Nakauwi na kami pero di ko parin maialis sa isipan ko yung halik kanina. Pilit kong iniaalis sa aking isipan pero di ko magawa.
Tsaka bakit niya ginawa yon? Ayoko naman magtanong kasi nakakahiya.
Wow ako pa nahiya!
"Isla kanina ka pa tulala" si jin
"Oo nga" pag sang ayon naman ni jhope
Paano ba naman di ako matulala kanina ko pa iniisip kung bakit ako hinalikan ng gagong yun.
"A-ahh wala" sagot ko. Nagkibit balikat na lang silang dalawa.
Gabi na pero wala pa ring kumikilos sa kanila para magluto ng pang hapunan.
Mga tamad.
Nasa sala kami ni jin jhope, nasa kani kanilang kwarto naman ang iba.
"Wala bang mag iintindi sa inyo ng pagkain?" Tanong ko. Tumingin sila sa akin, pero tumingin naman si jhope kay jin.
Nagtatakang tumingin naman si jin sa kanya at tinuro ang sarili.
"Ako?" Takang tanong ni jin.
"Oo, ikaw lang naman marunong magluto sa ating magpipinsan"
"Hula, ko tinatamad ka na naman" tamad na tumango si jin.
Ayy ewan sa mga ito. May grocery na't lahat mga tamad paring mag sikilos.
Nagsibaba na yung iba. At mga mukhang nag hihintay ng pag kain.
"Isla nag order na nga pala ako pizza, pakibayaran na lang" aba! Ako pa magbabayad siya nga nag order. Iba ka jungkook.
"Yes pizza!" Pag sang ayon nila.
"Katagal ko ng di nakakakain nun" si jhope habang hawak hawak ang tiyan.
"Gago, ang dami mo kayang nakain kagabi sa party" si yoongi
"Ni wala pa nga kayong lutong pang hapunan, pizza na agad nasa mga utak niyo" singit ko sa kanila.
"Bakit di ka kaya ang magluto" sarkastikong sabi ni jungkook, inirapan ko ito, kanina ko pang hindi pinapansin.
Tumayo na ako at pumunta ng kusina, ano pa nga ba magagawa ko?. Ako na magluluto, buti na lang tinuruan ako ni mama ng kahit ilan lang putahe.
Speaking of mama, namiss ko na agad siya, kahit isang araw palang kaming di nagkikita.
Tinignan ko mga pinamili nila at kumpleto naman sa rekado. Ang lulutuin ko ngayon ay tinolang manok.
Makalipas ang trenta minuto, tapos ko ng pakuluan ang tinola, at pwede na itong ihain.
Naghain na ako at tinawag na sila.
Nagsikilos naman sila at umupo na para magsimulang kumain.
Nasa unahan ako ng lamesa, at katabi ko taehyung.
Kumuha na sila ng kanya kanyang pagkain, at nagsimula na kami.
Matapos kumain nag assign na ako ng maghuhugas. Dahil ako ang nagluto ngayon si Jin ang naghugas.
Dumating na din kanina yung pizza at binayaran ko na din.
Nasa kwarto na ako at yung iba nasa sala at sari sariling kwarto.
Naligo muna ako at nagsuot ng pajama. Pagkatapos umupo muna ako sa kama at binuksan ang cellphone. May sim card nadin akong binili, at nakuha ko na rin number ni lola george.
Lunes bukas at may pasok na sila. Ako hindi pa makakapasok, baka kasi makita ako nila mama dun.
Kakausapin ko bukas si lola at kakapalan ko na mukha ko, sasabihin ko sa kanya na ilipat ako ng eskwelahan.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH THEM
أدب الهواةStatus: Completed A lot of thoughts and random scenery comes out on my daily life. I don't know what my future is. So as you. Random ang nangyari sa buhay ko. Nagsimula ito nung umalis ako sa buhay ng magulang ko at nakitira sa pitong lalaki. And th...