Kabanata 2 Ang Buhay ay Tubig

52 2 1
                                    


Naalala ko ang paborito kong turo ng aking propesor sa pilosopiya. Ang buhay ay parang tubig. Patuloy na umaagos ito ayon sa malaya niyang kapangyarihan. Ang tao bilng may kalayaan ng pagpapasya ay inihuhugis niya ito ayon sa kapangyarihan ng kanyang kamay. Kung papaanong ang tubig ay inilagay sa isang bote, gayun na lamang ang kapalaran ng tao ayon sa kanyang perspektibo sa buhay at pagpapasya.

Sa totoo lang medyo pakiramdam kong estranghero pa din ako sa grupo. Kung tutuusin ako ang inaasahan talaga nila, pero ayokong naman isipin din na nakikisama ko sa kanila dahil sa mapapala ko. sa likod kasi ng isipan ko iba yung nakikita sa sarili ko. Wala namang problema sa pakikisama, sanay naman akong makibagay kung mababaw ba ang tao o mahirap din. Kung tingin ba ng iba ay batik ng lipunan, naniniwala kasi ako na may natitira pa ding kabutihan ang tao sa kailaliman ng kanyang pagkatao. Sabi nga ni Plato ang komposisyon ng tao ay binubuo ng ulo, dibdib at puson. Tulad ng lipunan ang mga taong nangingibabaw ang katangiang nangagaling sa ulo, sila ang may hawak ng karunungan, nababagay sila upang maging pilosopong-hari na nagtataglay ng karunungan. Ang mga taong pinangingibabawan nman ng katangiang nangagaling sa dibdib, sila ang may pagpapasyang ganap, may pag ibig sa kapwa at nagtataglay ng tapang. Subalit ang mga tao nman na pinangingibabawan ng katangian nanggagaling sa puson, sila ang nagtataglay ng makamundong pagnanasa, gutom, nasa ng laman, at makamundong kaligayahan. Para maging moral ang tao dapat lamang na nagtataglay siya ng dunong sa pamamagitan ng edukasyon. Ang perpektong lipunan o "utopia" ay binubuo ng marunong at may magandang katangiang hari, makatarungan at patas. Ang auxillary naman ay dapat nagtataglay ng tapang upang maisakatuparang ganap ang interes ng bayan, ang mga sundalo, ahensya at burukrasya ng pamahalaan. Ang pinakahuling sa nabanggit ay ang mga manggagawa, dahil ang alalahanin lamang nila ay nakasalig sa kung ano pangangailangan nila sa araw araw. Sila ang bumubuo ng pinakamababang antas ng lipunan. Sa ganitong paraan ang istruktura ng perpektong lipunan ay nagiging matatag. Sa lipunang ating ginagalawan, maaaring magbago ang antas sa pamamagitan ng edukasyon, sapagkat ayon kay Plato, ang sakit ng lipunan ay nanggagaling sa kamangmangan, ang gamot sa kamangmangan ay edukasyon. Ito ang ilaw at tanglaw ng lipunan. Hindi masisisi ang barkada kung mababaw ba sila. Alam ko na kailangan ng barkada ng tanglaw, pero hindi ko masabi na ako yun, lalo na nilamon na ako ng sistema.

Sa pag uwi ko, sinalubong ako ni Phoebe Illuminada, ang nag iisa kong anak na babae. Ang dalawang taon na anak ko ay laging may nakahandang ngiti. Sa kadilimang bumabalot sa akin, siya ang maliit na butas ng kisame ng bahay. Sa kanya ko nasisilip ang pakundap kundap na liwanag ng mga bituin sa kadiliman ng gabi, ang anghel ng aking buhay. Pinatugtog ko ang Masaya ni Bamboo.

Ako'y malungkot nanaman

Amoy chico na ako

Ilang tagay na hindi pa rin tulog

Tanong ko lang sa langit

Kung bakit pumangit, ang dating masaya

ngayo'y panay problemang

bumabalot sa buto

Bakit ganito

Ang pag-ibig

Ganyan talaga

Pagbago pa ang pag-ibig

Ganyan talaga

MasayaPagkagising ko

Nakita ko si Juan

Na syang adik sa aming lugar parang droga daw ang bisa

Na ginagamit niya kanina

Sa una lang daw

Masarap

Tanglaw sa KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon