Chapter 4

0 0 0
                                    


"Halikayu! Pasukin natin baka buhay pa yan!" sumunod naman kami kay Zach kahit na kinakabahan. "Buksan niyo ang ilaw! May nakita akong generator sa basement at gumagana pa yun! Puntahan niyo! Bilis!"

Agad naman naming hinanap ni Allen ang basement. Na sa awa ng diyos ay nahanap namin kaagad. Natagalan kami sa pagpapagana niyon kasi luma na.

Pagkalipas ng ilang minuto ay gumana na ito at bumalik na kami kina Joshua para tingnan kung ano na ang nangyari.

Habang pabalik na kami sa kuwartong yung ng magtanong sakin si Allen. "Napansin mo ba si Alvin? Di ko siya nakita kanina ng sumigaw si Alex." nag-aalalang tanong niya.

Umiling naman ako. "Hindi eh. Napansin ko rin yan kanina. Wala siya." Nagpatuloy naman kami sa paglakad takbo pabalik sa kanila.

Napahinto naman ako ng may katanongang nabuo sa isip ko. "Saan ba siya nagtungo kanina nung naghiwa-hiwalay tayupara libutin ang ang buong bahay?"

Saglit na nag-isip si Allen at nanlalaki ang matang tumingin siya sa akin. "Shit! Doon siya tumungo sa kuwartong yun!" agad naman siyang tumakbo ng mabilis. Ako naman ay tumakbo narin at humabol sa kaniya.

Pagdating namin don ay maliwanag na sa kuwarto. Nakatayu sa may switch ng ilaw si Joshua. Si Alex naka-upo sa sofa na naron sa kuwarto.

Si Harrym at Zach naman ay naka-upo sa tabi ng isang bangkay.

Natuon ang pansin ko don sa bangkay na pamilyar ang suot na mga damit. Tumingin naman ako kay Allen na malalaki parin ang mga mata.

The Phone Call Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon