Akmang bubuksan ko na ang pinaka huling pinto dito sa ikalawang palapag ng may marinig kaming sigaw na nang-gagaling sa ibaba.Agad kaming tumakbo Harrym pababa at hinanap kung sino ang sumigaw. Nakita naman agad namin si Alex na nakaupo sa labas ng isang kuwarto na bahagyang nakabukas. "Anong nangyari?" hinihingal na tanong ni Harrym kay Alex na nakaupo sa sahig at parang nakakita ng multo.
Dumating rin naman agad si Joshua na tulad namin ay mukhang tumakbo rin papunta rito dahil hinihingal rin siya.
Sumunod naman ang bida-bidang si Zach saka si Allen. At kapwa hinihingal rin.
"M-may p-pat.. t-tay.. M-may p—atay!" may tinuro naman siya sa may madilim na parte na kwartong yun.
Sa una di ko talaga maaninag kung ano yung tinuturo niya pero kalaunan ay nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano yun.
Isang bangkay na nakatiwakal sa gitna ng kuwartong yun. "Ano yun? Di ko makita! Pasilip!" naguguluhang sabi ni Allen. Umatras naman ako para hayaan siyang sumilip sa loob ng kuwarto.
"Patay! May patay!" natatarantang sigaw ni Allen. Nakita na siguro kung ano yung nasa loob. Nakita ko namang nanlaki ang mata ni Zach.
"Kaninong bangkay yun? Nakita niyo ba ang mukha?" kinakabahan si Joshua ng tinanong yun.
Di ako makakibo dala na rin siguro sa takot at kaba. Nanginginig pa ang aking mga kamay at nanlalamig.
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Mistero / ThrillerSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...