Chapter 29

69 2 0
                                    

"Hatid na kita"Adreil suggested when she's about to go home.

"No,I can take care of myself.Just stay here and get well soon"nakangiti niyang sagot dito.

"I insist,Freya"matigas nitong saad

"I insist too,Adreil"mas matigas niyang sagot.

"Sige na nga"sumusukong wika nito "mag-iingat ka,drive safely"sabi nito at niyakap siya,gumanti siya ng yakap dito.

"I'll visit you,I promise"sabi nitong humalik sa pisngi niya.

"Okay"tinungo na niya ang kotse niya.

"I love you,babe"pahabol pa nito at tumango lang siya dito.

"Wala bang tugon ang I love you ko?"nakasimangot nitong saad, "pero okay lang,alam kong hindi ka pa handa"lumapit ito sa kotse niya at pinagbuksan siya nito.

"Thank you!"

"Always remember that I love you,okay?"ulit na naman nito at pinakatitigan siya sa mata.

"Sige na,baka hinahanap na ako nina mommy"sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar na 'yon.

"Bye,babe!"kumaway ito sa kanya.
"Bye!"ginantihan niya ito ng kaway.

"HAPPY birthday,Ari"masiglang bati ni Freya sa kaibigan,bumeso siya at binigay ang regalo niya dito.

"Thank you,freyy!"ngumiti ito sa kanya ng malawak.

"You're getting older,but you still don't Ghave a boyfriend"pang-aasar niya dito,umirap naman ito sa kanya at tumikwas pa ang kilay.

"E,ano naman ngayon?may manliligaw naman ako and one of these days sasagutin ko na siya"kinikilig nitong wika.

"What?may nanliligaw sa'yo?"gulat niyang tanong.

"Yes!anong akala mo?ikaw lang?"

"Ang daya mo,hindi mo man lang sinabi sa'kin na may nanliligaw na pala sa'yo"sabi niyang nagtatampo.

"H'wag ka nang magtampo dyan 'di bagay sa'yo"ito talaga basag trip.Talaga namang nagtatampo siya,they are bestfriend and yet nakuha pa nitong maglihim sa kanya,siya nga sinasabi niya dito lahat.

"Come on,Freya!ipapakilala ko rin siya sa'yo.Halika na baka gutom lang 'yan"hinila na siya nito kung saan ang mga pagkain.

"Enjoy your food"nakangiting saad ni Ari ng madaanan nila ang mga bisitang kumakain.

"Are you okay now with Adreil?"tanong ni Ari ng makaupo na sila pagkatapos nilang kumuha ng pagkain.

"We're okay but not like before.He's doing his best to get my trust again"she casually said while sipping on her juice.

"At ikaw naman,nagpapakipot pa?ikaw din baka magsawa sa kakasuyo sa'yo"sabi nitong parang nanakot pa.

Nasa bahay na siya at matutulog na pero iniisip niya ang sinabi kanina ni Ari.Paano kung magsawa na nga ito sa kakasuyo sa kanya?

Madaling araw na pero kinuha niya parin ang phone niya at tinawagan ang binata.Alam niyang pagod ito dahil ito din ang sumundo sa kanya kanina sa party ni Ari.

Lumipas ang ilang ring ay hindi parin nito sinasagot.

She dialed his number again and thanks god,after three rings he finally picked up.

"Hello!"halatang na-istorbo niya ang tulog nito.

"Hello,Adreil.Do you still love me?"sabi niyang napa-paranoid sa sinabi ni Ari kanina.

"What?what do you mean?of course,I love you and it will never change"gulat nitong saad.Nagtataka siguro ito kung bakit biglaan naman kung makapagtanong siya at sa kalagitnaan pa ng tulog nito.

"B-baka kasi magsawa ka sa'kin"she said while wiping a tears rolling her face.Damn this hormones.

"Oh god,Freya! Don't cry"taranta nitong saad ng marinig ang hikbi niya."Nasa bahay kaba?"tanong nito at narinig niya ang ingay sa kabilang linya,siguro naglalakad ito.

"Y-yes"

"Okay,wait me there within an hour nandyan na ako"sabi nito at pinatay na ang tawag.

Napangiti siya sa sarili.He really loves her,walang halong pagsisinungaling and she loves him too.

Siguro panahon na para palayain niya ang natitirang galit sa puso niya,siya rin naman ang nahihirapan.

Lumipas ang isang oras ay narinig na niya ang ugong ng kotse nito,sumilip muna siya sa bintana para masigurong ang binata na nga ang dumating.

Nang makitang si Adreil na nga ay dali-dali siyang bumaba at pinagbuksan ito ng pinto.

"Babe,I was worried why you cried"sabi kaagad nito at niyakap siya.

"Sorry!blame the hormones"palusot niya na totoo naman.

Pinapasok niya ito.
"May gusto ka bang kainin?"he said while roaming his eyes around the sala.

"Wala naman,I just can't sleep"sabi niyang naglalambing na humilig sa balikat nito ng umupo ito sa tabi niya.

"You should rest,babe,makakasama kay baby ang pagpupuyat"sabi nitong sa boses na nag-aalala "let's go to your room babantayan kita"inakay na siya nito sa kwarto niya.

"Just sleep,I'll stay here"saad nito nang humiga na siya at ito naman at nakaupo lang sa tabi niya.

Dahil siguro sa pagod at matinding antok ay 'di na niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Nagising siyang wala na si Adreil sa tabi niya,umuwi din siguro ito ng makatulog siya.

Pagkatapos niyang maligo ay bumaba na siya ng makaramdam ng gutom,naabutan niyang nag-aalmusal na ang kanyang mommy't daddy.

"Goodmorning,mom,dad"lumapit siya sa mga ito at humalik sa pisngi.

"Goodmorning,anak.Halika na saluhan mo kami"anyaya ng kanyang mommy at pinaglagyan pa siya ng pagkain ng makaupo siya.

"I saw,Adreil's car awhile ago"ang daddy niya.

"Ah yes po,pumunta po siya kaninang madaling araw"kaswal niyang sagot.Alam niyang hindi magagalit ang daddy niya na pinapasok niya si Adreil dahil nag-usap na sila nito kahapon na bibigyan niya ng chance ang binata.

"It's good to hear na okay na kayo,anak.We are happy for you"nakangiting wika ng daddy niya at ganun' din ang mommy niya.

"Thank you po daddy,mommy"

Naagaw ang pansin niya ng tumunog ang phone niya.Nag excuse muna siya sa mga magulang niya bago niya sinagot ang tawag.It was Adreil.

"Hello?"nagtataka siya kung bakit ito tumawag ng ganun' kaaga,hindi ba ito natulog?

"Hello And Goodmorning my babe!"masayang bungad nito sa kanya.

"Ang saya yata natin ngayon ah"nagtataka parin niyang tanong.

"I'm happy kasi nakakausap na kita.Masaya ako kasi we're okay now"napangiti siya dahil ramdam niya Ng kasiyahan nito.

"Masaya rin ako,Adreil!"mahinang wika niya.

"I'm glad you're happy now.Thank you for accepting me back,babe"ramdam niya ang sinseridad sa boses nito.

"Anyways,I want you to get ready.Gusto kong pumunta somewhere with you"pag-iiba nito ng usapan.

"Saan naman 'yan?"sabi niyang nakataas ang kilay na para bang nakikita siya nito.

"Later you'll know"

"Okay,i'll get ready"sabi niyang binaba na ang tawag.

My Internet Crush(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon