Melody Twenty-Eight

116 19 13
                                    

Now Playing:
I Can't Make You Love Me covered by Teddy Swims

Now Playing:I Can't Make You Love Me covered by Teddy Swims

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Do I like him?

All of me doesn't want to say no.

I was unsure. I was... confused. I thought all of those crazy heartbeats were just because I was not used to things he usually does or anyone does.

I always thought I'm not capable of loving or wouldn't be one of those girls with their knight in shining armor. Turns out—

"I'm s—"

"Yae—"

Nagkatinginan kaming dalawa nang sabay kaming nagsalita. Nakaupo pa rin ako sa stage habang siya naman ay nakatayo at nakasandal sa stage. Halos hindi ko alam kung saan ako titingin. My face is probably red beet right now. Patuloy pa rin sa pagtibok nang mabilis ang puso ko.

I was muttering words like how I wish I had amnesia right now. Bwiset! Parang naka-mighty bond sa isipan ko ang nangyari kanina.

"Magrerehearse pa ba tayo?" tanong ko sabay napalunok kahit na alam kong isang beses pa nga lang kami nakapag-practice. Hiyang-hiya na ako at sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, gusto ko na itong tanggalin.

"Uh-yeah, sure," he replied with a shrug then scratched his nape.

Mabilis akong tumayo para kunin ang bag ko sabay bumaba na sa stage. I shot one glance at him before waving a quick wave and left him, heads down. Paulit-ulit kong tinatampal ang noo ko habang palabas ako.

Nang maisarado ang pinto ay dun pa lamang akong nakahinga nang maayos na para bang ang tagal ko na itong inipon. Tumingin ako sa pinto at wala sa sariling sumilay bigla ang isang ngiti sa labi ko.

I reached for my lips and softly caressed them. I tried to stop my lips from smiling pero 'di ko magawa. Normal bang makaramdam ng ganito?

"Tapos na practice niyo?"

Napatalon ako sa gulat nang sumulpot sa harapan ko si Analie. Her brows were furrowed as she glanced at the door too then at me—touching my lips.

Kanina pa ba siya dito?

Mabilis na binaba ko ang aking kamay at ngumiti. "Oo."

"Uuwi ka na? Sabay na tayo," aya niya tila nagtataka pero hindi na lang ako pinansin at naunang naglakad. I swallowed again and bit my lower lip before following her.

Umuwi kami ng maaga ni Analie. Nakabus lang kami dahil mamayang alas kwatro pa ang uwi ni Tito. Buong byahe, para akong tanga na nakangiti tas iiling din pagkatapos.

Anong gagawin ko?! E 'di ko mapigilan! May sariling utak nga ata 'tong labi ko at bigla na lang ngumingiti!

Kasalanan 'yun ng lalaking 'yon! Oh baka kasalanan ko rin dahil pinalapit ko siy—ah basta!

Saddest Melody (Arts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon