KYLE POV
Hindi ko alam ang mararamdam ko, andami na ngang problema sa kompanya. Isa na lang solusyon bokya pa. Pero tama din naman si Isla, bata pa siya para sa kasal kasal na yan. Bakit pa kase nagka problema sa kompanya. Hindi na sana ito mangyayari.
Bumalik ako sa venue at dinaluhan agad ako nila tita.
"Kyle ano?!" Si tita
"Gusto daw po muna niyang mapag isa" ako sa malungkot na boses.
"Suss! Maryosep! Ito na nga ba sinasabi ko e" si Lola.
"Pumayag ako coleen dito, pero hindi ko alam na ganito mangyayari" si Tito Rey asawa ni Tita coleen.
"Si papa?" Tanong ko sa kanila.
"Kinakausap si mr. Gutierrez, para hindi na maging chismis ang ginawang eskandalo ni Isla" si lola.
"Lola ano na gagawin natin kay Isla?"tanong ko kay lola, sabay tingin kay tito at tita
"Hayaan niyo muna siyang makapag isip, alam kong galit sa atin yun" si lola
"Pero ma!"si tita na nagugulahan. Ako din naman e naguguluhan, bakit kaya ganyan si lola
"Hayaan niyo siya, wag niyo na munang hanapin" sambit ni lola, parang hindi nag aalala. E lumayas na nga si Isla.
"Babalik yun"si Lola
ISLA POV
Gumising ako ng maaga, naligo na agad ako at nagbihis ng v neck t- shirt and jeans. Bumaba ako na naka tsinelas lang.
Taray talaga ng mansion ni lola George. Kumpleto sa lahat, pero parang hindi naman masaya.
Pagkababa ko nadatnan ko si lola na nag kakape sa kanilang dining table.
"Upo ka iha" si Lola sabay lahad ng upuan. Umupo naman ako.
Dumating ang kasambahay nila para sana lagyan ako ng pagkain pero tumanggi ako.
"Ako na po"sabi ko sa kasambahay. Ngumiti naman siya at tumango
"Pasensya kana iha, lagi kase akong wala dito sa bahay kaya doon na lang kita papatirahin sa mga apo ko"
"Naku Lola, ayos lang po!, Ako nga po ang nakaabala sa inyo e"
"Kung gusto niyo po mag tatrabaho ako sa inyo, kasambahay po ng inyong mga apo"
"Naku iha wag na"
Hindi ko na ipinilit ang gusto ko.
Natapos kaming kumain ni lola, at ipinahanda na niya ang kotse.
Pagkalabas namin, sumakay na agad kami, dahil may lakad pa si lola.
Habang nasa biyahe tahimik lang ako. Iniisip ko sina mama, kaso ayoko pang umuwi. Galit parin ako sa kanila. Nasanay ako na hindi pinipilit.
Nakababa na ako sa sasakyan pati si lola.
Minuwestra sa akin ni lola ang gate. May kalumaan na ang gate pero hindi mo ito mahahalata sa unang tingin, nakakamangha ang mansyon. Swerte ng mag mamana dito.Binuksan ni manong driver yung gate at kami ay pumasok na.
"Lola george ang ganda naman ng mansyon niyo" Meron din si lola celine na masyon pero hindi ganitong ka gara.
"Ito dati ang bahay namin ng asawa ko" si lola habang nakangiti.
"Isla kaya mo naman sigurong pakisamahan mga apo ko no?"tanong ni lola sakin. Oo kakayanin ko yun ako pa!
"Kayang-kaya lola!" Papasok na kami sa pintuan, pagbukas ng pintuan ni lola. Tao pa ba?, nakatira dito?. Bubungad agad sayo kalat.
"Hindi talaga nag ba bago mga apo ko!" Si lola sa hindi maintindihang damdamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/219690906-288-k291424.jpg)
BINABASA MO ANG
LIVING WITH THEM
FanfictionStatus: Completed A lot of thoughts and random scenery comes out on my daily life. I don't know what my future is. So as you. Random ang nangyari sa buhay ko. Nagsimula ito nung umalis ako sa buhay ng magulang ko at nakitira sa pitong lalaki. And th...