CHAPTER 11

393 19 4
                                    

Wala kaming klase sa first subject kaya napagisipan namin pumunta ni Jasmine sa library, para narin makahabol ako sa kanila.

"Pinag titinginan ka" ngumuso ito sa likod ko.

"Hayaan mo sila, baka nagagandahan sa akin"

"Hangin ahh" sabay kaming tumawa, pero tumahimik din kami dahil baka pagalitan.

Snobber ako sa iba, pero pag nagiging kaibigan ko na hindi na.

Nag bell na hudyat ng sunod na klase. Tulad ng sabi ko nagdala ako ng pack lunch para di na ako pumunta sa cafeteria.

Iniiwasan din ni Jasmine mag kwento tungkol sa nangyari dun sa engagement party. Para hindi ako mailang.

Pero ngayon ko lang napagtanto na wala siya noong engagement party. Matanong nga.

Habang naglalakad kami itinanong ko ito.

"Jasmine bakit wala ka dun sa party?"

"Ahh tinatamad kase akong pumunta" umiling na lang ako. Tamad talaga.

Kahit isang araw palang kaming magkasama alam kong tamad na ito. Pero simple lang ito. Walang kaartehan.

"Pano mo nalaman?" Tanong ko.

"Sinabi sa akin ni kuya" tumango na lang ako, baka kase lumayo pa ang usapan.

Pumasok na kami at umupo sa aming upuan. Nakinig lang ako at nag take notes. Katabi ko si Jasmine at nakikinig din siya.

Pinilit niya yung katabi kong lalaki na magpalit daw sila. Nainis naman yung lalaki, diko kase alam name. Kaya ayun.

Natapos ang maghapon at syempre uuwi na naman.

Nauna na uli sa akin si Jasmine. Naghihintay ako ngayonsa labas ng gate. At nakita ko na yung makulay naming van.

Napairap na lang ako sa hangin.

Ewan sa mga yan, kung ano-ano na iisip.

Tumigil na ito at binuksan ko na agad ang pinto at pumasok. Pero tahimik lang sila.

Problema ng mga ito?. Tumingin ako kay namjoon at nagulat na lang ako at may black eye. Di ko alam kung tatawa ako o maawa.

Katabi ko ngayon si taehyung na may mga pasa den. Nasa front seat si Jin at may mga pasa den.

Tumingin din ako sa iba at yun meron din.

"Bakit kayo napa-away?" Tanong ko.

"E kase itong si yoongi susugod-sugod sa laban, wala namang kasama. Tapos andami pa noong kalaban" pagdadahilan ni Taehyung. Napailing na lang ako.

"Bakit pa kase kayo sumunod?" May halong galit na sambit ni yoongi.

"Kase, feeling mo kaya mo sila, ang dami kaya nila" sagot ni Jungkook.

"Di mo nga kinaya yung isa, di ka kase marunong sumuntok" pang aasar ni jimin. Natawa kaming lahat.

"Alam niyo kayo mga epal, tawa ka diyan Isla" sa iritang tono nito.

"Isla gamutin mo naman ako" aniya ni taehyung. Napatingin naman ako sa kanya. Sa isang linggo ko sa kanila bihira ko pang maka usap si taehyung.

"Gamutin mo sarili mo, may kamay ka!" Si Jungkook seryosong tono.

"Alam mo jungkook, pagamot ka sa pusa mo" sabay irap ko, kahit di niya nakikita.

"Alam mo nyenyenye, panget di bagay sayo" pang aasar niya. Buti na lang di ako pikon.

Kung pikon ako, naka isa na sa akin yan ng suntok.

"Gamutin mo ako ha" nakangiting pangungulit ni taehyung sa akin. Medyo crush ko pa siya, ewan di ko maintindihan.

"Kaming lahat kaya gamutin mo" sambit uli ni jungkook.

"Pagamot ka sa pusa mo" ako sa seryosong tono.
Natawa naman sila sa aking sinambit.

Patawa ba ako?

Nag park na si namjoon at lumabas na kami. Kulit ni taehyung kanina pa e.

Pumasok na kami, kinuha ko na yung first aid kit sa may cabinet at pinuntahan sa sala si taehyung para gamutin.

Andaming pasa at gasgas, halatang di marunong makipag away.

Pagkatapos kong gamutin si taehyung may nginunguso siya sa aking likod. Napatingin naman ako at di na nagulat, naka line sila sa akin. Alam kong magpapagamot din sila.

Hindi ba sila marunong?, Kakagaling magsipag away e. Tsk

"Layas na diyan" pag paalis ko kay taehyung. Umalis naman ito, at sumunod na umupo sa sofa si Jin.

"Anlalaki niyo na napapa-away parin kayo" ako habang dinidiinan ang bulak sa may gasgas nito. Napapa-aray ito pero di nagrereklamo.

Natapos ako kay jin, sumunod naman ang master sa pag aaway.

Hindi ko ito laging nakakausap. Laging nasa kwarto, laging tulog. Kakain lang, tutulog na ule.

Iba din takbo ng mundo nito.

"Kilala mo si Jane?"tanong nito sa akin.

"Oo, kaibigan ko yun e" sagot ko.

"Alam mo epal kaibigan mo, lagi akong sinusundan kung saan" napa tulala ako sa sinabi niya, pa'no? Hindi naman ganun pag kakilala ko kay Jane?

Pag nagkita kami, kokomprontahin ko yun. Tsk

"Gusto mo din naman" pang aasar ni namjoon sa likod ko.

"Tsk." Umalis na ito dahil tapos na. Nakakapag taka naman si Jane, may landi din pala sa katawan yun.

Si namjoon na ang sumunod hanggang sa natapos ako kay jhope at sunod na si jungkook

Umupo na ito at sisimulan ko na.

"Aray naman!, dahan-dahan kase" reklamo pa. Dahan-dahan na nga.

"Arte" bulong ko, pero lakas ata ng pandinig at narinig pa nga. Ay iba den!

"Ikaw maarte" may pag irap pa. Dukutin ko mata neto e.

Kung hindi lang maganda mata, bakit ako nagagandahan? Diko mabawi kase maganda naman talaga.

Nakatitig lang ako sa mga mata niya.

"Ganda" bumulong siya pero di ko narinig.

"Ano?" Tanong ko. Umiling lang ito at nag smirk.

"Wala, bingi mo" ako pa bingi? Buti na lang tapos na kung hindi, nadagukan ko na ito.

Lakas man trip e.

Umakyat na ako sa taas at naligo, pag katapos bumaba na ako para kumain.

Natapos na kami at naghuhugas ako ngayon ng pinggan. Pumasok si Jin sa loob at may nilagay sa lamesa.

"Ano yan?" Tanong ko

"Cookies" lumiwanag naman ang mata ko at binilisan ang pag huhugas.

"Bat ambilis mo?" Tanong ni jin. Nag pupunan na ako ng kamay ngayon at ready ng kumain ng cookies.

"Baka kase umbusan niyo ako nito" pagkuha ko ng isa sa box at kinain.

"Sayo talaga yan, pasasalamat" e? Seryoso? Para san? Pasasalamat?

"Para san?"tanong ko

"Dahil dun kanina" tumango naman ako. Nag pasalamat din ako at dala dalang ko ang box ng cookies sa aking kwarto.

Pagbukas ng pinto may nakita akong isang box ule ng cookies sa aking table. Tinignan ko ito at may nakalagay na notes.

Thank you!

-J

Tatlo ang J dito sa amin si Jin, Jhope at Jungkook lang, pero binigyan na ako ni Jin kanina.

Baka si Jhope, imposible namang bigyan ako ni Jungkook diba?

Si Jhope ng nagbigay nito. Mag papasalamat na lang ako bukas.

Natapos kong kainin ang isang box, at dadalhin ko naman itong binigay ni Jhope sa school. Bibigyan ko si Jasmine.

Nag toothbrush muna ako bago matulog. Syempre para hindi mabaho ang hininga.

LIVING WITH THEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon