Nag-aayos na si Freya para sa pagdating ni Adreil at hinihintay na lamang niya ito.
Seven na ng gabi pero wala parin ito.
Dahil sa pagkainip ay binuksan niya ang tv para hindi siya masyadong mainip at para malibang siya.Nanood siya ng movie,pero hanggang sa matapos niya ang panunuod ay wala parin ang binata.
Kinuha niya ang phone niya at dinayal ang number nito,pero 'di ito makontak.
Wala sa sariling pinaglipat lipat niya ang channel ng tv at naagaw ang atensyon niya ng Breaking news.
Nag-uunahang namalisbis ang kanyang mga luha sa nasaksihan.
"W-why?"sabi niya habang nakasapo sa dibdib dahil para 'yon tinutusok ng libo-libong karayom.
Nagtaksil sa kanya si Adreil.Kaya ba hindi ito nakarating?kaya ba hindi ito available kanina dahil busy ito sa iba?busy sa date nito sa ibang babae?
Nakaflash sa screen ng tv ang larawan nito at ng babae habang kumakain sa mamahaling restaurant.May nakahawak sa kamay ng babae habang nakangiti,mayroong nakayakap habang nasa tapat ng kotse at ang pinakamasakit ay naghahalikan ang mga ito.
Hindi niya kilala ang babae pero ayon sa report ay model din daw ang babae.
Akala ba niya ay mahal siya nito?bakit nito nagawa sa kanya ang ganoong bagay?
Umiiyak na pinatay niya ang tv at humiga sa kama habang nakayakap sa sarili.Wala sa sariling napahaplos siya sa kanyang tiyan,mas lalo lang siyang napahagulgol ng maalala ang anak niya.Anak nila ni Adreil.
Hindi alam ni Freya kung ilang oras siyang umiyak,pero napapitlag siya ng may marinig na katok sa labas.
"Freya,anak"tawag sa kanya ng mommy niya.
Dali-dali siyang nag-ayos ng sarili niya kahit pa alam niyang hindi maitatago ang namumugto niyang mga mata.
"Anak,nandito si Adreil"umakyat agad sa ulo niya ang galit ng marinig ang pangalan ng binata.
"Mommy,masama po pakiramdam ko, pakisabi na lang sa kanya hindi ko siya mahaharap!"sigaw niya mula sa loob at bumalik sa kama saka nagtalukbong ng kumot.
Ayaw niya munang makita ang binata,hindi niya alam ang kaya niyang gawin pag nakaharap ito.
Narinig niya ang pagbukas ng kanyang kwarto,pero hindi niya inalis ang talukbong sa kanyang mukha.
"Babe"tawag sa kanya ni Adreil.
Agad kumulo ang kanyang dugo ng marinig ang boses nito.Inalis niya ang kumot at umupo ng diretso sabay sampal ng malakas dito.
"Ang kapal ng mukha mong magpakita pa sa'kin!"nanggagalaiti niyang sigaw.
Tumingin ito sa kanya at hinuli ang tingin niya,pero pinanatili niya ang galit niya sa kanyang mga mata dahil sa mga oras na 'yon wala siyang ibang nararamdaman kundi galit.
"Babe,please!.Let me explain"malumanay na wika nito at tinangka pa siyang hawakan pero lumayo siya dito.Hindi man lang ito nagtaka kung bakit niya ito sinampal.
"Don't call me that at lumayo ka sa akin!"sigaw niya at umusog palayo dito.
Wala na siyang pakealam kung marinig man siya ng kanyang magulang na sumisigaw.
"Please!makinig ka muna.What you saw was nothing"sambit nito at hindi na muling lumapit pa sa kanya,dahil kada lapit nito sa kanya lumalayo naman siya.
"N-nothing?Adreil,naghahalikan kayo for god sake!.Tapos sasabihin mong wala lang 'yon?"sigaw niya at umalis sa kama saka lumapit dito at hinubad ang singsing at binigay dito.
"Ayoko nang magpakasal sayo!"
Sigaw niyang lumuluha at tinalikuran ito,pero mabilis nitong hinawakan ang kanyang kamay."Freya,wag mong gawin sa'kin 'to.I love you.Ayusin natin 'to,please!"He said with a cracking voice.
Mas lalo siyang nasaktan sa narinig,kung mahal siya nito ay hindi nito gagawin sa kanya ang ganoong bagay.
"Stop saying you love me.kung mahal mo ako,sana hindi ka nagtaksil!"piniksi niya ang kamay at dumiretso sa pintuan saka 'yon binuksan.
"Umalis kana!"matigas niyang saad.
"Freya!"nagpumilit parin itong hawakan siya pero itinulak niya na ito palabas at mabilis na sinara ang pinto.
Napadausdos na lang siya sa hamba ng pinto habang malakas na humahagulgol.
Ilang tawag pa ang narinig niya mula sa binata pero nagbingi-bingihan siya.Ilang sandali pa ay kumakatok na ang mommy niya,wala na siguro ang binata.
Bumalik siya sa kama at narinig niya ang pagbukas ng pinto at alam niyang ang mommy niya 'yon.
"Anak,kung ano man ang problema niyo pag-usapan niyo 'yan"malumanay na wika ng kanyang ina ng makalapit ito sa kanya.
Hindi siya umimik at patuloy lang na lumuluha.Naramdaman niyang hinaplos haplos ng kanyang ina ang kanyang buhok.
"Sabihin mo kay mommy ang problema,anak!"Malambing na wika ulit ng kanyang ina.
Humarap siya dito at humahagulgol na yumakap sa ina.
"Shhh.Don't cry,I'm here"alo nito sa kanya habang sinasapo sapo ang kanyang likod.
"M-mommy!"hagulgol niya.
"Tell me,baby"
Ilang sandali siyang nakasubsob sa balikat ng kanyang ina.Nang mahimasmasan ay umayos siya ng upo at humarap sa mommy niya.
"What's the problem?"nakangiting tanong ng mommy niya sa kanya.
"A-ayoko na pong magpakasal sa kanya,mommy"sabi niya at naluluha na naman siya.
"Pag-usapan niyo muna yan,anak"malumanay paring wika ng kanyang ina.
"Nakapag-isip na po ako,mommy.At buo na ang pasya ko"matigas niyang saad.
Hindi na muling umimik pa ang mommy niya,dahil siguro alam nitong sarado pa ang kanyang utak.
Kinabukasan ay nagkulong lang si Freya sa kanyang kwarto.Nagpapasalamat siya na hindi na nagtanong pa ang kanyang magulang kung ano ang nangyari,lalo na ang daddy niya,siguro naiintindihan ng mga ito ang pinagdadaanan niya at gusto siyang bigyan ng oras para makapag-isip ng maayos.
Bandang tanghali nang marinig niya ang ingay sa baba.
"Get out of here,bago pa magdilim ang paningin ko,Adreil!"malinaw na narinig niya ang sigaw ng kanyang Daddy.
"I just want to see Freya"narinig niya rin ang boses ng binata.
"She's not feeling well at dahil '
yon sayo.Umalis kana,wag mo nang hintayin pang may magawa ako sayo"malakas na sigaw ng kanyang ama."Please,Adreil!umalis kana,hindi mo rin naman makakausap si Freya sa ngayon"sabi ng mommy niya.
Hindi na niya narinig pa na sumagot ang binata.
Ganun' din ang pangyayari sa mga sumunod pang mga araw,palaging nasa bahay nila si Adreil pero lagi ring hindi niya hinaharap ang binata.
"Freya,hindi kaba naaawa kay Adreil?kanina pa sa labas ng bahay niyo,oh!"saad ni Ari,nagpapasalamat siya na nandito ito,kahit paano may makakausap siya.
"Hayaan mo siya,Ari.Kahit naman labasin ko siya ay hindi ko parin siya mapapatawad"sagot niya habang nilalantakan ang hilaw na mangga na dala ni Ari sa kanya.
Alam na nito ang kalagayan niya,pero hindi pa siya handang sabihin sa mga magulang niya.Pag handa na siguro siya.