Nakita kong paparating na ang sasakyan ni Kuya sa labas ng aming school gate. Nakababa na si kuya sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat. Sumakay naman ako at siya din. At nagsimula na siyang paandarin ang kotse.
"Kuya ano pag uusapan natin?" Tanong ko sa kanya. Kanina pa kase ako na cu-curious.
"Mamaya ko sasabihin, pag uwi mo"
Tumango lang ako, at tumingin sa bintana"Sinabi na ba ni Tita, yung tungkol sa party, na pupuntahan natin?" tanong niya. Humarap ako sa kanya, at tinignan naman niya ako, pero bigla na lang siya umiwas ng tingin.
May tinatago si kuya sa akin.
Ano kaya yun?
"Oo kuya" sagot ko sa kanya.
"Para saan ba yung party" tanong ko.
"P-para y-yun sa ano, sa engagement party ng a-anak noong business partner namin" nauutal na sambit ni kuya, at hindi siya mapakali.
Tumango na lang ako sa kanya.
Nakababa na ako sa sasakyan, at si kuya rin.
"Kuya an--- hindi ko na natapos sasabihin ko kase, biglang may tumawag sa kanya.
"Meeting?,di'ba hapon na!?" Si kuya sa kanyang katawagan.
"Fuck! Late na ako, oo papunta na diyan!"
Nakatayo lang ako dito at tinitigan si kuya, habang nakatitig, napansin kong pumapayat na siya at lumalaki na eyebags niya, Laging puyat sa trabaho att hindi pa kumakain minsan.
Tsk.... Tigas ng ulo, laging sinasabihan ni Tita Maureen na kumain sa gabi. Sasabihin diet daw.
Natapos ang tawag at nag mamadaling siyang sumakay sa kotse.
Binuksan niya ang bintana, at may sinabi sa akin.
"Isla, sa sunod na tayo mag usap, nag patawag ng meeting si Papa, kelangan e" natatarantang aniya ni kuya.
Tumango lang ako, kahit hindi na niya kita, ambilis kasi ng patakbo.
Pumasok na ako sa bahay at nakita si manang lang ang nandoon. May meeting nga pala sila Tito, kaya mamaya pa ang uwi ni mama.
Nakita ko si cooky at binuhat ito.
"Cooky!" Masayang bati ko sa aking aso.
Naka-amoy ako ng paborito kong cookies at nagtatakbo ako sa kusina, habang buhat-buhat si cooky.
"Cookies!!" Masayang sabi ko, habang inamoy-amoy ang bagong luto ni manang. Binaba ko muna sa sahig si cooky. Para makakain ng ayos.
"Manang, marunong ka pala mag bake!"
"Oo naman, tsaka nasabi ni ma'am na paborito mo cookies, kaya ipinag bake kita"
"Salamat manang Lorie!" Sabay hug ko dito.
"Naku! Ikaw bata ka, ang liit liit ng kaligayahan mo" sabay kurot sa pisngi ko.
Kumuha ako ng isa at tinikman ito.
Ang sarap!"Manang! Ang sarap po!" Masayang aniya ko sa kanya.
"Naku!, Talaga?!" Tumango ako sa kanya
Tumikim din siya ng isa, at gaya ko nasarapan din siya sa gawa niya.Natapos ang tawanan, kwentuhan at kainan namin ni Manang Lorie.
Umakyat ako sa taas, naligo na ako at nagbihis. Pag katapos kong magbihis, pinakain ko muna si cooky at nag cellphone.
Nagbukas ako ng facebook, at laking gulat ko ng nakita ko sa friend request ko si Jungkook.
Jungkook Jimenez

BINABASA MO ANG
LIVING WITH THEM
FanfictionStatus: Completed A lot of thoughts and random scenery comes out on my daily life. I don't know what my future is. So as you. Random ang nangyari sa buhay ko. Nagsimula ito nung umalis ako sa buhay ng magulang ko at nakitira sa pitong lalaki. And th...