Chapter 25

41 3 0
                                    

Ilang araw nang hindi nagagawi si Adreil sa bahay nila.Ganun' naman talaga ang mga lalaki,madaling sumuko.Saka ano pa ba ang aasahan niya kay Adreil?hindi ganun' kalalim ang pagmamahal nito sa kanya.

Lumabas na siya ng kanyang kotse ng mai-park 'yon sa tapat ng hospital saka dumiretso sa OB niya.Magpapasama sana siya kay Ari kaso lang may lakad naman daw ito at todo hingi ng tawad na hindi siya masasamahan.

Kahit wala siya sa mood ay sinikap niyang bumangon at pumunta dito para sa kapakanan ng baby niya.

Napangiti siya habang naglalakad nang maalala na may baby nga sa kanyang sinapupunan.

Kahit paano lumalakas ang loob niya pag naaalala ang baby niya.

Pumasok na siya sa loob at check-up lang at niresitahan lang siya ng vitamins para sa kanya at sa baby.

Umalis din siya agad ng matapos pero nagulat siya sa sumalubong sa kanya pagkalabas niya ng hospital.

Nakasandig si Adreil sa hood ng kanyang kotse.

Pinagmasdan niya ang hitsura nito,humahaba na ang balbas nito na halatang ilang araw na hindi naahitan malalim din ang mga mata nito na halatang walang maayos na tulog.

Nahabag ng konti ang damdamin niya,pero nang maalala ang pagtataksil nito sa kanya ay uminit ulit ang dugo niya dito.

"What are you doing here?"matigas na saad niya nang marating ang kinaroroonan ng kotse niya.

Umayos ito ng tayo at tumingin sa kanya ang nanlalalim nitong mga mata.

"Freya,please talk to me!"nagsusumamo nitong wika "please,hindi ko na kaya.Kausapin mo na ako"pero hindi niya parin ito pinansin at binaling lang ang tingin sa kabilang dulo.

"Umalis ka na"malamig na saad niya at binuksan na ang kotse niya,pero mabilis nitong nahila ang kamay niya dahilan para mahulog ang hawak niyang resita ng OB niya at ilang gamot na pangbuntis.Kinakabahang tumingin siya sa binata na ngayon ay pinupulot na ang mga nahulog mula sa kamay niya.

Mabilis siyang yumuko at kinuha ang mga iyon sa kamay ng binata.

"W-what's the meaning of this,Freya?"sabi nitong nagtatakang nakatitig sa hawak niya.

"W-what?"maang-maangan niya.Kinakabahan na siya.

"Yan?ano yan?"medyo lumakas na ang boses nito.

"Wala ito"sabi niya saka tumalikod na ulit pero malakas siya nitong isinandal sa kotse niya at hinawakan ang mukha niya.

"Tell me,Freya.Buntis ka ba?"hindi niya alam kung sasagutin ito.

"Hindi"pinili niyang magsinungaling kahit may ebidensya na.

"Sayo yan,Freya.Nakita ko ang pangalan mo,h'wag kang magsinungaling sa akin"sabi nitong nagbabanta at inagaw sa kanya ang hawak niya pero hindi niya 'yon binitiwan.

"Eh,gago ka pala!nakita mo na pala at sigurado kana tapos nagtanong kapa!"sabi niya at sinubukan itong itulak pero napakahigpit ng pagkakaipit nito sa kanya.

"Why you did not tell me about this?"matigas nitong saad at nakita niyang parang nagliyab ang mga mata nito sa galit.

"Paano ko sasabihin sayo kung busy ka sa pakikipaglandian sa iba?"matapang niyang sinalubong ang mga mata nito.

"I told you,that was nothing!bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?"nagsisimula na din itong mainis sa kanya.

"Dahil sinungaling ka,pakawalan mo ako!"malakas niyang sagot at tinulak ito dahil sa lakas ng pagkatulak niya ay bahagya itong nagulat kaya nakawala siya.Sinamantala niya ang pagkakataon.

"Freya!" Tawag nito sa kanya nang sumakay na siya sa kotse niya.

Hindi na niya ito pinansin at pinaandar na ang sasakyan at pinadiretso sa bahay nila.

Pagkarating niya sa bahay ay nadatnan niya ang kanyang mommy't daddy sa sala.

"Okay lang ba ang pinuntahan mo,anak?"ang mommy niya.

"O-okay lang po,mommy"sabi niya habang nasa likod ang mga kamay dahil natatakot siyang baka makita ng mga ito kung ano ang dala niya,maliit kasi ang bag niya kaya 'di kasya ang mga 'yon.

"Sige po,mommy,daddy,akyat na po ako"tumango lang ang mga ito.

Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang makapasok na sa kwarto niya.

Nagbihis siya agad at humilata sa kama.Ganito palagi ang ginagawa niya nitong nakaraang mga araw,ang humilata sa kama habang umiiyak.Ang kaibahan lang ngayon ay walang luhang namamalisbis sa kanyang pisngi.

Kaya nagulat kanina ang kanyang mommy't daddy ng magpaalam siyang lalabas,hindi inaasahan ng mga ito na lumabas na siya ng kwarto.Kaya naman hindi nagdalawang isip ang kanyang daddy na payagan siyang lumabas.

Natigil ang pag-iisip niya nang tumunog ang kanyang phone.Ilang araw ding naka off ang phone niya dahil ayaw niyang makontak siya ni Adreil,binuksan lang niya kanina ng lumabas siya para hindi mag-alala sa kanya ang mga magulang niya.

Tiningnan niya ang caller kung sino.
Si Adreil,inisip niya kung sasagutin ba niya.

She decided not to answer his call.
She's about to turn off her phone when she received a message from Adreil.

It says:
Please,answer my call.I'm begging you 🥺

Pero,matigas parin ang puso niya.Pinatay niya ng tuluyan ang phone niya at bumaba sa kusina para maghanap ng makakain niya.

"What are you looking for,baby?"ang mommy niya na ngayon ay nasa likuran niya.

"Mom,wala na po ba ang mangga na dala ni Ari?"she asked without thinking what's her mommy gonna think.Napapadalas kasi ang pagdadala ni Ari ng hilaw na mangga sa kanya.

"Wala na,kinain ko kanina.Anak,I noticed you've been eating a green mango lately"tiningnan siya nito at kinabahan naman siya.

"Ahh!stress po kasi ako mom,yon po ang kinakain ko pag stress ako"nakangiwi niyang palusot sa mommy niya, 'di naman ito nagtanong pa ulit.

"Sige,I'll tell your dad to buy you a green mango"sumigla siya sa sinabi ng kanyang mommy,feeling niya naglalaway na siya ngayon pa lang.

"Thanks,mom!"she cheerfully said and hugged her mom.

"I'll do everything for you!"nakangiti nitong saad.

"Sige,na anak,ipagtitimpla ko pa ng kape ang daddy mo.Kanina pa 'yon gustong uminom ng kape"sabi ng mommy niya at pumunta na sa coffe maker para ipagtimpla ng kape ang daddy niya at siya naman ay binuksan ang ref para kumuha ng icecream.

Kinuha niya ang mango flavored na icecream saka umakyat ulit sa kwarto niya at doon nilantakan ang icecream.

My Internet Crush(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon