Now Playing:
You and Me by Descendants 2Graduation.
Dumating na ang graduation namin.
Maaga palang ay gising na kami at tapos na rin maligo para ayusan ng kilalang make-up artist ni Analie. Nang matapos ay suot na namin ang toga. Color black ang toga namin. Kulay gold naman ang velvet representing our batch, white satin in the hood for our school and gold rin sa stole na may strand and school name. Then lastly, a black cap pero mamaya na namin ito susuotin. Naunang lumabas ang make-up artist at si Analie habang nanatili ako sa loob ng kwarto kaharap ang salamin.
"You... did it, Quinn." My lips trembled while saying it. Umikot pa ako at mangha-manghang tinitigan ang sarili mula sa salamin suot ang toga. Ayokong umiyak lalo na't kakatapos lang akong make up-an kaya tumingala ako para pigilan ito. Ayaw na mang tumigil kakangiti ng labi ko. Mapupunit na ata 'to.
What? Masaya lang ako. I didn't actually expect... this to happen.
"You ready?"
Napalingon ako sa pintuan at nakita si Analie. Tulad ko ay malapad din ang ngiting nakaukit sa mga labi niya. Sobrang ganda niya sa ayos niya ngayon. I'm just so proud of her. Lalo na mamaya 'pag akyat na niya sa stage.
"Yep!"
I took one last glance at the mirror before turning around and left the room. Nakaakbay sa akin si Analie habang pababa na kami. Nasa baba na si Papa at Mama suot ang formal attires nila. Seb was looking pretty cute, too. Katatapos lang nung Recognition nila nung nakaraang araw. And guess what? First Honor.
Magkapatid nga talaga sila ni Analie.
"Picture muna kayo!"
I carefully hugged Analie and showed them a peace sign. Tumunog ang shutter sound kaya panibagong pose na naman kami. Pagkatapos ay tinawag nila si Nanay Celma na galing sa kusina para picture-an kaming lahat. Naghahanda kasi sila para mamaya.
"Say, cheese!" panimula ni Analie.
"Cheesee!"
After the shot, tiningnan kami ni Mama at Papa. Kitang-kita sa naluluhang mga mata nila na masaya sila para sa amin. They looked so proud of us. It's getting me teary-eyed too. Ayoko pang umiyak!
"Ma, 'wag niyo naman kaming paiyakin. Mamaya na. Cut na muna, okay?" natatawang sabi ni Analie sa kanila.
Tumawa rin ang dalawa sabay hinila kami para yakapin.
"We're so proud of you two..."
"Salamat... ma," bulong ko. "Salamat pa."
"Me, too." Hindi papahuling sabi ni Seb. "I'm so proud of you, ate Quinn and ate Analie!"
We took another round of picture before finally going to school. Nasa tapat na ng gate sila Kiara, Nicole at Lisa nang makarating kami. Bago pumasok ay hindi na naman nawala ang picture. Hindi ko na ata mabilang kung pag-ilang posing na namin. Kumuha rin kami ng litrato na nasa likod namin ang eskwelahan at kitang-kita ang pangalan nito.
BINABASA MO ANG
Saddest Melody (Arts Series #1)
Novela Juvenil[COMPLETED] Quinn, an orphan who then got adopted by Torres Family, had always believed she encountered the harsh reality that young. She kept her pain hidden and tried to stay awake by singing and creating songs. Then she met Yael, a VJ student and...