Chapter 9

0 0 0
                                        


Si Harrym ang nakahanap pero si Alvin ang kumuha ng telepono. Agad niya itong sinagot. "H-hello?" kinakabahang utal niya.

Di namin marinig ang sinasabi sa kabilang linya pero kita namin ang pagtatakha sa mukha ni Alvin. Napalitan ng gulat. At takot.

Di ko maiwasang magtanong ng ibaba na nito ang telepono. "Sino yun? Anong sinabi? Bat parang natakot ka?"

Di siya kumibo at nandon parin sa pagmumukha niya ang takot. Siguro dahil sa sinabi ng nasa kabilang linya.

"Huy! Ano ba!? Sumagot ka nga! Anong sabi ng tumawag?" si Alex

Iginiya naman nila Allen at Harrym si Alvin papunta sa silya. Di parin ito kumikibo habang ginigiya siya patungo doon.

Pinulot ko naman ang telepono at tinapat sa tenga ko. Nanlaki ang mata ko ng may malalim na boses na nagsalita sa kabilang linya. "Mamamatay kayo!" Tumawa pa ito pagkatapos niya iyong sabihin.

Gulat ko namang naitapon ang telepono dahilan para masira ito.

Akala ko pinatay na ang tawag pero bakit may nagsalita parin nung tinapat ko na sa tenga ko? Is this some kind of a joke? At kung joke man ito ay hindi nakakatuwa!

Paniguradong may tao pa rito maliban sa amin at pinaglalaruan kami ng mga kaibigan ko. At sigurado akong yun din ang dahilan sa pagkamatay ni Cloud sa silid na ito.

"France, anong nangyari? Bakit mo sinira?" napatingin naman ako sa nagtanong na walang iba kundi si Harrym.

Napansin ko namang nagtatakang nakatingin sakin sina Joshua, Allen, Alex, at si Zach na may nakakalokong ngiti. Si Alvin naman ay tulala parin na naka upo sa silya.

Nakatingin parin ako kay Harrym ng sumagot. "Mamamatay daw tayong lahat."

The Phone Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon