"H'wag ka nang magalit.Look blocked na siya sa contact ko"naglalambing itong tumabi sa kanya at pinakita pa sa kanya ang phone nito pero 'di niya ito tinapunan ng tingin.
Niyakap siya nito sa gilid at hinalik halikan ang leeg niya.
"Ano ba nakikiliti ako"sabi niya at itinulak ang ulo nito palayo sa kanya.
"Grabe ka namang magselos,babe.Hindi ka naman ganyan dati"napakamot na lang sa ulong saad ni Adreil saka tumayo at pumasok sa isang kwarto nang bumalik ito ay nakabihis na.
Tumayo siya at dumiretso sa pintuan.
"Wait!Freya saan ka pupunta?naabutan siya nito at hinila ulit papunta sa sofa kung saan sila nakaupo kanina,pinaupo siya nito sa kandungan nito."Ano ba,uuwi na nga ako.Wala naman tayong gagawin dito"akmang tatayo na siya ng may maramdaman siyang nilagay sa kamay niya.
Isa 'yong maliit na box.Nilingon niya ito ng nagtatanong na tingin.
Umalis siya sa kandungan nito at humarap sa binata ng maayos.
"W-what is this?"kinakabahan niyang tanong.May idea na siya kung ano ang laman 'non.
"Open it"nakangiti nitong saad.
Binuksan niya at tulad ng inaasahan niya ay singsing nga ang nasa loob.
Isa iyong engagement ring.Nagtataka siyang nag-angat ng tingin sa binata.
"Sa akin ba'to?"naniniguradong tanong niya sa binata.
Kinuha nito mula sa mga kamay niya ang singsing saka kinuha ang kamay niya kung saan nakasuot ang singsing na una nitong binigay sa kanya,saka 'yun tinanggal.
"Bakit mo hinubad?"nagtataka parin niyang saad.Naguguluhan sa nangyayari.
"Kaya ko binili 'to dahil gusto kong palitan itong unang singsing na binigay ko sa'yo.Because this ring was just a symbol of our pretend relationship"sabi nito habang nakatingin sa kanyang mga mata na nagsisimula nang manubig dahil sa emosyong nararamdaman.
Isinuot nito sa kanyang kamay ang bagong singsing"At ito naman ay simbolo ng pagmamahal ko sayo,walang halong pagpapanggap!"madamdamin nitong wika saka kinintalan ng halik ang kamay niyang may suot na singsing.
Habang siya ay 'di parin maproseso sa utak ang huling sinabi nito.
Tumingin siya sa binata nang may luha ang kanyang mga mata."M-mahal mo a-ako?"nauutal niyang tanong sa binata at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kabila niyang pisngi.
"Of course,i love you"natatawang saad nito habang pinapahiran ang luha niyang naglalandas sa kanyang pisngi.
"I thought,you just like me"nakalabi niyang saad.
"Babe,like can lead to Love.Mahal kita at walang kokontra"mariing saad nito saka siya hinalikan sa labi ng malalim
Tinugon niya ang halik nito at humihingal silang kumawala sa isa't isa.
"Do you love me too?"he whispered while catching his breath after the kissed.
"Yes,i love you,Adreil!"siya na ang kusang humalik dito na tinugon naman nito kaagad.
Nagising si Freya na bumabaliktad ang sikmura,tumakbo siya sa banyo at doon nagsusuka kahit wala namang lumalabas kundi puro laway lang niya.
Naghilamos siya pagkatapos at napatitig sa salamin.
Ilang araw na siyang gumigising na masama ang pakiramdam.Tiningnan niya ang hitsura niya sa salamin,hindi naman siyang mukhang may sakit.Lumabas siya sa kanyang kwarto at nagbihis.Natigilan siya ng makita ang kanyang maxi pads,wala pa 'yong bawas at matagal na niyang binili 'yon.
Kinuha niya ang kanyang phone at tsinek niya ang calendar.
Nanghihinang napaupo siya sa sahig nang matantong isang buwan na siyang hindi dinadatnan.
Napahawak siya sa impis niyang tiyan at dinama 'yun.Posible bang buntis siya?sari-saring spekulasyon ang pumapasok sa isipan niya.
Tumayo siya at nagbihis.Napakunot noo ang kanyang mommy na nadatnan niyang nagluluto ng agahan sa kusina nang mapansing bihis na bihis siya.
"O,saan ang punta mo?ang aga-aga mag-almusal ka muna"sabi ng mommy niya.
"Hindi na po mommy,sandali lang naman ako"sagot niya.Pagkatapos niyang humalik sa mommy niya ay nagmamadali na siyang umalis.
Pumunta siya sa hospital kung saan siya nag-ojt noon at hinanap ang OB na nakilala niya.
"Freya,long time no see.Anong ginagawa mo dito?"nasorpresa ito nang makita siya.
Sinabi niya dito ang nararanasan niya sa ilang araw na lumipas.
"That could be possible hija"sagot nito sa hinala niyang buntis siya, "and to make sure,take these"at bigay sa kanya ang dalawang pregnancy test at kinuha naman niya 'yun saka pumunta na sa cr.Hinintay niya ang resulta ng ilang minuto at halos panawan siya ng ulirat ng mag-positive 'yon.
"Freya,are you okay?"tawag sa kanya ng Doctor ng ilang minuto na siya sa loob at hindi parin siya lumalabas.
Binuksan niya ang pinto at lumabas "I-i'm okay,Doc"mahinang sagot niya saka pinakita ang pregnancy test.
Pagkatapo nun' ay may ginawa pa silang test para masiguro talaga na buntis siya at iisa lang ang resulta.Buntis nga siya.
Binilinan siya ng Doctor kung ano ang dapat niyang kainin at gawin,pero hindi na 'yon masyadong pumasok sa utak niya.Masaya siya na nagbunga ang pinagsaluhan nila ni Adreil,pero nag-aalangan parin siya.Naisip niyang matatanggap din kaya nito ang bata?
Umuwi siyang halo-halo ang nararamdaman.
Pagkarating ng bahay ay dumiretso siya sa kwarto niya at tinawagan si Adreil.
"Hello,babe"malambing na sagot ng binata sa kabilang linya.
"Adreil,can you come over?"tanong niya dito,ayaw niyang lumabas ulit kaya ito na lang ang papupuntahin niya dito.
"Sa bahay niyo?"
"Yes"ilang sandali itong natahimik at parang pinag-isipan ang isasagot.
"Sure,i'll come,pero pwedi bang mamayang gabi na lang?"Sabi nito na ipinagtaka niya,dati naman pag tinatawagan niya at sinabi niyang pumunta ito sa kanila ay pupunta ito agad.
"Sige,hihintayin kita"sagot na lamang niya.
"Sige na,babe,tawagan na lang kita later hah,I love you"sabi nito na parang nagmamadali,ni hindi nga hinintay ang sagot niya at binaba nito agad ang tawag.
Napabuntonghininga siya at iniisip ang naging akto ng binata.
Tinapunan niya ng tingin ang resulta ng kanyang pregnancy test na inilapag niya sa dresser saka siya humiga sa kama.
Ilang katok ang nagpagising sa kanya.Pumasok ang kanyang mommy.
"Bakit po,mommy?"tanong niya ng tuluyan na itong makapasok.
"Bakit hindi ka nag-agahan kanina?"malumanay na tanong nito habang pinagmamasdan siya.
"Wala lang po akong gana,mom"sagot niya at tuluyan nang bumangon.
"Halika na at tanghali na"tumingin siya sa wall clock na nakasabit sa kwarto niya at tanghali na nga.
Sumunod siya sa mommy niya at umupo sa harap ng daddy niya pagkatapos niyang humalik dito
Tahimik lang siyang kumakain habang ang mommy't daddy niya ay nag-uusap tungkol lang naman sa kompanya nila.