"So, bakit nga kayo nandito?" tanong ni Alvin sa amin na nakatayu parin sa may pinto at mukhang di parin niya napapansin ang bangkay na nakahilata sa sahig.Tinuro naman ni Alex ang bangkay. "Dahil diyan kaya kami nandito."
Tumingin naman si Alvin don sa tinuro ni Alex. Pinagmasdan ko ang bawat galaw at mga reaction niya sa mga nangyayari. Pero tulad namin ng una ay nagulat rin ito sa nakitang bangkay.
Sa aming pito na nandito sa loob ng kuwarto na ito ay si Zach lang ang parang walang pakialam sa nangyayari sa amin. Kaya di ko maiwasan na paghinalaan rin siya.
"Ano yan!? Patay? Sino ang pumatay diyan? Sino yan?" sunod sunod na tanong ni Alvin. "Parang pamilyar yung suot niya ah. Parang nakita ko na yan." dagdag niya pa.
"Si Cloud. Yung Valedictorian natin nong elementary pa tayu." kaya pala pamilyar rin sa akin. Kapit bahay namin siya at minsan na rin kaming naging mag kaibigan pero nagbago siya.
"Bakit patay na yan? Anong nangyari? Kayo ba ang pumatay jan?" si Allen na di parin maipinta ang mukha dahil sa takot.
Nagtatanong na tumingin naman kaming lahat kay Alex. Siya kasi ang unang nakakita sa bangkay.
"Anong nangyari, Alex?" napatingin ako kay Harrym ng nagtanong siya.
Nagtataka naman silang tumingin sa akin. Kumunot ang noo ko at tinanong sila. "Bakit?" nag-iwas naman agad sila ng tingin.
Si Zach naman ay umiiling na nag-iwas rin ng tingin. "So, ano na? Anong nangyari, Alex? Ikaw yung nauna dito diba? Kuwento mo yung nangyari." tanong ko ulit kay Alex.
"Kanina nong naghiwa-hiwalay tayung lahat." isa isa niya kaming tinitigan.
![](https://img.wattpad.com/cover/237577123-288-k804441.jpg)
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Misterio / SuspensoSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...