Di makapaniwalang tumingin sila sa gawi ko. At isang malakas na tawa ang sumunod pagkatapos kong bitawan ang mga salitang yun."HAHAHAHAHA! Nagpapatawa ka ba? O epekto na naman ito ng sakit mo, ha!? Umayos ka nga!" si Zach na naman pala. Ang kaibigan kong parang ayaw sa akin.
"Di ako nagbibiro! Yun ang sinabi nong nasa kabilang linya! Mamamatay daw tayong lahat! Mamamatay tayo!" sigaw ko sa kaniya. Di ko maiwasang magalit sa kaniya. Ano ba ang kinalaman ng sakit ko sa nangyayari sa amin! Wala naman ah!
"Wow! Sigurado ka ba ha!? Sa pagkakaalam ko pinatay na ni Alex yung tawag kaya pano mo nasabing may nagsalita pa jan sa telepono!? Nababaliw ka na!" sigaw niya ulit sa akin.
Sasabat na sana ulit ako ng biglang nagsalita si Alvin na kanina ay tulala. "Totoo ang sinasabi niya, Zach. Mamamatay daw tayong lahat. Kaya kailangan na nating umalis sa bahay na 'to!"
"Pati ba naman ikaw!? Nababaliw ka na rin ba!? Huy gumising nga kayo! Wala namang ibang nandito sa bahay na ito maliban sa ating pito! Pati na rin yang bangkay na yan! So tell me! Sino naman ang papatay sa atin!?" di parin si Zach tumitigil sa pag sigaw.
At mukhang ayaw niya nga talagang maniwala sa amin ni Alvin lalo na sa akin. "Ang mas mabuti pa at umalis nalang tayo sa bahay na ito. Ako ang nagdala sa inyo dito at ako rin ang maglalabas sa atin dito ng ligtas! Wag na kayong magaway. Halina kayo!"
Nauna ng lumabas si Joshua sumunod naman ang magkapatid, at si Zach na masama pa rin ang tingin sa akin. At sabay naman kaming lumabas sa kuwartong yon nina Harrym at Alex.
Iniwan namin ang bangkay sa loob at siguro tatawag nalang kami ng pulis kapag nakalabas na kami dito sa bahay.
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Mystery / ThrillerSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...