CHAPTER 17

464 23 2
                                        

Gumising ako ng 4 pm, at nagugutom na ako, wala kase akong tanghalian. Siguro naman may pagkain sila sa baba. At pupuntahan ko pa si Jungkook kung okay na siya.

Pagkababa ko si Jane lang nakita ko at may nakasalpak na earphone sa tenga. Hindi ko siya pinansin at nagpunta na lang ako sa kusina.

Masama pa rin ang panahon ngayon buti na lang may heater kaya nakaligo ako bago matulog kanina. Nasa kusina na ako, at napansin ko na may nakalagay sa tray na pagkain, tinignan ko ito at may nakalagay pang notes.

I know you are lack of sleep so please eat this food, this is my specialty ^_^

-Jin

So sweet, tinanggal ko ang naka taklob sa bowl at napangiti na lang ako sa aking nakita. Isang masarap na sopas, hindi na ito mainit kase kanina pa siguro niya ito niluto pero naalala ko si Jungkook. Madami naman itong sopas, iinitin ko na lang, tapos share kami.

Pagkatapos kong initin ang sopas, kumuha ako ng dalawang kutsara at gamot. Nilagyan ko ito sa tray at naglakad na ako papunta sa kwarto nito. Habang naglalakad sa sala tumingin ako kay Jane, at taka naman siyang tumingin sa akin. Tinanggal niya ang earphone at nagtanong.

"Saan mo dadalhin yan" tanong niya.
"Kay jungkook" sagot ko

"Ikaw ha!, Baka crush mo na si Jungkook" pang-aasar niya sa akin.

"Tse!" Inirapan ko siya, at lumakad na sa taas.

Siguro tulog din yung anim, hindi kase maingay sa bahay. Mas masaya siguro kung hindi masama panahon. Kumatok na ako sa pinto, at walang nag respond kaya pinihit ko yung door knob at sinipa ko ang pinto, bumukas na ito.

Nakita ko lang si Jungkook na nakatingin sa akin. Binaba ko na yung tray sa lamesa

"Kain kana" sabi ko, kinuha naman niya yung kutsara

"Bakit dalawa yung kutsara?" Tanong nito

"Share tayo, hindi pa ako kumakain" sagot ko, pagkasabi ko nito binitawan niya yung kutsara.

"Ikaw na lang kumain, busog pa ako" sabi niya.

"P-pero hindi ka pa kumakain" mahinahong kong sambit.

"Kumain na ako kanina" pagpilit niya

"Uminom kaba ng gamot?" Tanong ko

"Bakit ka ba concern sa akin!" Sa mataas na boses nito.
"Gusto lang kitang i check" mahinahon kong sambit, ayokong makipag talo sa kanya. Hindi na siya sumagot, nilapitan ko ito at idinampi ko sa noo niya ang aking kamay pero hinawi niya ito.

"Anong bang problema mo!?" Tinaasan ko na ito ng boses. Pero hindi parin ito sumagot

"Kumain kana, tsaka uminom ng gamot" walang buhay kong sabi at umalis na sa kwarto niya. Kumukulo na tiyan ko dahil sa gutom, punyemas kase si Jungkook e, daming arte sa buhay sinigawan pa ako. Buset!

Bumalik ako sa kusina at tinignan ang ref may sprite duon at kukuha na lang ako ng tinapay at nutella. Yoon na lang kainin ko, babawi na lang ako mamaya ng kain. Pero kailangan ko pang mag paalam kay Jhope pag kukuha ng sprite.

Diba dami ding alam sa buhay? Kailangan pa ng permiso bago kumuha. Para sure, kumuha na ako ng dalawang sprite at yung tinapay at nutella,at nilagay sa tray para hindi ako mahirapan, duon ako kakain sa kwarto nito.

Ayoko na kase ng pabalik balik. Umakyat na ako sa taas at pumunta sa kwarto nito. Kaharap kona ang pinto kumatok ako dito pero walang sumagot, kaya naman pinihit ko na yung door knob at binuksan ang pinto.

Laking gulat ko na lang na nagsasayaw siya kaharap ng cellphone niya at nakasalpak sa tenga ang dalawang earpod. Kaya hindi niya ako narinig. Nakatalikod ito sa aken kaya hindi niya ako makita, yung cellphone niya nasa isang mataas na lamesa at nakasandal ito.

LIVING WITH THEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon