Chapter 15

36 2 0
                                    

"Hey!"nagulat siya ng may biglang umupo sa tabi niya.Ito 'yung lalaking nakatabi niya sa breakfast table kaninang umaga.

Sinulyapan niya ito.Gwapo din naman ito at maganda ang pangangatawan pero mas gwapo at maganda parin ang built ng katawan ni Adreil kesa dito.

"Hey"she answered and slightly moved to give more space between them.

"Why are you alone?"tanong nito.Kaya ba ito lumapit sa kanya ay dahil nakita nitong nag-iisa siya?

Si Ari kasi 'di na nakapagpigil at nakisabay na sa iba na lumangoy sa dagat at iniwan siya.Ayaw pa rin naman niyang maligo,Mamaya na lang.

At si Adreil naman,'di niya alam kung saan na ito nagpunta.Hindi na ito nagpakita pa sa kanya simula nang tabuyin niya ito kanina.

She didn't bothered herself to look for him,and besides binabantayan niya si Loren ibig sabihin 'di magkasama ang mga ito.

What if nakipaglandian naman ito sa iba?pinilig niya ang ulo sa naisip.

"Gusto ko lang mapag-isa"sagot niya dito na ikinatingin nito.

"Sorry!gusto mo palang mapag-isa,'di kita dapat nilapitan"hinging paumanhin nito at akmang tatayo na para iwan siya.

Pero pinigilan niya ito, "no,it's okay.You can accompany me"nakangiti niyang wika dito at napaayos naman ito ng upo ulit sa tabi niya.

"Okay lang ba talaga?baka nakaka-istorbo ako sa'yo"sabi nitong nakatingin sa kanyang mga mata.

Kung 'di lang siya inlove kay Adreil ay baka na hypnotized na siya sa kagwapuhan nito.

"Yeah,okay lang"sincere niyang sagot.
"Ano pa lang pangalan mo?at bakit mo alam pangalan ko?"sunod-sunod niyang tanog dito.

"I heard your friend calling you,and I'm Rhys"nakangiti nitong sagot sa kanya at nilahad ang kamay nito.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito saka binalik ang tingin sa mga taong enjoy na enjoy sa paglangoy.

"Ayaw mo bang maligo?"kapagkuwan ay tanong niya dito.

"Ikaw?gusto mo ba?"balik tanong nito.Ngumiti siya at tumayo.

"Let's go?"aya niya dito at akmang pupunta na sa dagat para maligo ng mamataan niya si Adreil na madilim ang mukha habang papalapit sa kanila.

"Nandito ka lang pala at kanina pa kita hinahanap"matigas nitong wika saka madilim na sinulyapan si Rhys.

"May kailangan kaba?"malamig na pagkakasabi niya.

"We need to talk"sabi nito at hinawakan ang kamay niya pero nagpumiglas siya.

"Bro,wag mong pilitin pag ayaw"singit ni Rhys.

"Wag kang makealam dito at baka 'di ako makapagpigil at masuntok kita!"sagot nito kay Rhys ng nakatiimbagang.

"Easy,I didn't do anything"nakataas ang mga kamay nitong wika.

"Let's go,Freya"baling ni Adreil sa kanya.

"Freya, 'diba maliligo pa tayo?"singit na naman ni Rhys.

"Sabi nang lumayo ka dito!"akmang susuntukin na talaga nito si Rhys kung 'di lang niya mabilis na napigilan ito.

"Adreil,ano ba?!"sigaw niya dito habang pinipigilan si Adreil na sumugod sa kaharap na lalaki.

"Pagsabihan mo ang lalaking yan na wag kana niyang lalapitan pa ulit kung hindi ay baka sa hospital ang bagsak niyan!"sabi nitong halatang pinipigilan ang sarili na wag masuntok ang kaharap.

My Internet Crush(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon