Kabanata 4 Ang Kawan

37 1 4
                                    



Maaga akong nakatambay sa loob ng sala at sinisimsim ko yung kape na tinimpla ko habang nagbabasa ako ng dyaryo . Nakalagay sa headline ang House convened for Cha-cha. Nasa balita din ang patuloy na bangayan ng Abu Sayyaf at ng Militar. Ang tumitinding tension ng Islamic Extremist sa Middle East at ng Security Forces ng UN. Sa mga local na balita, ang walang kamatayang problema sa droga, sa patayan at holdapan.

Ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa kasalukuyang sistema nito ay tinatalakay sa kongreso. Nakasalig nga ba sa sistemang pamahalaan ang ikauunlad ng bayan o sa mga magiging lider nito? Sa kasaysayan ng bawat pamahalaan makikita natin ang paglago ng bawat bansa na may maliit lamang na kinalaman ang sistema. Nasa lider ang buhay ng bawat bansa. Kahit nga sa Divine Right Theory na nagkaroon ng absolutong kapangyarihan ang hari, dahil sila ang direktang kumakatawan sa Diyos at dahilan din ang nagpapabagsak mismo sa kanila ay ang kanilang pagkalasing sa kapangyarihan. Ilang libong taon na mula kina Hamurrabi hanggang sa mga Caesar ng Roma at mga Khan ng Mongolia, ang mata nilang tila nagiging balon ng pagnanasa sa kapangyarihan at yaman na sumakop at nagtatag ng napakalwak na imperyo ay pawang nagiging alikabok na lang ng kasaysayan. Maaari nakakatak sa kasaysayan ang iyong katanyagan at kontribusyon sa sibilisayon mula sa pag-imbento nila ng alphabet, pagtatayo ng naglalakihang gusali, ng pyramid, ng Great Wall, ng batas, ng relihiyon at ng gamit pandigma, ang lahat ay tila alabok ng alaala. Maaari silang maging immortal sa isipan subalit ang nagbuwis ng mga buhay, ang milyon-milyong alipin, sundalo, mason at mga mangagawa ay tila butil lang ng mustasa at hindi karaniwang kasama sa kontribuson sa sibilisayon.

Nagmuni muni na naman ako. Iniisip ko ano nga kaya kung mapapalitan ang sistema ng ating pamahalaan? Eto yung sinasabi sa akin madalas ng tiyahin ko dati na huwag pinoproblema ang ang problema ng mundo. Ewan ko parang minsan nakakatuwaan ko na mag analisa ng mga nangyayari sa isyu ng lipunan. Naalala ko tuloy yung biro ni Rustan.

Sabi niya minsan, "pare nabasa ko sa diyaryo na masama pala ang manigarilyo. Ang nicotine pala at tar na kemikal na sangkap ng yosi ay nakakanser sa lalamunan,at baga, at pwede ding magkaroon ng epekto sa puso at altapresyon."

"Matagal ng alam ng lahat yan. Saang planeta ka ba nagmula?"

"Nabasa ko din pre, masama ding uminom ng alak magkakaroon ka ng liver cirrhosis, ganuon din na baka magkaroon ng ng malaking tyansa sa kanser. Nabasa ko din pre sa diyaryo na masama din ang masyadong softdrinks dahil baka maging sanhi ng diabetes."

"O ano ibig mong sabihin?"

"Pare itigil na natin ang pagbabasa ng diyaryo, masama!" Hindi ko napigilang tumawa sa sinabi niya. Hahaha. Binato ng bimpo ang loko. Hindi ko inaasahan na sagot ng mokong. Ganoon kami noong nag-aaral pa kami sa unibersidad dito sa Manila at minsan naisasama ko din siyang magpart-time sa probinsya namin.

Balik ulit ako sa pamahalaan, kasi eto naman lagi ang tampulan ng sisi ng bawat mamamayan sa kahirapan. Kung minsan iniisip ko, nasa lider ba talaga o nasa mamamayan ang problema. May problema ng gutom, walang trabaho, kriminalidad, korupsyon at hindi pantay na alokasyon ng likas na yaman. Malamang ang kalikasan na din ng tao ang dahilan ng suliraning kaniyang kinakaharap. Sa kasaysayan ng ebolusyon ng pamahalaan, nagsisimula ang lipunan sa diyadikong pagsasama ng babae at lalaki, lalago bilang pamilya, hanggang sa komunidad, uusbong ang balangay; ang sistemang pinamamahalaan ng raha o ng datu. Sa ganitong sistema, sinasabi na ang communal na pamumuhay ay hati-hati. Bagamat may alipin, hindi naman alipin sa konteksto ng kanluranin na nagpapatayo ng malalaking gusali hanggang kamatayan. Maaari masabi na mayroon ng liberal na kaisipan sapagkat mayroon aliping namamahay na may karapatan na mag-ari ng bahay at ari-arian. Sa sinaunang sistema ng alipin, isinasamang ilibing ang mga alipin na tila kanyang mga kagamitan o isang posesyon lamang. Naging Vice-royalty ang bansa, bilang probinsyan ng Kastila at napasakamay ng mga Amerikano bilang kolonya. Nagkaroon ng unang Republika na bagamat operasyonal ay hindi nagkaroon ng malawak na pagkilala ng internasyonal na komunidad. Ikalawang Republika sa panahon ng hapon at Ikatlo sa Panahon ni Pangulong Manuel Roxas pakatapos ng ikalawang digmaan pandaigdig.

Tanglaw sa KarimlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon