"Bakit nakasara ang mga pinto!?" yun agad ang narinig ko ng makarating kami sa may pinto na pinasukan namin kanina."Bakit? Ano na namang nangyari?" tanong ni Alex kay Allen na nakatayo katabi ang kapatid niya. Umupo muna ito bago sinagot ang tanong ni Alex sa kaniya.
"Nakalock na ang pinto ng subukan namin itong buksan kanina. Tapos ayon nagwala na naman si Zach. Yan talagang lalaking yan. Napakamainitin ng ulo!"
"Eh, nasan naman si Joshua? Saan nagpunta?" tanong ko naman sa kaniya. Tumingala muna siya sa akin kasi nakatayu parin ako saka sumagot. "Naghanap ng iba pang pwede nating labasan."
"Kung ganun, tumayo na rin kayo jan at maghanap rin tayo ng malalabasan." sabi ko at naghiwa-hiwalay na naman kami. Pumasok naman ako sa isang pinto na naroon. Nilibot ko ang buong kuwarto at binuksan ang lahat ng pintong naroon.
Nang wala akong mahanap na pwede naming labasan ay lumabas na ako don sa kwartong yun. Pumasok ako sa katabing kuwarto. Nakita ko naman si Joshua na nakatalikod sa akin. Lumapit ako sa kaniya. Pinaharap ko siya sa akin.
Pero laking gulat ko ng makita ang mukha niya. Puro dugo. May butas na pahaba. Parang sanhi iyon ng pagsaksak sa kaniya ng isang matulis na bagay.
Nanlaki ang mga mata ko. Di ko alam kung ano ang gagawin.
Ilang segundo pa ang lumipas bago tuluyang natumba ang katawan ni Joshua sa sahig. Napasinghap naman ako at bahagyang napaatras.
Di parin ako makapaniwala sa nangyari habang nakatingin sa bangkay ng kaibigan namin na nakaratay sa sahig.
Tumakbo naman ako palabas ng kuwartong iyon para sabihin sa iba ang nangyari kay Joshua.
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Mistério / SuspenseSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...