FRANCE's POV"Dre, paki-abot nga non sakin." saad ni Harrym sa akin. Agad ko namang kinuha ang pinapa-abot niya sakin saka binigay sa kaniya. "Salamat" Ngumiti lang ako bilang tugon.
"Saka nga pala, anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanila. Nandito kasi kami sa isang lumang bahay dito sa lugar namin. At alas diyes na ng gabi pero tinawagan kami ni Joshua na magkita-kita daw kami dito.
Naka-upo ako sa isang medyo malaking bato at tumitingin sa lumang bahay na mukhang isang perma nalang ng langaw ay masisira na talaga ng tuluyan.
"Mamaya ko na sasabihin kapag dumating na yung iba." Sagot ni Joshua na kumakain ng chichirya. Nanahimik nalang ako at pinagpatuloy ang pagtingin sa lumang bahay.
Di rin naman tumagal ay dumating na ang iba. Nauna ang mag kapatid na sina Allen at Alvin. Sumunod naman si Zach. At ang huling dumating ay si Alex.
"Ayan kompleto na, sabihin mo na kung bakit mo kami pinapunta dito. Gabi na baka hinahanap na tayo sa mga bahay natin." Saad ko
"Ito naman ang KJ. Kararating lang namin tas uuwi agad? Wag kang mag-alala siguro tulog na yung mga magulang natin." Sabi ni Alex na katabi si Allen na nakasandal sa isang sirang sasakyan.
"Sige na nga, sasabihin ko na kung bakit ko kayo pinapunta rito." Nanahimik naman kami at nakinig sa kaniya. "Diba nga sabi ng mga matatanda may kababalaghan raw na nangyayari jan sa lumang bahay na yan tuwing alas onse hanggang alas dose ng gabi. At gusto ko sana na malaman kung totoo nga ba talaga yun o sadyang gawa-gawa lang ng mga matatanda para takotin ang mga kabataan." Imporma niya sa amin.
Tumingin naman ulit ako sa gusali na nasa harapan namin. Sa totoo lang, ngayon ko lang narinig yang kuwento na iyan kaya iwan ko kung totoo ba yun o hindi at wala akong paki don.
"Oh tapos? Isasama mo kami jan sa Oh-so-called-adventure mo? Wag na uy! Mas mabuti pang umuwi nalang." Tumayo na ako at akmang aalis na ng marinig ko ang sinabi ng isa sa mga kaibigan ko. "Siguro ayaw mo kasi natatakot ka! Duwag!" Lumingon naman ako sa kaniya.
"Anong sabi mo!? Ako? Duwag!? Baka ikaw!! Buwesit to!" Napipikon kong singhal kay Zach.
"Tumigil nga kayu! Magkakaibigan tayo dito kaya wag kayong mag-aaway!" Sigaw ni Harrym sa amin. "At France kung ayaw mo talagang sumama pwede ka ng umuwi, di ka naman namin pinipilit, eh" baling niya sa akin.
"No, sasama at papatunayan ko sa dimuhung to na di ako duwag." Nanlilisik ang matang tumingin ako kay Zach.
"Sige ikaw bahala."
***
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Mistério / SuspenseSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...