Melody Forty-Four

147 11 8
                                    

Now Playing:
Finally Home by Alex Roe

Now Playing:Finally Home by Alex Roe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The wind blew. Sumasabay sa bawat ihip ng hangin ang buhok ko.

Matagal-tagal na rin nung huli kong punta dito. Hindi ko na rin ata matandaan at muntik pa akong maligaw kakahanap sa kanya. The time just passed so fast... I was thankful I catched up.

The last time I was here... it was.. cold. The sun was high at that time, but it was still... cold. Funny that I couldn't remember my way here, but I remembered the cold in my skin, the silence... my tears.

Pero ngayon... habang nakatitig ako sa kanya, wala na akong nararamdaman na lamig na nanunuot sa balat ko. Masakit pa rin sa akin—masakit pa rin talaga dito pero ganyan naman 'di ba? Hindi mo talaga makakalimutan 'yung mga taong unang nag paalam sayo.

Maybe it's not pain that I feel right now. It's just longing. Tulad din ng ibang taong nawalan.

"Ma..."

Dahan-dahan akong napaluhod habang buong atensyon ay nasa lapida. Paulit-ulit kong binasa ang pangalan ni mama at iba pang nakaukit nito.

"Ma, kumusta ka na?" bulong ko atsaka marahang hinaplos ang lapida niya. Pagkatapos ay tumingin ako sa langit. "Kumusta ka na dyan sa taas?"

I positioned myself. Before lying down on the ground, I took out my phone and decided to play music. Then, I laid beside her while my hands rested on my stomach. Bahagyang lumiit ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw pero nanatili ang ngiti sa labi ko. Nagpakawala ako ng isang malaking hininga.

The music started. It was faint, but it was enough for me to hear it. I just hope it was also enough for her to hear it up there. Ito pa naman ang paborito niya na kinakanta ko dati.

"Ma, kung nandito ka ngayon... alam ko na ang sasabihin mo. Kaya uunahan na kita..."

I blinked.

"Sorry."

I played with my hands. "Sorry for making you worried up there. Sorry kung... kung sinisi ko ang sarili ko sa pagkamatay mo. Sorry dahil marami akong nasayang na panahon. Sorry dahil nakalimutan ko ang lahat ng mga aral mo sa akin."

Andami kong kailangan hingan ng sorry. Sorry kasi lagi ko nalang tinutulak ang mga taong gusto lang naman ako tulungan. 'Yung mga taong natatakot akong hayaang pasukin ang puso ko. Back then, I built a wall so high... kahit ako ay nahirapan ding pasukin ang puso ko.

Sorry dahil nabulag ako at hindi ko nakita ang halaga ko. I was always worth it. I deserved to soar high, ako lang ang hindi naniniwala na kaya ko.

"Ma... sorry dahil sinubukan kong tapusin ang buhay ko. Alam kong sobrang nasaktan ka sa ginawa ko. Hindi lang din ikaw, kundi Siya rin. Kasama mo Siya ngayon 'di ba?" tanong ko. Saktong may dumaan na ulap kaya dumilim nang ilang segundo. "Alam kong naririnig Niya ako pero... pakisabi na lang rin sa Kanya na sorry ma ha?"

Saddest Melody (Arts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon