"AAAAHHHH!!""ALLEN!!"
Sabay na sigaw namin ni Alvin sa bumulagtang katawan ni Allen. Nakadapa siya sa sahig at nakatingin sa direksiyon namin.
Agad kaming lumapit sa katawan niya. Pinatihaya namin siya. Pinatong naman ni Alvin ang ulo ni Allen sa hita niya.
Dilat at nanlalaki ang mga mata niya. Siguro nagulat rin ito sa nangyari bago ito bumagsak sa sahig. At sigurado rin akong nakita niya ang salarin. Pero sino? Anong kailangan niya sa amin?
"Allen? Allen! Gumising ka! Huy tol!" tinatapik-tapik niya ang pisngi ng kapatid. At napasinghap siya ng makitang may lumalabas sa bibig nito patungo sa pisngi na dugo.
Don ko lang rin nasuri ang buo niyang katawan. Hinanap ang dahilan ng nangyari sa kaniya.
Napatingin naman ako sa may dibdib niya. Nanlaki ang mga mata ko. May punyal. May punyal na nakabaon sa dibdib ni Allen. Baon na baon, siguro dahil yun sa padapang pagbagsak niya sa sahig.
May lumalabas rin doong pulang likido. Mga dugo. "M-may p-punyal sa dibdib niya Alvin." nanginginig na itinuro ko ang dibdib niya Allen. Napatingin naman siya don. Di makapaniwala.
Tumingin siya sa akin. May luhang tumulo sa mga mata niya. Ngayun ko lang siya nakitang emosyonal simula nung maging mag kaibigan kami.
Nilibot niya rin ang tingin niya sa buong kuwarto. At tumigil lang iyon ng makita rin nito ang isa pang katawan, ang katawan ni Joshua. "Hindi. Hindi sila pwedeng mamatay. Ligtas tayong pumasok dito dapat ligtas rin tayong makalabas!" usal niya.
"Halika na. Kailangan na nating maka alis sa bahay na 'to! Kung sino man ang narito siguradong uubusin niya tayo." tumayo na ako. Hinila ko na rin siya patayo pero nagpumiglas siya. "Ayuko! Ayukong iwan ang kapatid ko dito! Dito lang ako!"
"Narinig mo naman diba ang sinabi nung tumawag kanina! Mamamatay tayo! Kaya halika na! Tumawag tayo sa mga pulis kapag nakalabas tayu rito! Alam ko na gusto mo ng hustisya sa nangyari sa kapatid mo, pero, p-pero pano mo makakamtan yun kung pati ikaw, tayu, ay di na makalabas ng ligtas dito!? Kaya tumayo ka na riyan! Hanapin natin sila Zach!" hinila ko siya ulit at salamat sa Diyos ay nagpahila na siya sa akin.
Giniya ko na siya palabas. Pero bago kami tuluyang makalabas sa kuwartong iyon ay may nakita akong pamilyar na bulto ng isang tao. Nakatalikod siya sa amin.
Pinasingkit ko ang mga mata ko para mas lalo kong maaninag kung sino man yun.
Nanlaki ang mata ko. Di pwedeng maging siya. Kahit nakatalikod ay kilalang kilala ko kung sino yun. Pero bakit siya pa?
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Mistero / ThrillerSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...