Chapter 12

0 0 0
                                    


Lumipas ang ilang minuto bago ko nahanap ang magkapatid na naghahanap parin ng malalabasan namin. Hinihingal akong lumapit sa kanila.

"Oh, anong nangyari? May nahanap ka na bang labasan? Bakit ka hiningal?" sunod sunod na tanong Allen ng mapansin niya ako. Tumingin lang naman sa akin si Alvin na nagtatakha rin.

Napaupo ako sa sahig at hinabol ang aking hininga bago ko siya sagutin. "S-si.. Si J-josh.. u-ua! Pa.. P-pa... t-tay n-na!" sapo ko ang dibdib at hinihingal parin. Tumingala ako sa kanila at nakita ko ang gulat, pangamba, at takot sa mga mata nila.

"Hindi. Hindi pwede! Sabi niya ilalabas pa niya tayo rito! Bakit siya namatay! Saan! Nasaan siya!?" di makapaniwalang usal ni Allen. Gayun din naman si Alvin na di makapaniwala sa nalaman pero nanatili lang itong nakatayo at nakamasid sa amin.

"Pero yun ang totoo! Nakita ko siya! Nakita ko ang katawan niya. Puno ng sarili niyang dugo! Lalo na yong mukha niya, puno rin ng saksak na gawa sa matulis na bagay!" napasuntok siya sa malamig na pader dahil sa sinabi ko.

"URRGHH!!"

Si Alvin naman ay pabagsak na naupo sa sahig habang nakatingin sa kawalan.

"Dalhin mo kami don. Dalhin mo kami kung saan mo siya nakita. Dalian natin." medjo kalmadong saad niya pero ramdam ko ang takot niya sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Tumayo na ako. Nauna akong naglakad sa kanila. Lakad takbo kami patungo roon. Nakarating agad kami roon ng wala sa oras.

Madilim ang kuwarto pero kanina, sigurado akong maliwanag yun. May pumatay ba sa ilaw? Sino? "Buksan niyo ang ilaw!" gumalaw ako para sana tumungo sa switch ng ilaw ng bigla nalang lumiwanag kasabay ng pagbagsak ng katawan ni Allen na siya ring nagbukas ng ilaw!

"AAAAHHHH!!"

"ALLEN!!"

The Phone Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon