FRANCENakikinig lang kami habang nagku-kuwento si Alex. At di rin mawala ang tanong sa isip ko tungkol sa mga nangyayari.
"Sabi mo sa likod bahay nagtungo si Alvin, pero bakit sabi niya nasa second floor siya?" takhang tanong ni Joshua na kanina pa nananahimik.
Nabaling naman ulit ang mga mata namin kay Alvin. At nakita ko ang pagkataranta sa mukha niya pero agad din namang nawala.
"Wala rin naman akong nakitang maka agaw pansin don sa labas kaya bumalik nalang ako dito sa loob at tumungo sa second floor. Malamok rin kasi don sa labas." pagpapaliwanag niya.
Mukhang naniwala naman ang mga kasama ko pero ako hindi. May tinatago siya. Pero ano yun?
Lumapit ako sa bakanteng silya na naroon saka umupo. Sinara naman ni Allen ang pinto ng kuwarto saka tumabi sa kapatid niya. Ang iba naman ay nagsi-upo na sa sahig.
"Anong gagawin natin jan sa bangkay ni Cloud? Ire-report ba natin yan sa mga pulis? Pero baka tayo naman ang mapahamak. Tayo ang sisihin nila sa nangyari jan. Tayo lang naman ang nandito." basag ni Zach sa katahimikan.
Natuon ang pansin ko sa huling lintaya ni Zach. Kami lang ba talaga ang tao na narito sa lumang bahay na ito? O may iba pa maliban sa amin?
Naputol ang kung ano pa man na nasa isipan ko ng may biglang tumunog na telepono. Nagkatinginan naman kaming lahat at kinakabahang hinanap ang teleponong tumunog.
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Mystery / ThrillerSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...