Melody Ten

188 26 13
                                    

Now Playing:
Araw-araw, Love by Flow G

Tumingin ako sa gilid at hindi ko na napigilan ang pag-taas ng kilay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumingin ako sa gilid at hindi ko na napigilan ang pag-taas ng kilay ko. Standing beside me... wearing a loose long sleeve and a white t-shirt tucked in his black pants was Alexis.

"Wala lang," I answered and shrugged my shoulders.

"Andaming bakanteng upuan sa loob oh!"

"Alam ko."

"Aswang ka ba?"

I had to glare at him. Anong sabi niya? Ako aswang?!

"I mean, hindi ka papasok?"

Kinamot ko ang ulo ko at umiling. Okay na ako dito. Atsaka naririnig ko pa rin naman ang pari hanggang dito ah.

"Sure k—"

"Kuya! Hinahanap ka na ni mommy! You're so bagal."

A little girl wearing a bunny headband appeared in front of us, looking at Alexis. Naka-ekis ang mga braso nito habang masamang tiningnan si Alexis. Kuya? Kapatid niya siguro 'to! Medyo magkahawig din kasi sila.

Ang cute. Ang sarap kurutin!

"Alex, wait lang. May kinakausap pa si Kuya oh! Support naman diyan," sagot ni Alexis sa kapatid niya.

Nang sabihin niya iyon, bumaling ang tingin ng bata sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong irapan. I blinked before turning to Alexis, who shook his head with disappointment on his face.

"Hindi niya ata ako gusto," bulong ko kay Alexis at natawa naman siya.

Lumapit siya sa kapatid niya at lumuhod para magpantay ang tingin nila pagkatapos ay may binulong siya nito. The girl glanced at me, and her face suddenly softened. After Alexis whispered something to her, she put her hands behind her back and swayed a little while Alexis glanced at me.

"S-Sorry ate." The little kid said, using her cute and tiny voice. Napangiti tuloy ako.

"You did nothing wrong.." I gave her a sweet smile.

Tumayo si Alexis at hinawakan ang kamay ng kapatid niya. Ang cute nilang tingnan! Mahilig pala sa bata 'tong si Alexis. Akala ko kasi sa detention lang siya mahilig.

"Quinn, I'm sorry.." tumigil muna siya at sumulyap sa kapatid niyang nakatingin din sa kanya. "Pasok na muna ako sa loob, ah? Hindi ako titigilan ng batang 'to pag di ako sasama."

Bahagyang natawa ako nang umekis ang kilay ng kapatid niya. Ang dami kong naalala sa batang 'to dati sa bahay-ampunan.

"Umalis ka na't baka irapan na naman ako ng kapatid mo," natatawa kong sagot sa kanya.

He chuckled... which made the little kid frowned even more. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa tila nagtataka tapos ay bigla na lang niya akong tinuro.

Saddest Melody (Arts Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon