Epilogue

115 5 0
                                    

"We are here"anunsyo ni Adreil at pinarada na nito ang sasakyan.

Luminga siya sa paligid para malaman kung nasaan sila.

Isang park ang nakita niya,walang masyadong tao doon.Bakit sila nandito?kung mamasyal lang sila bakit sa walang taong pasyalan pa ang napili ng binata?

Pumasok kaagad sa isipan niya ang uri ng trabaho nito,ayaw lang siguro nito na pagpyestahan sila ng mga paparazzis o ng mga tao pag nakita sila lalo na ang binata.

"Anong gagawin natin dito?"tanong niya ng tuluyan na siyang makababa.

"We'll gonna have a date here"simpleng saad nito at pumunta sa likod ng sasakyan at may kinuha 'dun.

"Babe,sorry I don't want you to get tired,but can you help me bring this picnic blanket?"sabi nito habang dala-dala sa dalawang kamay ang mga gamit na hindi niya alam na mayroon pala sa loob ng sasakyan.

Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang dala-dala nitong basket at nakasisiguro siyang mga pagkain 'yon.

Kinuha niya ang picnic blanket at napailing sa sinabi nito,paano naman siya mapapagod sa isang magaan na tela?

Humanap sila ng pwesto kung saan hindi sila maiinitan.Namataan niya ang malaking kahoy at sinenyasan si Adreil na doon sila pupwesto.

"Bakit dito mo napiling i-date ako?"tanong niya sa binata ng nag-aayos na sila ng mga pagkain na inilabas nila lahat mula sa basket.

"Kasi I know na nagsasawa kana sa mamahaling restaurant,alam kong tatanggihan mo ako"sabi nitong parang siguradong-sigurado na tatanggihan niya ito pag sa mamahaling restaurant siya nito i-date.

"Sino namang nagluto nito?"Madami kasing pagkain na iba't ibang putahe.

Napakamot muna ito sa ulo bago sumagot, "in-order ko lang 'yan"parang nahihiyang saad nito.

"Akala ko pa naman ay ikaw na ang nagluto,matutuwa sa sana ako"naisip niyang asarin ito.

"Babe,biglaan kasi.Kagabi ko lang naisip na yayain kang lumabas,kaya hindi na ako nakapaghanda,pero marunong naman ako magluto"natawa siya sa reaction nito na para bang may nagawang mali.

"I'm just joking,Babe"sabi niyang natatawa.

Nagsimula na siyang kumain,nagpapasalamat siya na hindi siya mapili sa pagkain kahit na buntis siya.Yung iba hindi man lang makaamoy ng pagkain ay nasusuka na.

Tinapunan niya ng tingin si Adreil ng mapansing hindi na ito gumagalaw.

"What happened to you?"sabi niyang hinawakan pa ang kamay nito,nakatitig lang kasi ito sa kanya at nababanaag niya ang luha nito sa mga mata.

"Hoy,anong nangyari sa'yo!"nag-aalala niyang sigaw dito.

"Nothing,I'm just happy you called me babe"maang siyang napatitig dito.

"Para 'yon lang masaya kana?"

"Alam mo namang patay na patay ako sa'yo diba?"kinilig siya sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata.

Nagpatuloy na sila sa pagkain at nang matapos ay nagpahinga muna sila.

Ilang sandali pa ay nagpaalam si Adreil na may tatawagan lang ito saka ito lumayo sa kanya.

Kumuha siya ng tubig at uminom doon.

Bumalik si Adreil at umupo sa tabi niya.

"Want to rest?"saad nito at giniya siya sa hita nito,walang imik na sumunod siya dito.

"Babe!"mahinag tawag nito sa kanya.Nakapikit siya at ninanamnam ang simoy ng hangin na tumatama sa kanila.

"Hmm"sagot niya dito at hindi nag-abalang magmulat ng mga mata.
Naramdaman niyang kinuha nito ang kanyang kamay.

"I love you"sabi nito sabay halik sa kanyang kamay.

Nagmulat siya ng mga mata at nakatunghay ito sa kanya.

Bumangon siya at humarap dito.

"Adreil,masaya ako na mahal mo ako at mahal din kita.Nagalit ako sa'yo kasi nabulag ako ng selos,kasi unang beses kong magmahal at natakot akong maagaw ka saakin ng iba.Ang sakit ng naramdaman ko nang makita kitang may kahalikang iba,akala ko noon hindi ko na kakayanin pa na wala ka sa tabi ko,sa piling ko,at totoo ang akala ko kasi hindi ko rin natiis na tuluyan kang pakawalan kaya pikit mata kitang tinanggap ulit.Sumugal ako na baka sakali ay madugtungan pa ang pagmamahalan natin"umiiyak niyang saad,ito man ay umiiyak narin.

Pinahid niya ang luhang naglalandas sa mga pisngi nito.

"Thank you for loving me and for giving me another chance.pangako mamahalin kita ng higit pa sa inaakala mo,mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal mo saakin"sabi nito at pinahiran din ang luha niya,saka umayos ng upo.

Lumuhod ito sa harap niya at may kinuha sa bulsa ng pantalon nito.

Napatakip siya sa kanyang labi ng makita kung ano '
yon.

At ang labis na ikinagulat niya ay ang isa-isang paglabas ng mga media sa paligid nila.

Tumingin siya ulit kay Adreil na ngayon ay hawak hawak na nito ang singsing habang nakaluhod sa harap niya kahit na nakaupo parin siya.

"Babe,thank you for wanting me,for needing me and for loving me.Thank you for looking at me like I mattered.
At pinapangako kong hihigitan ko pa ang mga 'yon.I want to be with you and our little angel for the rest of my life,I'm not asking you now,but I'm begging you to marry me.Please babe,say yes"naluluha nitong saad habang matiim na nakatitig sa kanya ang mga mata nitong puno ng pagmamahal.

She heard every click of the camera around them,pero wala na doon ang atensyon niya kundi na kay Adreil na.

Tumango siya ng sunod-sunod at masaya namang isinuot ni Adreil ang singsing,ito din 'yung singsing na binigay nito sa kanya noon na hinubad niya ng nagkalabuan sila.

Lumapit ang binata sa kanya at hinalikan siya sa labi at mabilis naman niyang tinugon.

Naghalikan sila na para bang walang nanunuod sa kanila.Kaya naman humihingal na naghiwalay ang kanilang mga labi.

"I love you so much,babe"sabay nilang wika na ikinatawa nila.

"You surprised me!"masayang bulong niya dito habang nakayakap parin sa kanya.

"That's the plan ang intensyon ko ang surpresahin ka"

"Thank you!"sabi niya at tumitig dito.

"Gusto ko nang umuwi at ikulong ka sa kwarto ko"pilyong bulong nito sa kanya.

"Gusto ko rin"sabi niyang namumula.

"Let's go?"sabi nito na hinila na siya paalis at walang pakealam na iniwan ang mga gamit nila sa ilalim ng puno.

"Adreil,totoo bang aalis kana sa pagiging artista at magpo-focus ka na lang sa magiging family mo?"humarang ang press sa kanila.

"Yes"huminto sila sa gitna at hinarap ng binata ang mga ito.

"Yes,I will.Because my career is nothing without her and she's all that I need"pagkasabi 'nun ay inakay na ulit siya papunta kung saan naka-park ang kotse nito.

"Ready?"tanong nito ng nasa kotse na sila.

"Yes,I'm ready and excited"nakangising saad niya.

"I love you,babe!"

"I love you more My Internet Crush"tugon niya na nakangiti.

The end

My Internet Crush(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon