Chapter 5

0 0 0
                                    


"Anong nangyari?" literal na nagulat kami ng may biglang nagtanong sa may likuran namin. Si Allen naman ay napatalon. Ang iba naman ay napatingin sa may gawi namin na gulat rin.

"WAAHH!!" sigaw ni Allen na sinundan naman ng tawa ni Alvin.

"HHAHAHAHA! Grabi ka 'tol! Napaka-magugulatin mo HAAHAH talaga di ka parin HAAHA nagbabago! HAHAH!" tawa ng tawa si Alvin habang sinasabi yan kaya putol putol ang salita.

Pero imbis na magalit sa ginawa ni Alvin ay biglang niyakap ni Allen ang kapatid. Nagulat naman si Alvin at naguguluhang tumingin sa amin.

"Akala ko ano na ang nangyari sayu! Saan ka ba nagpupupunta! Ha!? Pinag-alala mo ako!" nag-aalalang sabi ni Allen sa kapatid.

Medyo natawa naman si Alvin sa inakto nito. "Wag mo nga akong pagtawanan! Sagutin mo nalang kasi!"

Sumagot naman ito na medyo natatawa parin. "Sa ikalawang palapag ako. Medyo naka-idlip sa isa sa mga kuwarto don." nagtakha naman ako sa sinagot niya. Tumingin rin ako kay Harrym na nanghihinalang nakatingin kay Alvin.

Lahat ng kuwarto na naroon sa ikalawang palapag maliban sa isa na nasa sulok ay nabuksan na namin. At imposible namang dumaan siya don sa hallway na di namin napapansin. Isa lang ang sigurado ako, may di siya sinasabi sa amin.

The Phone Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon