CHAPTER 15

358 20 6
                                        

Hapon na at naliligo sila sa dagat, ako naman nanood lang sa kanila. Kumakain lang ako dito.

Umahon si Jane, sexy na sexy sa suot. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siyang mag suot ng mga ganito. Sabagay nag mamatured na at may crush kay suga.

Tatakbo itong lumapit sa akin at kumuha sa dala kong pagkain.

"Hindi ka liligo?" Tanong nito habang nag susuot ng roba

"Ayoko, wala pa ako sa mood" ako. Siguro bukas na lang ako maliligo.

"Saan nga pala bago mong school?" Tanong nito. Sinabi ko naman, at tumango ito.

"Puntahan kita minsan doon" siya, tumango lang ako sa kanya.

Alam kong may pasok ngayon, siguro nag-aalala na si Jasmine sa akin. Wala naman akong magagawa, nag plano agad sila e. Kung sinabi muna nila plano sa akin, isasama ko dito si Jasmine. Para tatlo kaming babae.

"Ano gusto mo inumin?" Si Jane

"Coke na lang" kanina pa akong kain ng kain, hindi pa ako umiinom kahit tubig. Tinatamad naman akong kumuha ng tubig sa loob ng bahay.

Gusto lang maupo dito at mag relax. Ansarap ng simoy ng hangin, bumabalot ito sa aking katawan. Parang yakap ni mama, namimiss ko na yun.

Gusto ko ng umuwi, pero ayaw ko silang iwan. Dito muna ako para sigurado akong may freedom pa ako. Ayoko masakal, pinaka ayoko ng ganun.

"Sige, kuha lang ako" si jane, tumango lang ako sa kanya.

Umahon na din yung iba, pero akala ko tatakbo papunta saken, pero.

"Taya!" Tinapik ni Taehyung si Jin, tumakbo naman yung iba sa dagat at doon na nag habulan.

Nakakatuwa silang panoorin.

"Tag!" Sigaw ni Jin, at ang taya na ngayon ay si Suga.

"Hoy Hahaha!, Ang daya mo!" Sigaw naman ni suga kay Jin.

"Hindi yun madaya!, Ayaw mo lang mataya" si jin.

Tawang tawa na ako dito, ka utuan lang pinag gagawa nila. Pero ang saya nila.

"Ngiting-ngiti ahh" dahil sa pagiging focus ko sa pito, hindi ko na namalayan na katabi ko na si Jane.

"Ansaya lang kasi nilang tignan" ako.

"Oo, pero minsan, may pag ka uto din yang pito" siya.

"Sinabi mo pa" ako.

"Ito na yung coke mo, kanina ka pang tulala sa pitong yan e" binigay niya sa akin yung coke.

"Thank you" sarkastiko kong sabi, inirapan lang ako nito.

Patuloy lang yung pito sa pag lalaro, ng napagod na umahon na rin.

Dahil sa pagabi na, kumuha ng kahoy yung pito at mag bo-bonfire daw. Kami naman assign ni Jane sa pagkain.

Mamaya na ako liligo, para deretsong tulog na.

"Maglalabas ba ng alak?" Tanong ni Jane sa akin.

Nagkibit balikat lang ako "tanong mo sa kanila" ako.

"Hoy!, Kukuha ba ng alak?" Tanong nito.

Sa halip na sumagot, tumingin sila sa akin. Ako naman nagtataka.

"Bakit sakin kayo nakatingin?" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw mag desisyon" sila. Ako pala mag dedesisyon.

"Kung ayaw ko?" Ako

"Ayaw din namin" si Jhope.

"Sige, kumuha kana. Alam ko naman gusto ng mga yan ang alak" ako kay Jane.

Tumango lang si Jane at pumasok sa loob ng bahay. Para kumuha ng alak

Hindi ako iinom, sila na lang. Bata pa ako ayoko pang uminom.

Natapos na sila Jungkook sa bonfire nila at inaayos na nila ang lamesang paglalagyan ng pagkain.

Inayos na ni Jane ang pagkain at yung pito ay nagsipasok sa loob, dahil maliligo.

"Hindi ka pa maglilinis?"tanong ko kay Jane.

"Mamaya" sagot ni jane. Di na lang ako sumagot sa kanya.

Natapos na kami at iintay na lang naming lumabas yung pito.

Ilang minuto lang lumabas na si Jhope, sinundan naman ito ni Jin at yung iba pa. Kumpleto na kami at nagsisimula ng kumain.

Natapos na kaming kumain at binuksan naman nila yung alak. At nag sisimula na silang mag inom.

Ako naman tamang tubig lang. Si Jane nakiki-inom din.

"Ang plain naman nito, wala bang twist?"tanong ni Jane.

"Thruth or dare na lang tayo" si Jin, sumang-ayon naman yung iba.

"Kung sino ang hindi gagawa sa dare, iinom ng dalawang baso" dagdag pa ni Jin. Bahala sila diyan basta hindi ako sasali.

"Hindi ako kasali diyan ha!" Ako

"Ayy hindi, kasali lahat dapat" Si Jin, sumangayon naman sila kay Jin. Ano pa nga ba magagawa ko, edi sasali.

"Nasan na bote?" Tanong ko.

"Ito" nilabas nila yung isang boteng ubos na. Inayos muna namin ang lamesa para may malaking space.

Ng matapos, nag si upo ule kami at pinaikot na sa lamesa ang bote.

Tumama ito kay Jimin at ang mag tatanong ay si Taehyung.

"Truth or dare?" Tanong nito.

"Dare" siya. Nag isip muna si taehyung at

"Kiss mo si Suga sa pisngi"

"Tangina pre!, Panget naman dare mo" Si Jimin.

"Kisa muna kase, cousin kiss yan" si Taehyung, at natawa naman kami sa kanya.

"Hindi, iinom na lang ako" si jimin at uminom nga ng dalawang shot.

Pinaikot naman ni Jimin ang bote at tumama ito kay Jane, at ang mag da-dare ay si Rm

"Thruth or dare?" Tanong nito

"Thruth"

"Hmm.....Sino first love mo" tanong nito, ambata naman ng tanong ni rm.

"Si ali mercadejas" walang pag aalinlangan sabi nito.

"Sino yun?" Tanong ule ni Rm.

"Isang tanong lang bhie, sumosobra kana" si Jane, natawa lang ako sa kanya.

Pinaikot na ni Jane ang bote at tumama ito Jin.

At ang mag da-dare ay si Jhope.

"Dare" sabi agad ni Jin.

"Hmm..... Shot ka tatlo" si jhope.

"Utak mo talaga!" Si jin, sabay kuha ng baso at nilagok ito.

Pinaikot na ni Jin ang bote at tumama ito sa akin. Ang mag da-dare ay si Suga.

"Dare" inunahan ko na

"Hmm.... Kiss mo sa cheecks si Taehyung" what the heck! Panget ng dare.

Gagawin ko ba? Or iinom na lang, nag dadalawang isip pa ako e.

Ewan ko bahala na, gagawin ko na lang yung dare.
Tatayo na sana ako ng ininom ni Jungkook yung shot na para sa akin.

"Iininom ko na para sa kanya, walang aangal" Si Jungkook.

"Kj, mo talaga!" Sila kay jungkook. Wala na akong nagawa at tumahimik na lang dito.

At nag umpisa na ule sa larong thruth or dare.

LIVING WITH THEMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon