Pumasok na kami sa lumang bahay pagkatapos ng sagutan namin ni Zach. Sobrang dilim na sa loob kaya nilabas na namin ang kaniya kaniyang pampa-ilaw.Tuwing aapak kami sa sahig ay tumutunong ito tanda na luma na talagaang bahay. "Sabi ng matatanda, pinatayu raw ito nong panahon pa ng mga kastila. Ito ang nagsilbing tahanan ng mga kastila. At dito raw dinadala at pinapatay ang mga taong lumalabag sa kanila." Basag ni Joshua sa katahimikan.
"Ang astig! Ngayon lang ako nakapasok dito." nae-excite na hiyaw ni Allen na tumitingala pa para siguro silipin ang nasa ikalawang palapag ng bahay.
"Malamang pinagbabawal kaya ang pumasok sa lumang bahay na to baka kasi daw biglang gumuho. At pagmamay-ari na rin to ng bangko." sabad naman ng kapatid niyang si Alvin.
"Mabuti pa maghiwa-hiwalay tayo para mas malibot natin tong buong bahay." suhesyon ng bida-bidang si Zach.
Tumingin siya sa akin saka ngumisi na parang nang-uuyam. Di ko nalang siya pinansin at humakbang na patungo sa ikalawang palapag.
Di ko na pinansin ang iba kung saan sila nagtungo. Napansin ko rin na sumunod pala sa akin si Harrym.
"Ayos ka lang ba, France?" nag-aalalang tanong niya sa akin. Tumango naman ako at pilit na ngumiti.
Binuksan ko ang unang kuwarto na nadaanan namin. Pumasok kami doon at nilibot ang kabuuan ng kuwartong yun.
Ng wala kaming mapansing kakaiba don ay lumabas na kami. At binuksan ang natitira pang mga kuwarto.

BINABASA MO ANG
The Phone Call
Mystery / ThrillerSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...