Kabanata 1 Karimlan

133 0 1
                                    


Papalubog na ang araw. Maghapon na naman lumilipad ang isip ko at nakisabay na din na pumailanlang sa mga paniki sa himpapawid upang makadagit ng bibihaging makakain. Tulad ng batas ng kalikasan na lahat ay may siklo ng paggalaw, ang mga hayop at lahat ng nabubuhay ay may sistema kung paano manlapa ng kanyang biktima na para bang mababangis na hayop sa gubat gayundin siguro ang mga tao sa lungsod na nahahati sa elitista at masa o kapitalista at manggawa, mabuting mamamayan o mga halang ang bituka. Ang lungsod ay gubat din; hindi ng mga nagtatayugang mga punong-kahoy ang mga matatanaw ngunit ang mga gusali ng panginoon ng lupa. Sa lungsod matatagpuan ang pinakamabangis na hayop; marahil hindi man sa sistemang piyudal na panginoong maylupa, ang mga kapitalista na ayon kay Karl Marx ang nagdidikta ng sistema ng produksyon at ekonomiya. Marahil sa simpleng diwa ng mga paniki, hindi nila alintana ang kakulangan ng pagkain base sa sistema ng kanilang populasyon, subalit sa aming mga tao na nabibilang sa maralita ng lungsod, at ang sector na kalimitang hindi pansin ng pamahalaan ay laging alalahanin ang ilalaman sa kumakalam na sikmura. Sabi nila ang mga desisyon at mga pinagpipilian nating landas ang huhubog ng kinabukasan. Yun ang pinakamalaking "sana" sa buhay ko.

Nakaupo ako sa harapan ng tarangkahan at hitit buga ng yosi. Minamadali ko ang gabi at sa pagmamadali ko sa pagyosi, alam kong di maglalaon ay yayakapin ko na ang dilim habangbuhay, sa pag asang baka matagpuan ko din ang kapayapaan. Kadiliman ang karaniwang bumabalot sa mga taong parang ang kukundap-kundap na pag-asa ay nawawala pa. Kung maaari sa eksistensya ng tao, ang dapat na bumabalot sa kanya ay liwanag. Ayokong yakapin ang kadiliman habang buhay. Maganda ang pangarap ko sa aking anak at asawa, subalit mahirap ipaliwanag kung ano ang matinding impluwensya ng katayuan at ang mga pangitaing hindi maganda sa kinabukasan.

Manakanaka ay sumasalimbay sa akin ang malakas na tugtog sa kapitbahay na parang nang aasar, " Oh ang tao pag walang pera ay napapraning." Naulinigan ko din ang "nakatambay sa may kanto, at nag iisip ng kung anu ano".

Oh! Ang tao kapag walang pera'y naprapraning

Di alam ang gagawin

Tatawag sya sa Diyos

Samba dito? Samba doon? Oh Dios ko!

Tulungan N'yo po ako... Oh oh oh

Pero pag nandyan na marami ng pera

Wala ng Diyos, pa'no nalunod na...

Sa diyos-diyosang pera

Pera na'ng sinasamba

Pera na... Pera na diba...

Bakit ang pera may mukha

Bakit ang mukha walang pera

O ang pera nga naman

O ang pera nga naman

O ang tao nga naman'y... Mukhang pera

Nakatambay sa may kanto,

Nagiisip ng kung anu-ano

At ang nagdaang, mga araw

Ay aking binabalik tanaw

Parang kulang ang umaga

Nasaan kaya ang barkada

Okay sana kung may pera

Upang ako ay nakasama"

Sa kantang ito parang maliwanang na nailalarawan ang buhay ng mga tao, tumatawag sa Diyos sa matinding pangangailangan at sa oras naman ng kaluwagan ay isinasantabi nman ang Diyos na patuloy na naghahanap sa kanyang mga nawawalang kawan. Kung ako ang tatanungin, hindi na isyung moral, kung moral man ang paniniwala sa Diyos. Marahil dahil sa mapait na karanasan ko sa buhay ay sarado na rin ang isip ko kung ano pa ba ang tama at mali sa pananaw ng taong may dignidad na inaalagan at may maayos na buhay.

Tanglaw sa KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon