Now Playing:
Just Say You Won't Let Go by James Arthur"Bibisitahin ko ang bahay-ampunan bukas," sabi ko kay Yael.
Malapit nang maghatinggabi. Like the old-time, we're here at the bridge while eating the same food. And to be honest, sobrang miss ko na talaga 'to.
Mismong si Yael pa ang nagpaalam kay Analie at sa iba para sa akin. May pinag-usapan pa nga sila, probably about everything that happened, and when they got back, they were already laughing and smiling.
Wala ng tensyon na bumabalot sa kanila at bumalik na ito sa dati. And I couldn't help but be happy with how things are right now.
"I want to go with you but someone hired us to play. Wedding," paliwanag niya. "Sasama ba si Analie sayo? Sila Tito?"
Umiling ako. "Ako lang mag-isa. Kaya ko naman 'e."
"I didn't say you can't."
Inikot ko ang aking mga mata sa naging tugon niya at itinuon ang atensyon sa dagat. Sayang at natatakpan ng mga ulap ang buwan ngayon. The last time we were here, it was full. Pero kahit na ganun, hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha.
Kapwa kami nakatingin habang walang nagsasalita. This time, it was not making my heart heavy.
Knowing things are finally okay is making me feel okay too. And for now, I'm setting aside my feelings.
Magtatagal pa sana kami sa bridge kaso alam kong maaga pa kaming dalawa bukas sa kanya-kanyang lakad namin kaya umuwi na kami. Nang makarating kami sa subdivision, hindi na nagtanong pa si guard at agad na binuksan ang gate.
"O Yael! Long time no see!" bati ni guard sa kanya. "Matagal-tagal ka na ring hindi hinahatid 'tong si Quinn ah?"
"Pasensya na, guard. May nangyari ba habang wala ako?"
Tumaas ang kilay ko at palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Aba! Mas malapit pa ata si guard kay Yael kesa sa akin! At ano 'tong pinag-uusapan nila?
"May naghatid sa kanya nung nakaraang araw. 'Di ko lang kilala pero sabi ni Quinn kaibigan lang niya," sagot ni guard.
I made a confused face when Yael glanced at me, wearing a straight face. Itinuro ko ang sarili ko tila naguguluhan pa rin habang inaalala naman ang taong sinasabi ni guard. Naghatid? Sino ba?
"Ah, si Alexis!" sambit ko. "Bakit?"
Umiling lang si Yael at tumango kay guard. May sinabi pa si Yael na siyang sinuklian lang ng isang tawa ni guard bago bumalik sa loob ng guard house. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil kami sa harap ng bahay.
Bumaba ako atsaka binigay sa kanya ang helmet.
"Why are you asking about Alexis?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Saddest Melody (Arts Series #1)
Teen Fiction[COMPLETED] Quinn, an orphan who then got adopted by Torres Family, had always believed she encountered the harsh reality that young. She kept her pain hidden and tried to stay awake by singing and creating songs. Then she met Yael, a VJ student and...