"Kanina nong naghiwa-hiwalay tayung lahat." isa isa niya kaming tinitigan. "Patungo sana ako sa likod bahay pero tinawag ako ni Alvin.—————
Patungo sana si Alex sa pinto na palabas para tumungo sa likod bahay ng bigla siyang tinawag ni Alvin.
Nagtataka naman siyang tumingin dito. Para kasi itong balisa, may takot na nakita si Alex sa mga mata ni Alvin pero binaliwala niya iyon kasi paniguradong takot lang ito sa bahay na pinapasok nila ngayun.
Mashado rin kasing madilim ang kabahayan at maging siya siya natatakot rin.
"Oh, bakit 'tol? May kailangan ka ba?" tanong niya rito ng makalapit ito sa kaniya.
"Ah wala naman." saglit itong natahimik pero nagsalita naman kaagad. "Ahm 'tol, pwede bang ako nalang sa labas tumingin-tingin at ikaw nalang don?" turo nito sa isang hallway na madilim.
Napapantastikuhan namang tumingin sa kaniya si Alex. "Natatakot ka no? Uyy takot siya. HAHAAH!" pang-aasar niya pa.
"Pumayag ka na kasi! Di ako nakikipagbiruan sayu!" nawala na ang takot sa mata ni Alvin pero napalitan naman iyon ng iritasyon kaya pumayag nalang siya.
"Oo na! Sige na don ka na sa labas!"
Nilampasan naman siya ni Alvin at nag tungo na nga ito palabas ng bahay. Siya naman ay pumunta na sa tinuro kanina ni Alvin na hallway.
Habang naglalakad siya di pa rin niya maiwasang magtaka sa inakto kanina ni Alvin. Pero binaliwala nalang niya ito at nagpatuloy sa pag bukas sa mga pintong naroon.
Pero laking gulat niya ng buksan niya ang pinakahuling pinto doon. Bigla nalang kasing may nahulog galing sa taas na nakatiwakal na tao.
Di niya maiwasang sumigaw sa takot at gulat.
BINABASA MO ANG
The Phone Call
Mistério / SuspenseSamahang matibay. Samahang di mapapantayan. Samahang pinapahalagahan. Pero ang kanilang samahan ay nagkaroon ng hangganan. Ang kanilang samahan ay mabubuwag dahil sa sa kuryusidad. Samahang mabubuwag dahil sa alitan. Samahang mabubuwag dahil sa kani...