CHAPTER 19

345 22 10
                                        

"Isla, nagugutom na kami" kanina pa sila kinukulit ako na nagugutom na daw sila.

"Ano ba hindi pa tapos ang misa, hindi na kayo nahiya sa pari" baling ko sa kanila

"E kase naman nakakagutom na" sambit ni jimin habang naka pout

"Sige, lumabas na kayo at iwan niyo na lang kami dito" sabi ko

"Ayaw" sabi nila, aayaw din naman pala e

"Patapos na din naman itong misa, kaya intay lang kayo" sabi ko, pagkasabi ko nun tumigil naman sila at umayos na ng upo

Habang nag sesermon ang pari tahimik naman akong nakikinig pati si Jane. Yung anim naman naka simangot na sa tabi ko, ang tatanga kase e, tanghali na gumising. Hindi tuloy nakakain ng almusal

Habang madami ang kumukuha ng tipan nag si tayuan ang anim, taka naman akong tumingin sa kanila

"Kukuha din kami" sabi nila, at umalis na sa upuan at nakipag siksikan sa naka pila

"Ano na naman pumasok sa isip nun?" Tanong sakin ni Jane

"Kinamalayan ko" sabi ko

"Pero iba talaga pag nandito si Yoongi"

"Alam mo isa ka parin"

"Bakit?" Tanong niya

"Wala, sabi ko ampanget mo"

"Sama ugali"

Lumipas ang ilang minuto bumalik na yung anim at lumuhod at nagdasal. Himala, ano kaya pinagdadasal ng anim na ito. Natapos ang pag dadasal ni Jin at nagsunudan na rin yung iba

"Bakit hindi ka kumuha ng tipan?" Tanong ni Jimin sa amin

"Ayoko sa matao" sabi ko, kahit ang totoo ayaw ko talagang kumuha, nagsinungaling agad ako kahit nasa simbahan. Sorry lord peace

"Ayoko din sa matao" sabi naman ni Jane

"Walang nagtatanong sa iyo" sabi ni Jimin

"Sama ugali" inirapan ito ni Jane

Natapos na din ang misa, at nag silabasan na kami. Parang nakawala sa hawla yung anim at tuwang tuwa pumasok sa van na hanggang ngayon hindi pa napapaltan ang kulay

"Kami mag dedesisyon Isla, kase gutom na gutom na kami" sabi ni Jin

"Bahala kayo" sabi ko. Bahala na sila kung saan sila kakain, basta kami ni Jane ay mamimili.

Tahimik lang kami sa biyahe at sa isang fast food chain nag park si Jin.

"Sus, kala ko naman kung saang luxurious restaurant tayo kakain" sabi ko

"Ikaw kaya kumain dun ng dala mo lang pera ay 3 thousand" panunuya sa akin ni Jungkook

"Sabi ko nga dito na lang" sabi ko, at tinawanan ako ni Jane, ano nakakatuwa?

Pumasok na kami at dun kami umupo sa may mahabang upuan at si jin, jimin at Jane ang umorder

Tahimik lang ako sa sulok habang hinihintay si Jane. Ako lang ang tahimik, samantalang yung apat ay nag kwe-kwentuhan lang.

Dahil bored ako, binuksan ko ang fb ko at sinearch si Jasmine, nung nakita ko na hindi ako nag baka sakaling i add ito

Magtatanong din ako sa kanya kung madami na ba ang gawain, sa ilang araw akong absent dahil sa pa outing na nauwi lang sa wala.

"Are you bored Isla?" Tanong sa akin ni Rm

"A-ahh hindi" sabi ko

" I saw your tiktok video with Jhope" tumingin ito kay Jhope na nakangiti na

LIVING WITH THEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon