"A-Adreil,hindi ko na alam kung maniniwala paba ako sa'yo"she said while trying to avoid his gaze.Ayaw niyang makita ang luha nitong pumapatak mula sa mga mata nito.
"Hindi mo kailangang maniwala,just give me another chance to prove to you that I'm worthy your trust"sabi nitong titig na titig sa kanyang mga mata.
"Please,babe!"pagsusumamo pa nito ng hindi siya sumagot.
"Umalis kana!"taboy niya dito.
Nagulat naman ito sa kanya "I still want to be with you"nagmamakaawa nitong saad."Ano ka sinuswerte?kanina pa po tapos ang oras mo,20 minutes ka nang daldal ng daldal dyan"sabi niyang tumayo at nakapameywang "umalis kana bago ka pa abutan ni daddy"pumunta siya sa pintuan at binuksan 'yun.
"Can I come again and see you?"lumapit ito sa kanya, "can I talk to you now?"tumigil ito sa tapat niya "please!"
"Sige na nga!" Napipilitan niyang sagot dito.
"Thank you,babe!I love you"yumakap ito sa kanya,pero nagulat siya sa sunod nitong ginawa.Lumuhod ito at hinalikan ang tyan niya. "Daddy,loves you,baby!"sabi nito saka tumayo ng tuwid at mabilis din siyang hinalikan ng makitang nakatulala siya.
"Bye,babe"kumaway pa ito sa kanya.
Lihim siyang napangiti at sinara na ang pinto.Umupo siya at inisip ang mga nangyari at mga sinabi ni Adreil kanina.Gusto niyang maniwala pero natatakot siya na baka masaktan lang siya ulit.
Kinabukasan ay magaan ang pakiramdam niya ng magising siya.Nagsusuka parin naman siya,pero 'di na madalas tulad ng dati at nabawasan narin ang pagkahilo niya.
Nagulat siya sa nadatnan sa sala.Dalawang basket ba naman ng mangga ang makita mo,hindi ka ba magugulat?
"Mom,Dad.What is this?"sabi niyang sabay turo sa mga mangga.
"Of course,mango"sagot ng mommy niya at lumapit ito sa kanya.
"Alam ko naman na mangga 'yan mommy,pero bakit ang dami?"nagtataka parin niyang tanong.
Lumapit na rin ang daddy niya sa kanya at sinesyasan silang maupo ng mommy niya na sinunod naman nila.
"Hindi ba't gustong-gusto mo ngayon ng hilaw na mangga?"sabi ng daddy niya "kaya ayan,dinamihan ko na ang binili ko"sabay turo sa mga mangga na nasa harapan nila.
"Matitiis ba namin hindi pagbigyan ang kagustuhan ng aming baby na ngayon ay may baby na rin?"nagulat siya sa winika ng kanyang ina.
"M-mommy?you knew?"nauutal na tanong niya sa mommy niya at tumingin din sa daddy niya.
Kinuha ng mommy niya ang dalawang kamay niyang nanginginig.
"Alam namin ng daddy mo"nakangiti itong nakatingin sa kanya.
"Hindi po ba kayo galit mommy?daddy?"Kinakabahang tanong niya sa mga ito.
"Noong una,pero naisip namin bakit naman kami magagalit?at saka 'yung si Adreil ay mukhang mahal ka naman ng batang 'yun"ang daddy niya ang sumagot.
"H-hindi ka po galit sa ginawa ni Adreil,dad?"tanong niya sa ama dahil nagtaka siya na biglang kumampi ito sa binata.
"Galit parin ako sa ginawa niya,pero narinig na namin ang paliwanag niya at mukhang nagsasabi naman ng totoo."Malumanay na sagot ng daddy niya,saka ito tumayo at binuhat ang mangga papunta sa kusina.
Napapailing na lang siya ng maalalang ito pa ang bumili ng mga 'yun.
"Kaya anak,patawarin mo na 'yung tao"napatingin siya sa mommy niya habang nakahaplos sa buhok niya.