na maging masungit ang baby niya,ayaw naman niya 'nun.

My Internet Crush(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon