CHAPTER 05

442 20 2
                                    

Nandito na kami sa venue kung saan gaganapin ang party, andaming tao tapos ang gaganda ng mga damit. Ang bongga ng venue.

Pagpasok mo may makikita kang red carpet, then meron ding mga photographer.

Habang naglalakad kami sa red carpet, panay naman ang picture ng mga photographer.
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako, kase hindi ako sanay sa ganito.

"Anak ngumiti ka naman"siko sa akin ni mama.
Ngumiti na lang ako sa mga photographer.

Andito na kami sa table, pero hinahanap ng mga mata ko si lola, kuya at tito.

"Mama sina lola?, Wala pa ba?"tanong ko.

Sasagot pa lang si mama may narinig kaming sigawan at iritan ng mga babae.

"Andyan na siya"

"Pogi talaga niya"

"Yieee, kumindat sa'kin" mga babaeng kala mo nakakita ng gwapong papatulan sila.

Umaasa!

"Andiyan na pala sila"si mama, sabay tingin sa dinadanan ng red carpet.

Tangina! Si kuya kyle pala yung iniiritan at pinagkaka guluhan ng babae.

Iba talaga tama ni kuya sa mga babae!

Todo ngiti pa sa camera, at kinikindatan mga babae. Hayss!

Si lola na katabi niya napapailing na lang. Natapos na sila at pumunta na sa aming table.

"Pogi ng pinsan mo no?" Si kuya habang pangiti ngiti pa sa akin.

"Ikaw lang naman pinsan ko" sabay irap.

"Ikaw lang din pinsan ko" siya

"Ewan ko sayo!" Hindi ko na siya pinansin, dahil si lola na pinansin ko. Niyakap ko ito at hinalikan sa pisngi, ganun din ginawa ko kay tito.

Pumunta na ang mc sa unahan para ipakilala yoong anak nung business partner nila tito.

"Good evening everyone, first i would like to thank Mr. Gutierrez" pag turo niya ng kamay sa lalaking nakatayo malapit sa aming table. "To be part of his son's engagement party". Pag tutuloy niya.

"Please let's all welcome Drake Gutierrez, the son, and the heir of GIC (Gutierrez Incorporated Company)." Tumingin kami sa entrance kung saan papasok yung anak ni ser Gutierrez.

Ang gwapo, kaso parang masungit. Naka suot ito ng black classic tuxedo, and oxford shoes. Naka messy top cut ang buhok nito. Maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay, tapos ang ganda nong kulay ng mata niya, color brown. Matangkad pa.

Saan ka pa?, Kay kuya na!

Sa halip na sa  unahan pumunta, lumiko siya. Tangina! Sa akin papunta. Hindi ko alam kung saan ako titingin, kase puta titig na titig sa akin.

Yoong mga tao, sa amin din tumitingin.

Lumingon ako kay'na kuya, pero tahimik lang sila.

Tumungo na lang ako.

Paglingon ko, nakatayo na si Drake, habang ako naman nakaupo. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko. At shit! Ewan nakakatakot ang mukha.

"Tara" sabay lahad ng kamay, hindi ko maintindihan kung bakit siya naglahad ng kamay.

Gulong gulo pa rin ako, dahil sa katangahan ko. Hinila na niya ako.

"Hoy bitawan mo nga ako!"inis kong sabi, pero di parin siya tumitigil.

LIVING WITH THEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon