CHAPTER 10

419 21 4
                                    

Nakasuot na ako ng bagong kong uniform. Pero nakakamiss din yung dati, kasi kasama ko pa si jane.

Kamusta na kaya si Jane? Sana ayos lang siya.

Bumaba na ako at nakitang kong silang kumakain, umupo na ako para makasabay sa kanila.

Alam na nila na hatid sundo nila ako sa school. Tumawag kasi lola at sinabi sa kanila.

Diba, haba ng hair ko? Pito laging ihahatid at sundo ako sa school.

Body guard ko lang po yan.

"Hoy tara na bagal bagal kumain" si Jungkook. Napansin kong nakatayo na sila.

Kokonti pa lang nasusubo ko e! Asar.

Kumuha na lang ako ng isang sandwich at sumunod na sa kanila sa labas.

Pumasok na ako sa front seat at si jin ang mag mamaneho ng sasakyan.

Andito na ako sa school at bumaba na ako ng sasakyan nag pasalamat ako sa kanila dahil sa paghatid sa akin.

"Goodluck" ngumiti lang ako sa kanila at pumasok na sa gate.

Habang naglalakad napapansin ko yung mga estudyante patingin tingin sa akin. Siguro dahil bago ako?

Di ko na lang pinansin. At dumiretso na lang sa faculty para itanong kung saan akong section.

Kumatok ako sa pinto at pumasok.

"Good morning po, Ako po yung transferre itatanong ko lang po kung saang section ako" magalang na sambit ko

"Ikaw ba yun?" Tumingin ako sa kanya at tumango.

"Halika, ako yung teacher mo" sabay ngiti sa akin.
Tumayo siya sa kanyang upuan at lumabas na ng pinto.

Lumabas na din ako at sinundan ito.

Habang naglalakad nagpakilala si ma'am sa akin.

"Ako nga pala si Ms. Sayna Hidalgo" pagpa kilala ni maam sa akin. Tumango lang ako sa kanya at ngumiti.

Si Ms. Hidalgo ang naunang pumasok bago ako. Nakita kong ang mga bago kong kaklase.

Nagpakilala muna ako at umupo sa bakanteng upuan. Nagsimula na ang klase at dahil bago ako at na late ng konti sa kanilang discussion nakinig ako.

Nagtake notes din ako. Nakakamiss pumasok sa dati kong school. Kahit snobber ako sa mga kaklase ko na mimiss ko sila.

Bat kase nagka problema pa? Gusto ko ng umuwi sa amin kaso baka pilitin nila ako. Ayoko talagang magpakasal. Di pa ako ready, tska di ko naman mahal yung lalaki.

Natapos na ang klase at lunch time na. Wala pa akong kilala at nahihiya akong pumunta sa cafeteria.

Nasa upuan lang ako at naka ub-ob lang.

Naramdaman kong may umupo sa katabing upuan at kinalabit ako. Tumunghay naman ako at nagtataka sa kanya. Naka ngiti kasi siya.

"Diba ikaw yun?" Tanong niya sa akin. Nag tatakang naman akong tumingin sa kanya.

"Huh?" Ako.

"Ikaw yung babaeng gumawa ng eskandalo sa engagement party niyo ni kuya" nahiya ako sa sinabi niya at umiwas ng tingin. Takte kapatid niya kausap ko ngayon. Nakakahiya talaga.

"U-uhh please wag mong sabihin sa kuya mo na dito ako pumapasok" paki usap ko sa kanya.

"Oo naman" aniya. Buti naman, pero di parin ako naniniwala sa kanya.

"Oh ito, alam kong nahihiya kang pumunta ng cafeteria" may inabot siya sa aking pack lunch. Napataas ang aking kilay at takang tumingin sa kanya.

"Tanggapin mo na, dalawa naman dala ko" pamimilit niya sa akin. Dahil gutom na ako at nahihiya nga akong pumunta ng cafeteria, tinanggap ko na ito. Mukha naman mabait itong kapatid ni Drake.

LIVING WITH THEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon