Chapter 10

56 6 0
                                    

Freya currently having dinner with Adreil's family.

"I'm glad nagkasabay tayo ulit sa dinner,Freya"Adreil's mom said while smiling at her.

"Ako din po,tita"simpleng sagot niya at kiming ngumiti sa ginang.She was wondering kung napanood ba nito ang balita about them.

Bumaling ito sa anak.
"Adreil how's your studies?"nag-angat ng mukha ang binata sa ina.

"Doing good mom,as usual"sagot nito sa ina at nagkibit balikat.

"How about you,Freya?"siya naman ang binalingan at tinanong nito.Seriously,bakit ba nasa kanila ni Adreil ang buong atensyon nito ngayon?

"Ayos lang po,tita,medyo nagiging busy kasi palapit narin po ang graduation"sagot niya dito at nginitian ang ginang saka sumubo ng pagkain to avoid her gaze.

"After graduation gusto kong pag usapan na ang kasal"sabat ng ama ni Adreil kanina pa ito tahimik at pinagmamasdan lang sila.

"Napag usapan na po namin ni Freya,Dad na after graduation ay mag wo-work muna kami bago kami magpakasal"sagot ng binata sa ama at hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng mesa,trying to comfort her kasi halatang nababalisa siya.

Nakayuko lang siya sa pagkain,ayaw niyang makasalubong ang mga mata ng magulang ni Adreil,baka makita pa nito ang pagiging uncomfortable niya.

"And I want to meet Freya's parents"dagdag pa ng ama ni Adreil.Hindi na siya nakatiis at napaangat na ng tingin sa mga ito.

Lahat nakatingin sa kanyang reaksyon.
She was nervously looking at Adreil's parents.

"W-wala po sila dito,tito nasa ibang bansa po"kinakabahang sabi niya saka uminom ng tubig para pakalmahin ang sarili.

"Pwedi naman sila sigurong umuwi para pag usapan ang kasal niyo ni Adreil diba?"patuloy ng daddy ni Adreil saka tiningnan ang anak.

"Dad,don't pressure Freya matagal pa naman 'yan"sabi nito at tiningnan siya sa mga mata na nanghihingi ng sorry.

"I'm not pressuring her.I just want to settle this properly"malumanay na sagot ng ama at nagpatuloy na itong kumain.

Hindi na sumagot pa si Adreil sa ama at tahimik na lang kumain.Alam nilang hindi sila mananalo sa mga ito.

Nang matapos ay inaya siya ni Adreil sa likod bahay na magpahinga may maliit na hammock doon at doon sila umupo na magkatabi.

"I'm sorry,Freya"sabi nito ng ilang minuto na silang nakaupo.

"For what?"sagot niya at tiningnan ito nakatagilid ang mukha nito at nakatingin sa harap,kitang kita niya ang perpektong hugis ng ilong nito.

Habang tumatagal na magkasama sila ay mas lalo siyang nahuhulog dito pero alam niyang mali dahil wala itong nararamdaman para sa kanya.

"Dahil nadamay kapa sa gulo ng buhay ko"bumaling ito sa kanya at nahuli nitong nakatitig siya dito.

Pero 'di niya iniwas ang tingin dito.
Sino ba ang hindi mahuhulog sa ganito kagwapong nilalang?

"Ginusto ko din to hindi mo ako pinilit magpanggap na fiance mo"
Paliwanag niya dito telling him not to worry.She agreed with this whole thing.

"What if malaman ng parents mo?"tanong nito maya maya habang nakatingin parin sa kanya at pinapanood ang reaksyon niya.

"Hindi nila malalaman kung walang magsasabi.Sana lang 'di nila mapanood ang balita"alam niyang walang oras ang mga magulang niya na manood o makibalita,they are too busy.

At saka baka hindi aabot sa ibang bansa ang tungkol sa pagpapakasal ni Adreil.

"Freya,we can stop it if you want.Pwedi kong sabihin sa kanila na naghiwalay tayo"she's shocked with his impulsive decision.

My Internet Crush(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon